Ama, pinukpok ng feeding bottle ang 3-month-old baby na iyak nang iyak

Ayon sa ama hindi niya sinasadya ang nagawa. Siya rin daw ay hindi nakainom o nasa impluwensiya ng bawal na gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaso ng filicide o pagpatay ng magulang sa anak, narito ang ilang tips kung paano maiiwasan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kaso ng filicide na kung saan ang isang ama ay napatay ang sariling anak niya.
  • Tips kung paano pahahabain ang pasensa sa iyong anak.

Kaso ng filicide: Ama napatay ang 3-buwang gulang niyang sanggol

Image by Mylene2401 from Pixabay 

Iyak ng iyak at hindi mapatahan, ito umano ang nagtulak sa amang si Mucher Repalda Flores, 20-anyos para mapatay ang sarili niyang anak.

Ang kaniyang anak ay 3-buwang-gulang na sanggol pa lang na ayon sa report ng mga pulis ay nagkulay talong ang mukha at nasawi matapos paghahampasin ng suspek ng feeding bottle.

Ang insidente ay naganap sa Tamse Road, Brgy. Poblacion 4, Cotabato City bandang alas-9 ng gabi.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, natutulog ng mga oras na iyon si Flores katabi ang kaniyang kinakasama sa kanilang bahay. Nagising ito sa iyak ng kanilang sanggol. Kaya naman tinimplahan niya ito ng gatas at pinadede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kahit pinapadede na ay hindi pa rin umano tumigil sa pag-iyak ang sanggol. Ito ay kinairita ng suspek kaya naman pinaghahampas niya ng feeding bottle ang mukha ng kaniyang anak hanggang sa ito ay mawalan ng malay.

Nang makita niyang wala ng malay ang sanggol ay saka nito ginising ang kaniyang kinakasama. Nadakip ang suspek dahil sa reklamo mismo ng kaniyang kinakasama na ina ng napatay niyang sanggol.

Base naman sa pahayag ng mga tao sa paligid ni Flores, ito umano ay nasa impluwensiya ng droga kaya nagawa niya ang karumal-dumal na krimen sa anak.

Pero pagtanggi ni Flores, hindi siya gumagamit ng bawal na gamot at hindi nakainom ng alak ng mangyari ang insidente. Hindi niya rin umano sinasadya na mapatay ang sarili niyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Flores ay nahaharap sa kasong parricide o paglabag sa Article 246 ng Revised Penal Code. Kung mapatunayang guilty si Flores ay mahahatulan siya ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo.

Paano makokontrol na maibaling ang galit sa iyong anak?

Woman photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Ayon sa psychologist at parenting coach na si Laura Markham, normal sa mga magulang na minsan ay maibuntong ang galit natin sa ating mga anak. Ngunit hangga’t maaari ay dapat itong iwasan.

Para maiwasan na maibuntong ang galit sa iyong anak, kailangang matuto kang kontrolin ito. Magagawa ito sa tulong ng mga sumusunod na tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Magbilang ka.

Para dahang-dahang humupa ang galit mo at bumagal ang tibok ng iyong puso ay makakatulong ang pagbibilang ng isa hanggang sampu. Kung talagang galit na galit naman ay maaaring paabutin ito ng 100 para tuluyang mapakalma ang sarili mo.

2. Mag-inhale at exhale.

Kapag tayo ay galit ay bumabaw at bumibilis ang ating hininga. Kaya ang pag-iinhale at exhale kapag galit ay makakatulong para maibalik sa ayos ang iyong paghinga at pati ang galit mo ay humupa.

3. Maglakad-lakad ka o mag-exercise.

Ang pag-e-exercise ay kayang pakalmahin ang iyong mga nerve na nakakapagbawas ng iyong galit. Maaaring gawin ito sa pamamagitan nang paglalakad-lakad, pagba-bike o pagtakbo. O kaya naman kahit anong activity na magdudulot ng paggalaw ng iyong katawan at isipan.

4. Mag-ulit-ulit ng isang mantra.

Maghanap ng salita o kataga na makakatulong sayong kumalma at mag-refocus tulad ng “Relax”, “Kalma” o “Okay lang ‘yan”. Ulitin ang salitang ito ng paulit-ulit kapag ikaw ay galit.

Makakatulong din na ipaalala sa iyong sarili na ang iyong anak ay bata pa na hindi pa alam ang kaniyang ginagawa. Kung siya ay may nagawang mali o hindi mo gusto, siya ay dapat mong gabayan para ito ay maitama sa maayos na paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaso ng mga sanggol ay dapat isaisip na ang pag-iyak ay paraan nila para sabihing hindi sila komportable, gutom o may masakit sa kanila. Kaya naman imbis na maubusan ng pasensya ay mabuting alamin ang dahilan ng kanilang pag-iyak o pagwawala.

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

5. Mag-stretch

Ang pag-stretch ng katawan ay makakatulong para makontrol ang iyong katawan at emosyon. Ilan sa simpleng stretching exercise na puwede mong gawin ay neck at shoulder rolls.

6. Pumunta sa tahimik na lugar.

Kapag nakakaramdam ng galit, mabuting umalis sa lugar na nakakagalit sa ‘yo. Magpunta sa isang lugar na tahimik. Saka ipikit ang iyong mata at mag-imagine ng lugar o eksena na makakapagrelax o makakapagpasaya sayo.

BASAHIN:

1-year old, patay matapos mapag-buntungan ng galit ng ama

7 parenting mistakes kaya madali kang nagagalit sa anak mo

3 paraan para humaba ang pasensya kapag makulit ang anak

7. Makinig ng music.

Para maitaboy ang iyong galit ay maaari ring magpapatugtog ng music. Mas mabuti kung ito ay club music na ikaw ay mapapasayaw o kaya naman ay pop music na maaari mong sabayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Manahimik ka muna at huwag magsalita.

Para maiwasang mas lumala ang galit na nararamdaman, mas mabuting manahimik ka muna at huwag magsalita. Sa ganitong paraan ay makakahinga ka ng maayos at marerelax mo ang iyong katawan at isipan.

9. Magisip ng posibleng solusyon sa mga bagay na nakakagalit sayo.

Kaysa ubusin ang iyong lakas at oras sa pagkagalit, mas mabuting mag-isip nalang ng paraan para masolusyonan ang mga bagay na nagpapagalit sa ‘yo.

Kung naiinis ka sa kalat na ginawa ng mga anak mo sa kanilang kuwarto, isarado mo ang pinto. Kung lagi namang late umuwi ang asawa mo, i-urong ng kaunti ang schedule ninyo ng hapunan.

O kaya naman sanayin ang iyong sarili na kumain mag-isa minsan sa isang linggo. Laging ipaalala sa sarili na hindi nalulutas ng init ng ulo ang kahit anong problema.

10. Humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.

Ang pagkokontrol ng galit, minsan ay hindi madali para sa ilan sa atin. Sa ganitong pagkakataon ay mga taong maari tayong tulungan o puwede nating makausap para gumaan ang ating pakiramdam.

Maaaring ito ay isang kaibigan o isang professional na may kaalaman sa mga epektibong paraan para makontrol mo ang iyong megatibong nararamdaman tulad ng galit o kalungkutan.

Source:

The Philippine Star, Psychology Today, Official Gazette of the Philippines