May pagbabago nang ipinapatupad simula nuong ika-2 ng Enero pagdating sa minimum wage ng mga kasambahay. Para sa mga may kasambahay, dapat malaman na ang minimum wage na para sa kanila ay 5,000. Kapag masmababa dito ang pinapasweldo, maaaring mapatawan ng parusa ang employer. Alamin ang anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) patungkol sa kasambahay minimum wage 2020.
DOLE: Kasambahay minimum wage sa 2020, hindi dapat bababa ng 5,000
Wage Order No. 2 for Domestic Workers
Nuong ika-23 ng Disyembre ay nakipag-panayam si Sarah Buena Mirasol, ang Regional Director ng DOLE-NCR sa DZMM. Nais niyang ipaalala na ang Wage Order No. 2 for Domestic Workers ay na-ipublish na nuong ika-18 ng Disyembre taong 2020.
Kasambahay Minimum Wage 2020, Hindi Dapat Bababa Sa P5,000 | Image from Unsplash
Ayon sa naturang batas, ang minimum wage para sa mga kasambahay ay magiging P5,000 na. Nasasakupan ng batas na ito ang lahat ng kasambahay sa Metro Manila. Ang sino man na lumabag dito ay maaaring ireklamo sa DOLE at mapatawan ng karagdagang multa.
Ito ay naging epektibo nuong ika-2 ng Enero, 15 araw matapos mai-publish.
Social benefits
Ayon kay Mirasol, dahil sa nangyaring pagtaas ng sweldo, maaari nang kaltasan ng employers ang mga kasambahay para sa mga social benefits na natatanggap nito. Kabilang dito ang SSS, Philhealth, at Pag-Ibig. Ganunpaman, hindi parin dapat buo itong ibabawas mula sa sweldo ng mga kasambahay. Bagkus, dapat ay maghahati ang kasambahay at employer pagdating sa mga social benefits na ito.
Ani ni Mirasol, maaari parin sagutin nang buo ng mga employer ang pagbabayad sa mga naturang social benefits.
Isa ring ibig sabihin ng pagtaas ng sweldo ay ang kasunod na pagtaas ng 13th month pay. Ipinapaalala ni Mirasol na nakasaad sa batas na dapat binabayaran ng 13th month pay ang mga empleyado, maging mga kasambahay.
Kasambahay Minimum Wage 2020, Hindi Dapat Bababa Sa P5,000 | Image from Unsplash
Paglabag sa Wage Order
Naibahagi ni Mirasol na sa kanilang public consultations para sa naturang batas, napag-alaman nila na may mga employers parin na nagpapasweldo nang masmababa sa P3,500. Dagdag pa dito, mayroon ding iba na hindi talaga nagbabayad sa kanilang mga kasambahay.
Ang mga kasambahay ay maaaring magreklamo kung ang kanilang employer ay hindi susunod sa mga batas pagdating sa karapatan ng mga kasambahay. Maaari silang magpunta sa DOLE-NCR o kaya naman ay sa mga field offices na matatagpuan sa Quezon City, Pasig, Las Pinas, at iba pa. Maaari ring tumawag sa mga opisinang ito para magparating ng reklamo sa mga employers.
Para sa proteksyon ng mga magre-reklamo, maaaring maging anonymous o confidential ang reklamo laban sa mga employers. Mahalaga lamang na maibigay ang panggalan at address ng employer at DOLE na ang aaksyon para ipatawag ang employer.
Para sa kumpletong directory ng mga regional at field offices ng DOLE, maaaring mag-click dito.
Kasambahay Minimum Wage 2020, Hindi Dapat Bababa Sa P5,000 | Image from Unsplash
Work from home job in Philippines
Para makadagdag kita sa ninyo, alam niyo bang may alok na trabaho ang isang BPO firm sa Singapore dito sa Pilipinas?
Naghahanap ng 2,000 work from home employee ang Business Process Outsourcing (BPO) na naka base sa Singapore na Everise Holdings dito sa Philippines.
Ayon sa Everise Holdings, ang job hiring na ito ay dahil gusto nilang palakasin ang Manila headcount na magmumula sa 3,000. Nasa 12,000 naman ang bilang nito globally.
Mensahe ni Sudhir Agarwal, founder at chief executive ng Everise Holdings, “We are a people-first company who has entrepreneurship and innovation in our DNA.” Dagdag pa nito na naiintindihan niya ang hirap na pinagdadaanan ng bawat mamamayan sa krisis na kinakaharap natin sa COVID-19.
“The operational metrics point to us having an appetite for growth, and as such we are poised for strong recovery post-Covid-19 and the necessary restrictions on movement.”
Sa pahayag ng Everise Holdings, ginagawa rin nila ang ang paraan para madevelop ang talent o ibang tool ng kanilang staff para makapagbigay ng magandang serbisyo sa mamamayan kahit na ito ay work from home.
“We engineered home-based operations such as remote recruiting, virtual training and on-boarding, and business intelligence. As a result, all of our solutions, including omnichannel customer service, tech support, fraud detection, and community moderation, chatbots and natural language interactive voice response systems, can be delivered from home,”
Kinumpirma din ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong halos 6,000 na BPO job openings ngayon na maaaring mangyari.
Source: ABS-CBN News Youtube
Basahin din: Dapat may 13th month din ang iyong kasambahay, paalala ng DOLE
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!