Karylle hiniling na magkabati ang mga magulang bago siya kinasal

Bago ikasal si Karylle Tatlonghari ay hiniling nito na magkabati na ang kaniyang mga magulang na si Zsazsa Padilla at Modesto Tatlonghari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Zsazsa Padilla kung ano ang hiniling ng kaniyang anak na si Karylle Tatlonghari bago ito ikasal.

Karylle Tatlonghari hiniling na magkaayos ang ina’t ama

Hindi nagkaroon ng pagkakataong maikasal si Zsazsa Padilla sa kaniyang dating partner, ang yumaong si Dolphy Quizon. Ito ay dahil kasal si Zsazsa sa una nitong asawa, ang tatay ni Karylle na si Modesto Tatlonghari.

Ayon kay Zsazsa Padilla, sa interview sa kaniya ni Korina Sachez, noong una raw ay hindi mabigyan ng annulment ng kaniyang ex-husband ang singer. Hanggang sa hilingin ni Karylle na magkaayos ang dalawa.

Larawan mula sa Instagram ni Karylle

“Hindi ako mabigyan ng ex-husband ko ng annulment. Talagang dumaan ako sa butas ng karayom. But noong bago ikasal si Karylle hiningi niya lang ‘yong isang bagay.” “Sabi niya sa akin, ‘mama, mabigat talaga kapag hindi pa kayo magkasundo ni papa.’ So, ‘yon ang hiling niya. Sabi ko, sige, ibibigay ko sa’yo.”

Kaya naman, tuwing may naiisip daw siyang ano mang negative tungkol sa naging relasyon nila ni Modesto, agad niya rin daw inaalis sa kaniyang isipan. Tapos na raw ito at dapat nang isarado.

“Before we walked down the aisle, sabi ko ‘forgive and forget” and I meant it.”

Simula raw noon ay naging magkaibigan na ang mga magulang ni Karylle at natuloy na rin ang annulment ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Karylle

Bakit nga ba naghiwalay ang mga magulang ni Karylle?

Sa nasabing interview, ibihagi ni Zsazsa Padilla na naging mahirap sa kaniya ang maging batang ina. Pero nagawa naman niya itong i-handle nang maayos. May pagkakataong pinagsabay niya ang pag-perperform, pagiging ina, at ang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itinanong ni Korina kay Zsazsa kung bakit ba hindi nag-work ang relasyon nito sa tatay ni Karylle bukod sa fact na masyado pa silang bata nang magpakasal sa edad na 16.

Aniya, “Conflict din. Pumasok din kasi ‘yong jealousy. Siyempre ang dami kong nakakahalubilong tao. Kung ako rin naman ‘yong wala sa showbiz, if I were in his shoes, magkakaroon din ako ng insecurities.”

Dagdag pa nito, “Maybe I should have been more supportive of his career. Marami ring regrets along the way.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan