Isang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) ang nagaakusa ng rape sa founder na si Pastor Apollo Quiboloy. Ang inaakusang kasong rape ni Quiboloy ay kasama ang iba pang tao na sila Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, at Ingrid Canada. Alamin ang mga alegasyon sa pastor.
Blenda Portugal
Ayon kay Blenda Portugal, ang nag-aakusa kay Quiboloy, nangyari ang panghahalay nuong 2009. Sa mga panahon na ito ay 12 taong gulang pa lamang siya, isang menor de edad.
Sa kwento ni Portugal, siya ay napasali sa KJC dahil masugid na tagasunod ni Quiboloy ang kanyang ama. Dahil dito, sila ng kanyang kapatid ay nahikayat na magsilbi para sa pastor. Subalit, sila ay sinabihan na huwag kwestiyunin ang mga gawain sa organisasyon dahil ito ay ang “kagustuhan ng Ama”.
Ayon kay Portugal ay dahil sa murang edad, hindi nila naiintindihan ng kapatid ang mga implikasyon ng mga salita ng pastor. Hindi nila inakala na ang sinasabihang kagustuhan ng Ama ay ang mararanasang sekswal at sapilitang pagtatrabaho.
Sa kanyang testimonya ay nagbigay ng detalyadong kwento si Portugal ng mga pangyayari. Dito niya ikwinento kung paano siya ginamit ng pastor. Nasabi niya pa dito na matapos siyang gahasain ay sa likod siya pinadaan palabas.
Sagot ng panig ni Quiboloy
Ayon kay Attorney Israelito Torreon, ang spokesperson ni Quiboloy, isang malaking sabwatan ang nagaganap. Sa kanyang kwento ay mayroon silang ipinasa na kaso ng libel laban kay Portugal nuon pang Oktubre 2010. Sa totoo ay mayroon nang warrant of arrest si Portugal mula sa Prosecutor’s Office ng Panabo City nuon pang Abril 2019. Magkakaroon dapat ng huling hearing ngayong Disyembre 2019 subalit umatras ang abogado ni Portugal. Dahil dito ay na-reset ang preliminary conference sa darating na taon.
Ikinagulat ng kampo ni Quiboloy ang alegasyon ni Portugal. Sila ay naniniwala na mayroong tao sa likod ng mga alegasyon na ito. Kanilang itinuturo ang nakahandang reklamo na ipinasa na may napakagandang paggamit ng ingles. Mukha pa raw well-financed si Portugal. Dahil dito ay handa ang kampo ni Quiboloy na gawin ang mga tamang legal actions laban kay Portugal.
Kristina Angeles
Hindi na bago ang alegasyon ng sexual harrasment kay Quiboloy. Sa totoo, nuong Oktubre 2018 ay inakusahan na siya ng sexual harrasment sa Hawaii. Ang nagreklamo ay isa ring dating miyembro ng KJC na si Kristina Angeles. Ayon dito ay nagpapatakbo si Quiboloy ng isang “child sex ring”. Ang kanyang kaso raw ay isa lamang pagpaparusa at paninira matapos niyang tumiwalag sa KJC dahil sa pangaabuso.
Ganunpaman, napag-usapan lamang ang akusasyon sa pagdinig ng kaso ni Angeles ng sexual assault sa isa pang babaeng miyembro ng KJC. Dahil dito ay binalewala ang akusasyon ni Angeles dahil ito raw ay isa lamang dibersiyon.
Disyembre 2019 ay napawalang bisa ang kaso ni Angeles.
Sources: GMA News Online, PhilStar, Inquirer
Basahin: 9-anyos, na-gang rape ng mga tiyuhin at mga barkada
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!