Chesca at Doug Kramer sa paggamit ng social media ng mga anak: “We are very much involved as parents”

"Spread positivity, and that you should always respect yourself...Be careful of the things that you post and things that you say." - Kendra Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Team Kramer, ibinahagi ang kanilang paraan sa paggamit ng social media. May guidelines at rules daw sina Kendra, Scarlett, at Gavin sa paggamit ng gadgets?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Team Kramer social media use
  • Advantages and disadvantages of social media

Team Kramer social media use

Bawat magulang ay may iba’t ibang pamamaraan sa kung paano nila dinidisiplina ang kanilang mga anak pagdating sa paggamit ng gadgets at social media.

Ang Team Kramer ay isa sa mga kilala at hinahangaan pamilya sa bansa. Sa isang webinar tungkol sa parent’s at caregiver’s guide sa paggamit ng social media ay ibinahagi nila ang kanilang parenting style pagdating sa social media use ng mga bata.

Taong 2014 noong nagsimulang magbahagi ang Team Kramer ng kanilang family content sa internet. Isa sila sa mga pamilyang sinusubaybayan at hinahangaan ng mga netizen.

Maingat at maayos nilang ginamit ang social media platform upang makapag-share ng ilang bahagi ng kanilang buhay at magsilbing inspirasyon sa marami.

Samantala, wala pang dalawang taon ang nakalilipas noong pinayagan ni Cheska at Doug ang kanilang panganay na anak na si Kendra sa paggamit ng sarili niyang social media. Dahil para sa amang si Doug,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“You have to establish first your relationship with your child before you add more responsibilities.”

Ayon sa kaniya, aware si Kendra sa pagdating sa bagay na ito. Sa social media, marami silang makikita at makakasalamuha. Ang paggamit nito ay maaaring magdala ng positibo o negatibong epekto sa mga bata.

Kaya naman paglilinaw ng kaniyang ina na si Cheska,

“I want my children to enjoy but also, I want them to know that we are still parents and we know what is best.”

Sapat nang pinayagan nila si Kendra magkaroon ng sarili niyang social media account. Ngunit syempre, hindi pa rin nawawala ang kaniyang boundaries sa paggamit nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer

“We are very much involved as parents,” pagbabahagi ni Doug.

Bagama’t gusto nilang mag-enjoy ang anak, sinisigurado pa rin ng mag-asawa na nache-check nila ang social media ng anak. Nang sa ganon, aware sila sa kung ano ba ang social media activities ang ginagawa ni Kendra.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi nawawala ang pagkakaroon ng tinatawag nilang “boundaries” sa paggamit nito. Ito’y upang maiwasan ng kanilang anak ang mga harmful content at negatibong epekto sa paggamit ng social media.

Bukod pa rito, mayroon silang tinatawag na guidlines at rules sa paggamit ng gadgets at social media ng mga bata. Mayroon silang kung tawagin ay “screen time” o oras lamang sa paggamit ng gadgets.

Mahigpit ang mga magulang nina Kendra, Scarlett, at Gavin sa oras. Ayon sa mag-asawa, mayroong naka-set na screen time sa mismong cellphone at gadgets ng mga bata. Kusa itong magno-notify kung oras na para tumigil.

Kendra Kramer sa paggamit ng Instagram at iba pang social media account.   | Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasalaysay pa ng ama,

“Every dinner time, we make sure that there’s no social media or gadgets on the table.”

Bukod sa pag-iwas sa sobrang paggamit sa social media katulad ng Instagram, itinuturing din nila itong pagkakataon upang magkaroon ng quality time sila ng kanilang mga anak na si Kendra, Scralet, at Gavin Kramer. Hindi nila hinahayaang maging distraction ang social media upang mabawasan ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa isa’t isa.

Bilang karagdagan, ginagamit din ng mag-asawa ang pagkakataong ito upang mapangaralan ang mga anak sa risk ng paggamit ng social media.

Hindi naman nakalimutan ng inang si Cheska Garcia na paalalahanan ang anak, at ayon sa kaniya,

“Aside from social media, there’s a life outside that we still have to accomplish, that we still have to do, and we still have to live”

Masaya si Kendra Kramer na nagkaroon siya ng oras upang gumamit ng mga social media apps katulad ng Instagram. Pagbabahagi niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I get to share moments in my life. Like a little scrapbook of mine that I get to look back when I’m older. At the same time, I get to share my hobbies and my family.”

Bukod sa pagbabahagi ng mga positibong bagay na maaaring maging inspirasyon sa kanilang followers at supporters, nakakatulong din ang social media upang mas maging aware sila sa nangyayari sa paligid.

Nabanggit ng ina na minsan ay nagugulat na lamang sila dahil tila mas higit pa ang impormasyon na nalalaman ng mga bata kumpara sa kanila. Para sa kanila, isa ito sa positibong naidudulot ng paggamit ng social media sa mga bata.

Kahit sa murang edad pa lamang ay natututo at bukas na ang isipan sa napapanahong mga pangyayari sa kanilang paligid.

Kendra Kramer sa paggamit ng Instagram at iba pang social media account.   | Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer

Paalala naman ni Kendra Kramer sa netizens sa paggamit ng Instagram at iba pang social media account.

“Spread positivity, and that you should always respect yourself…Be careful of the things that you post and things that you say.”

BASAHIN:

Judy Ann Santos kung bakit walang social media account si Yohan: “She isn’t 18 yet.”

Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology.”

8 na paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

Advantages and disadvantages of social media

Advantages

1. Ito ay nagagamit upang makapag-establish ng connection

Sa pamamagitan ng social media, nagkakaroon ka ng pagkakataon na padalhan ng mensahe ang iyong mga kaibigan, pamilya, at mga minamahal. Higit na madali na ang pakikipagkomukasyon sa mga taong malayo at hindi mo kasama.

Bukod pa rito, nagkakaroon ka rin ng pagkakataon upang magbahagi ng mga post na maaaring makapagpasaya at makapag-inspire sa ibang tao.

2. Ito ay nagsisilbing paraan upang makaramdam ng sense of belonging at acceptance

Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na mapabilang sa mga online communities, na ang intensyon ay iparamdam na ikaw ay kabilang at hindi nag-iisa.

Mayroon ding mga tao na hindi komportableng mag-express ng sarili sa kanilang tahanan. Ang social media ay isang platform na nagbibigay ng space para sa mga tao na i-express ang kanilang mga sarili.

3. Maaaring pagkunan ng online social support network lalo na sa panahon ng pandemya

Ang mga online support network ay malaking bagay upang maging mas matatag ang isang tao at magkaroon ng positibonge epekto sa mental health.

Dito rin ay naibabahagi nila ang ilan sa kanilang mga kakayanan at creative work. Nagbibigay ito ng civic space sa mga tao, kung saan ay malaya silang nakakapag-participate at nakikipag-usap sa iba’t ibang tao.

4. Pagkakaroon ng social interaction

Komunikasyon ang pangunahing layunin at kahalagahan ng paggamit ng social media. Hindi lingid sa kaalaman ang malaking tulong nito sa larangan ng pakikipagtalastasan.

Sa pamamagitan nito, ang isang tao ay maaaring makipag-usap kanino man gustuhin at anuman ang kanilang intensyon. Maaaring personal, school-related, at work-related man, ito ay kapaki-pakinabang.

Disadvantages

1. Mayroong mga hindi angkop na content para sa mga bata

May ilang mga content sa internet na hindi umaangkop sa edad ng mga kabataan. Hindi lahat ng kanilang nakikita sa social media ay maganda at may positibong epekto para sa kanila.

May ilang mga pagkakataon kung saan sila ay na-e-expose sa mga harmful content, katulad na laman ng mga malalaswang litrato, video, at messages.

2. Maaaring makasalamuha ng mga tao na mayroong hindi magandang dulot sa iyong anak

Dahil malawak ang social media, maraming pagkakataon kung saan sila ay nakakasalamuha ng iba’t ibang klase ng tao. Malungkot man kung iisipin, subalit hindi lahat ay makakabuti para sa iyong anak.

Dito na papasok ang manipulation, kung saan ang ilang mga bata ay inuutusang gumawa ng mga bagay na hindi nararapat at angkop sa kanilang edad.

3. Maaaring makaapekto sa kilos at pag-uugali ng iyong anak

Marahil dahil sa mga litrato, mensahe, at napapanuod. Anuman ito, maaari itong magdala ng positibo at negatibong epekto sa kilos, pag-iisip, at pag-uugali ng iyong anak.

May ilang pagkakataon kung saan nagagawa ng isang bata na magbahagi ng personal na litrato at mga impormasyon na hindi nararapat at angkop sa kanilang edad.

4. Posibilidad sa pagkakasangkot at pagiging biktima ng cyberbullying

Talamak ang cyberbullying lalo’t higit sa mga kabataan. Ang iyong anak ay maaaring masangkot dito at maaari ding sila ang biktima.

Tandaan na kung madami ang pakinabang nito sa mga tao, gayon din ang risk sa paggamit ng social media.