Pregnant celebrity moms na manganganak sa 2020

Pregnant celebrity moms na manganganak sa 2020

Pregnant celebrity moms 2020: Mga pinay celebrities na buntis at manganganak sa susunod na taong 2020. Kilalanin natin sila dito.

Pregnant celebrity moms 2020: Narito ang mga pinay celebrities na manganganak sa susunod na taon.

Pregnant celebrity moms 2020

Pregnant celebrity moms 2020

1. Anne Curtis

Nangunguna sa listahan ng inaabangang panganganak ng pregnant celebrity moms 2020 ay ang It’s Showtime host na si Anne Curtis.

Matatandaang nitong Nobyembre ay inanunsiyo ng host-actress na siya ay buntis sa pamamagitan ng isang music video sa Instagram. May caption itong “I think you should know something… Another reason to love November.” Sinabayan din ito ng isa pang post mula naman sa kaniyang celebrity restaurateur na asawang si Erwan Heussaff na ipinost din ang parehong music video na may caption na “5/9”. Ito ang nagbigay spekulasyon na si Anne ay nasa pang-5 buwan na ng kaniyang pagbubuntis,

Kamakailan nga lang ay nagbigay ng update si Anne sa kaniyang pagbubuntis na nasa 28th week na umano. Siya ay inaasahang magbibigay silang sa unang anak nila ni Erwan, Marso ng susunod na taon.

anne curtis buntis

Image from Anne Curtis Instagram account

2. Jade Lopez

Buntis at inaasahan ring manganganak sa 2020 ang Starstruck Season 1 avenger na si Jade Lopez.

Sa isang Instagram post noong nakaraang buwan ay ipinasilip ni Jade ang kaniyang baby bump habang nasa isang bakasyon sa Panglao, Bohol. Siya noon ay 5 ½ months pregnant.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

21 weeks 🤰 Bohol vacay

A post shared by Jade Lopez – Siccion (@jadelopezsic) on

Ito ang pangalawang pagbubuntis ni Jade matapos makunan sa kaniyang first baby last 2018.

Sa pamamagitan ng isang YouTube video posted noong October 16, 2019 ay ikinuwento ni Jade ang kaniyang naging karanasan sa una niyang pagbubuntis.

3. Kryz Uy

Kabilang din sa pregnant celebrity moms 2020, ang vlogger at model na si Kryz Uy. Sa pamamagitan nga ng isang YouTube video ay ibinahagi ni Uy ang kaniyang reaksyon ng malamang siya ay buntis. At kung paano ito ipinaalam sa mister na si Slater Young.

“This is it guys. We are pregnant. While I’m feeling all sorts of emotions and scrambling for the right words to perfectly relay this moment I know one thing for sure. That we just received the biggest gift of 2019.”

Ito ang isinulat ni Uy sa kaniyang blog.

Ayon sa isa niyang Facebook post, si Kryz ay nasa simula na ng kaniyang 2nd trimester ng pagbubuntis.

4. Ethel Booba

Very emotional rin ang comedienne-singer na si Ethel Booba ng inaanunsiyo nito ang kaniyang pagbubuntis. Ito ay kaniyang ginawa sa programang “It’s Showtime” na kung saan tinanghal siyang celebrity grand champion ng segment nitong “Tawag ng Tanghalan.”

Nang gawin ni Ethel ang kaniyang pregnancy announcement noong Nobyembre ay sinabi nitong nasa ika-anim na buwan na siya ng kaniyang pagbubuntis.

“Double celebration, double congratulations to me. Ito na nga! Six months pregnant. “Pasensiya na ha, hindi ako makabuga ang sakit talaga ng puson ko.”

Ito ang naging pagbabahagi ni Ethel tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

gender reveal na! 😆 go to my youtube channel 💏😂

A post shared by Ethyl Coyoca Gabison (@ethelbooba) on

Inaasahang manganganak ang comedienne sa kaniyang baby February next year. Ito ang unang anak nila ng non-showbiz personality boyfriend na si Jessie Salazar.

5. Janice Lagman

Inaasahan ding magbibigay silang February next year ang taekwondo coach na si Janice Lagman. Siya ay ang misis ng taekwondo star na si Japoy Lizardo.

Ang ipinagbubuntis ni Janice ay ang pangalawang anak nila ni Japoy. Kahit pangalawang pagbubuntis na nga daw niya ito ay hindi parin ito madali para sa kaniya.

“7th Month! Last trimester here we go! So excited to see the little boy soon! It was not an easy pregnancy compared to my first but I’m surviving. Please continue to pray for a safe pregnancy.”

Ito ang post ni Janice sa kaniyang Instagram account tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

6. Jamie Evangelista-Geisler

Naging instant celebrity naman ang psychologist na si Jamie Marie Evangelista ng pakasalan ang aktor na si Baron Geisler nitong Setyembre.

Nagkakilala ang dalawa noong si Baron ay nagrerecover sa isang rehabilitation center dahil sa kaniyang addiction problems.

Sa isa ngang panayam ay ibinahagi ng aktor kung paano binago ni Jamie ang buhay niya.

“I’m very blessed to have her in my life kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress, but I am striving to be the best version of myself.”

“Without God by my side and without her, I cannot make it.”

Ito ang naging pahayag ni Baron tungkol sa asawa. At mas naging blessed pa nga daw ang feeling niya ng malamang buntis si Jamie sa kanilang unang anak.

“With a grateful heart, I introduce our lil’ princess beanie, Talitha Cumi. Coming out in Feb 2020. Please help me pray for mommy and baby’s health and safe delivery. I also appreciate any tips on parenting. God bless! Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!”

Ito ang naging post ng aktor sa kaniyang Facebook account tungkol sa pagbubuntis ng asawa.

Source: ABS-CBN News

Basahin: Nico Bolzico sa misis na si Solenn: “Seeing her pregnant changed my whole perception of her as a woman”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner