Karen Davila proud sa eldest son niyang si David na natanggap na makapag-aral sa UP College of Fine Arts. Si David mayroong autism spectrum disorder pero nagagawa paring mamuhay ng normal at mag-excel sa mga hilig niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Karen Davila proud sa pagpasok ng eldest son niyang si David sa University of the Philippines.
- Mensahe ni Karen ng pasasalamat sa mga tumulong sa anak niya.
Karen Davila sa pagpasok ng eldest son niyang si David sa UP
Very proud, ganito kung isalarawan ni Karen Davila ang nararamdaman niya ng makapasok sa UP College of Fine Arts ang anak niyang si David. Si David ay 22-anyos na at mayroong Autism Spectrum Disorder o ASD.
“PROUD OF YOU DAVID 🇵🇭 Wow! This day!! David, now a freshman at the UP College of Fine Arts for the Associate in Arts undergraduate program!”
Ito ang masayang bungad ni Karen sa bagong achievement ng anak.
Ayon kay Karen, May 2023 ng kumuha ng talent determination test si David para mag-qualify na makapag-aral sa University of the Philippines Diliman Campus. Sobrang saya nga nila na matapos ang isang buwan ay natanggap nila ang magandang balita. Si David naipasa ang test at nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa alma mater ng kaniyang ina. Ito ay sa kabila ng kondisyon na kaniyang kinakaharap.
Mensahe ni Karen ng pasasalamat sa mga tumulong sa anak niya
“Preparing a child in the autism spectrum for college takes a lot of support & planning. Thank so much to my alma mater – UP DILIMAN, the officials of UPCFA for choosing INCLUSIVITY.”
Ito ang sabi pa ni Karen na pinasalamatan rin ang mga taong nasa likod na achievement na ito ng anak. Hindi niya rin syempre pinalampas na sabihin sa anak kung gaano siya ka-thankful bilang isang magulang sa napatunayan nito.
“It is true, “It takes a village to raise a child” Even more so, a child with special needs. Thank you teachers, David is in college because of all of you. I hope this serves as an inspiration to my co-parents out there!”
“David, you continue to defy limitations & expectations. You are God’s miracle. Thank you Lord Jesus for David 🙏🏻 Thank you for your faithfulness & love.”
Ito ang sabi pa ni Karen Davila.