Isang 11-anyos na babae ang sinaktan umano ng kaniyang sariling ina at mga tiyuhin dahil lang sa hindi raw siya sumunod sa utos ng mga ito. Isa na namang kaso ng child abuse.
Kaso ng child abuse: Batang babae sinaktan ng ina at mga tiyuhin
Isang kaso ng child abuse ang naitala sa Negros Occidental matapos na saktan ng isang ina ang kaniyang 11-year-old na anak.
Tumakas umano sa kanilang bahay ang isang batang babae matapos na maltratuhin ng kaniyang ina at mga tiyuhin. Naganap ang insidente sa Talisay, Negros Occidental.
Larawan mula sa Freepik
Ayon sa mga kapulisan, ang rason kung bakit sinaktan ang bata ay dahil daw sa hindi nito sinunod ang utos ng ina. Lumabas din sa imbestigasyon na maging ang mga tiyuhin ng bata ay sinaktan din ito.
Hindi lang basta pinagbuhatan ng kamay ang batang babae. Ikinulong pa raw ito sa kulungan ng baboy at doon ay pinabayaan.
Dahil hindi matiis ang ginagawa ng magulang at mga tiyuhin, nagawang makatakas ng bata. Humingi siya ng tulong sa mag-asawang nakatira din sa kanilang lugar.
6 year old pa lang inaabuso na
Larawan mula sa Freepik
Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na anim na taong gulang pa lamang ang bata ay sinasaktan na ito ng kaniyang ina.
Agad din namang inaresto at ikinulong ang nanay ng bata pati na ang tatlo nitong tiyuhin. Na pare-parehong hindi nagbigay ng pahayag hinggil sa kaso ng child abuse sa sarili nilang kaanak.
Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang bata sa ospital.
Larawan mula sa Freepik
Tandaan!
Mommy at daddy, hindi tama na saktan ang bata ano man ang dahilan natin. Hindi pananakit ang solusyon para mapasunod ang ating mga anak sa inuutos natin. Ang pagbubuhat ng kamay sa ating mga anak ay may negatibong epekto sa kanilang growth and development. At ito ay malinaw na uri ng child abuse.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!