Katy Perry buntis na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom

Katy Perry buntis na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom

Inanunsyo na ng american singer-songwriter na si Katy Perry na siya ay pregnant na kay Orlando Bloom sa bagong labas na music video niya. Siya ay soon-to-be mommy na!

Soon to be mom na ang hollywood singer na si Katy Perry, ni-reveal nito sa kanyang pinakabagong music video na siya ay pregnant na!

katy-perry-pregnant

Katy Perry buntis na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom | Screenshot image from Katy Perry Youtube Channel

Katy Perry buntis na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom

Nitong thursday lamang, muling naglabas ng kanyang bagong kanta ang hollywood singer-songwriter na si Katy Perry. Kilala siya sa kanyang tanyag na mga kantang Firework, Roar at Hot N Cold. Humakot na rin siya ng iba’t-ibang parangal sa kanyang musika.

katy-perry-pregnant

Katy Perry buntis na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom | Screenshot image from Katy Perry Instagram Account

Ang kanyang kantang Never Worn White ay inilabas niya nitong March 5 lamang. Marami ang nag aabang para sa kanyang ilalabas na music video. Ngunit may plot twist pala ito!

Hindi lang ito literal na music video at bagong kanta. Sa video rin niya inanunsyo na siya ay pregnant na sa kanyang long time couple na si Orlando Bloom! Sa umpisa ng video, makikita si Katy Perry suot suot ang eleganteng white dress.

Ngunit pagdating sa dulo ng music video, dito na niya ipinakita ang kanyang baby bump.

katy-perry-pregnant

Katy Perry pregnant na sa kanyang unang anak kay Orlando Bloom | Screenshot image from Katy Perry Youtube Channel

Maririnig pa sa kanyang kanta ang lyrics na “See us in 60 years with a full family tree.”

Si Katy at Orlando ay nagsimulang magdate taong 2016 pa lamang. At noong nakaraang taon lang, Valentines Day, inanunsyo nila na sila ay engaged na.

Sa Instagram post ni Orlando, makikita ang malaking flower ring na suot ni Katy. Ayon sa isang source, gusto na raw nilang magkaroon ng anak. Dinescribe pa nila ito ng ‘sooner rather than later’

Matatandaang nagpost si Katy Perry sa kaniyang Twitter account. Naglabas ito ng pasilip para sa kanyang bagong single na Never Worn White.

Ito ay may caption na:

“You are cordially invited to the premiere of #NeverWornWhite Join me on the @YouTube watch page tonight at 8:30pm PT and chat with me (promise not a bot!) before the video premieres at 9pm PT!”

Dito na rin nagkaroon ng idea ang ibang fans na may something special sa kantang ito.

Katy Perry and Orlando Bloom

Lakas loob na inamin ni Katy Perry ang kanyang tangkang suicide noon nang maghiwalay sila ni Orlando Bloom noong March 2017.

Ayon sa interview sa singer, halo-halong emosyon ang kanyang naranasan noon dahilan para mag break down siya.

“I had given so much out, and it literally broke me in half. I had broken up with my boyfriend, who is now my baby daddy-to-be. And then I was excited about flying high off the next record. But the validation did not make me high, and so I just crashed.”

Inamin rin niya na dahil sa kanyang gratitude faith at positivity, naligtas siya at nahanap ulit ang sarili.

“Gratitude is probably the thing that saved my life, because if I did not find that I would have wallowed in my own sadness and probably just jumped. But I found the ways to be grateful. If it gets really, really hard I walk around and say, ‘I am grateful, I am grateful!’; even though I am in a sh***y mood.”

Ngunit ngayon ay masaya na siyang sabihin na mas okay na ang kanyang nararamdaman pagkatapos ng ilang taon na hindi mentally stable. Ang connection at matinding relationship niya sa faith ang nagsagip sa kanya.

“Hope has always been an option for me, because of my relationship with God and something that is bigger than me. Of course if I am the one controlling my destiny I am going to be the one driving it into the ground.

Nagsimulang mag date si Katy Perry at Orlando Bloom noong 2016 ngunit naghiwalay rin noong February 2017. At noon ring 2019, saka nito inanunsyo sa publiko na sila ay engaged na ni Orlando.

Panoorin ang kanyang ‘Never Worn White’ music video dito:

BASAHIN:

Pregnant celebrity moms na manganganak sa 2020

Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby

Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner