Ang dalagang anak nila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo ay walang kahit anong social media account, na hindi pangkaraniwan sa isang teenager.
Paliwanag ni Juday
Ang simpleng paliwanag kung bakit wala pang kahit anong social media account si Yohan ay sa kadahilanan na, “She isn’t 18 yet.”
Para kay Judy Ann Santos, importante na pumasok ang anak sa social media sa tamang panahon at edad. Aniya nga, “We don’t allow her, I told her kasi na we have to follow the rules of what’s in Facebook. If you’re 18, that’s the only time that you can have your Facebook account or any social media account, because yun yung nakalagay na rule or agreement. We don’t want to lie about your age.”
Dagdag pa ng aktres, “There are specific reasons why you have to be of age. You have to be responsible. There are content in this social media thing na baka ikakagulat mo, ‘tapos hindi ka pa ready for your age. So, don’t feel bad kung lahat ng kaibigan mo may social media account. Iba lang yung paniniwala nila diyan, but ako naniniwala ako na it’s not yet time.”
Mariing pagsaad niya pa sa kanyang anak, “We have to be responsible already to have your own account.”
Pagiging celebrity kids
Kahit hindi pa masyadong aware ang mga anak ni Judy Ann at Ryan na mapasama o mabansagan na bilang “celebrity family,” ipinaliwanag ni Juday sa kanyang tatlong chikiting na sina Yohan, Lucho, at Luna ang responsibilidad na kaabit sa kanilang pagiging “celebrity kids.”
“Sabi ko, ‘Whatever you do is magnified. Whatever you say, there’s a responsibility behind that. And, at the same time, since you’re considered a celebrity also, you have to think of the things you’re going to put that will inspire people,’ paliwanag ng aktres sa kanyang tatlong anak.
Alam ni Juday pagdating ng isang araw, magiging parte ng social media ang kanyang tatlong anak at maaari ring gustuhing maging celebrity tulad ng kanilang mga magulang kung sakali.
Batid nga niya, “Kasi yun na yun, e. It’s inevitable, e. At one time or another, magiging celebrities sila or yun yung gagawin nila. But early on pa lang, you have teach them na the responsibilities of being a celebrity… Parang if you don’t tell it to them, mahirap.”
Kwento ni Juday, “Sasabihin niya, ‘Mom, parang it’s too hard.’ Actually yes, oo, mahirap. Mag-aaral ka na lang.”
Source: PEP.ph
Basahin: STUDY: Sobrang paggamit ng social media, nakakasama raw sa mga kabataan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!