May nadagdag na naman sa listahan ng mga medical frontliners na nasawi dahil sa COVID-19. Siya ay si Dr. Kathlynne Anne Abat-Senen na magpahanggang-ngayon ay hindi pa matukoy kung paano nahawaan ng sakit.
Dr. Kathlynne Anne Abat-Senen, nasawi dahil sa COVID-19
Sa pamamagitan ng isang Facebook ay ibinahagi ni Dr. Jerome Senen ang kaniyang kalungkutan sa pagkawala ng asawang si Dr. Kathlynne Anne Abat-Senen, 43-anyos.
Si Dr. Kathlynne na kilala rin sa tawag na Karen ay nasawi dahil sa sakit na COVID-19 nito lamang Agosto 23. Ito ay matapos ang kaniyang 44 na araw na pakikipaglaban sa sakit at ang pag-aakalang napagtagumpayan niya na ito.
Sakit hindi pa alam kung paano niya nakuha
Ayon kay Dr. Senen na isang pediatric pulmonologist, sa ngayon ay hindi parin nila alam kung paano nakuha ng kaniyang asawa ang sakit na COVID-19. Dahil tulad niya ay naging napaka-ingat rin umano nito. Ito ay dahil mayroon pa silang dalawang anak na edad na 8 at 11-anyos na pinoprotektahan laban sa sakit. Ngunit sa hindi parin nila malamang dahilan ay nahawaan ito ng sakit at labis na nahirapan sa pakikipaglaban dito.
“As doctors, we were very very careful with ourselves because we know that we have 2 kids. And if something happens to us, the kids are still small so we have to be very very careful.”
Ito ang pahayag ni Dr. Senen sa isang panayam tungkol sa pagkasawi ng kaniyang asawa na si Dr. Karen, isang neonatologist o espesyalista sa pag-aalaga ng mga newborn babies.
Dagdag pa ni Dr. Senen, para makasigurado ngang protektado sila laban sa sakit ay mayroon silang personal na PPE na ginagamit. Ito ay kanilang isinusuot kapag pupunta ng clinic o kaya naman ay mag-rorounds sa ospital at haharap sa kanilang pasyente. Kaya napalaking tanong para sa kanila kung paano nakuha ng asawa ang sakit.
“We do not know kung saan niya nakuha. Alam mo naman it can be anywhere. It can be a patient. It can be just somebody you encountered in public.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Senen.
Sintomas ng COVID-19 na inakalang asthma lang
Kwento pa ni Dr. Senen, noong unang magpakita ng sintomas si Dr. Karen, inakala nilang ito ay asthma lang. Dahil sa ito ay nagtataglay ng kondisyon na kung saan ang pag-ubo ay isa sa mga sintomas ng pag-atake nito. Pero para makasigurado ay agad silang nagpunta sa ospital at nagpakuha ng X-ray scan. Dito nila nakita na may infiltrates sa baga nito na indikasyon na siya ay may pneumonia. Kaya naman agad ng nagpa-confine si Dr. Karen sa Philippine General Hospital o PGH. Siya rin ay isinailalim sa swab test na kung saan ang lumabas na result ay negative. At ang naging clinical impression sa kondisyon niya ay pneumonia at asthma.
Pero matapos ang isang linggong pagka-confine sa ospital ay hindi naging maayos ang kondisyon ni Dr. Karen. Sumailalim ulit siya sa COVID-19 swab test para makasigurado. Dito na lumabas ang resulta na siya nga ay infected ng sakit.
Upang palakasin ang kaniyang immune system laban sa sakit ay binigyan umano agad ng convalescent plasma si Dr. Karen. Sa awa ng Diyos ay umayos ang lagay niya. Wala na itong ipinapakitang sintomas ng sakit. Siya ay na-discharged matapos ang dalawang linggong pagka-confine sa ospital. At matapos mag-negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test niya.
Inakalang paggaling sa sakit
Pero ito pala ay pansamantala lang. Dahil matapos ang dalawang araw ay nagpakita uli ng sintomas ng sakit si Dr. Karen. Wala itong ganang kumain, walang pang-amoy at may mataas na lagnat.
Siya ay muling ibinalik sa ospital. Sa pagkakataong iyon ay dineretso na siya sa ICU at na-intubate. Dito na siya tuluyang nasawi.
Ayon parin kay Dr. Senen, naging mahirap ang pakikipaglaban ng asawa sa sakit. Dahil hindi lang baga nito ang naapektuhan ng COVID-19. Nagkaroon rin ng komplikasyon sa iba pang organs ng kaniyang katawan. Dahilan upang ito ay tuluyan ng bumigay at sumuko sa kaniyang laban.
Mensahe sa namayapang asawa
Biglaan man at napakasakit, ay tanggap naman ni Dr. Senen ang nangyari sa asawa. Dahil kahit papaano sa wakas ay tapos na ang paghihirap nito.
“August 23, 2020, 7:46am – This is the exact date and time when my lovely wife, Kathlynne Anne Abat-Senen, lost in her biggest and longest fight ever. No more pain and suffering, hon. It was a hard-fought 44 days in the hospital. We, your entire family, we’re there with you every step of the way.”
Ito ang pahayag ni Dr. Senen sa kaniyang Facebook post. Pinangako rin niya sa pamamagitan ng kaniyang mensahe sa asawa sa Facebook na magiging matatag siya para sa kanilang mga anak. At susubukang alagaan ang mga ito ng tulad ng ginagawa niya.
“As I held your hand physically one last time yesterday, I made a promise to you that I will try my best to be as good as you in the roles and things that you do. But I do think I can’t hold a candle to you. You’re that good.”
Ipinangako niya rin sa asawa na kahit wala na ito ay magpapatuloy parin ang init ng pagmamahal niya rito.
“I will always love you, and keep you close to my heart. I will still say ‘I Love You,’ even if there is no physical reply. But I will always feel your presence as if you never left my side.”
“To my soulmate, my love for you will always burn like the sun. I love you.”
Ito ang bahagi ng mensaheng ni Dr. Senen kay Dr. Karen.
Paalala sa publiko
Ayon parin kay Dr. Senen, sa ngayon ay hindi pa malinaw kung re-infection o continuation lang ng sakit ang naranasan ng kaniyang asawa. Pero mayroon siyang mahalagang paalala sa publiko tungkol sa kumakalat na sakit. Ang laban umano na ito ay hindi lang laban ng gobyerno at medical frontliners. Ito daw ay laban nating lahat kaya naman bawat isa ay dapat gawin ang bahagi nila upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
“Everybody has to do their part. For the public, you have to observe the steps you have to do, distancing, wearing a mask, wearing of your face shields if ever.”
Ito ang paalala mula kay Dr. Senen.
Source:
ABS-CBN News
BASAHIN:
Teacher na dumalo sa online class na walang damit pantaas, suspendido
Public school teacher na naghahanda ng module sa nalalapit na pasukan, nag-positibo sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!