LOOK: Cong TV and Viy Cortez DreamWorks theme 1st birthday celebration para sa anak na si Kidlat!

Bago pa man ang engrandeng selebrasyon, Cong at Viy may sweet na mensahe ng ibinibigay sa anak nilang si Kidlat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kidlat first birthday celebration siniguradong engrande at magiging memorable nina Viy Cortez at Cong TV.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Team Payaman’s Kidlat first birthday celebration.
  • Mensahe ni Cong at Viy sa anak na si Kidlat sa kaarawan nito.

Team Payaman’s Kidlat first birthday celebration

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Isang taon na ang anak ng Team Payaman members na sina Cong TV at Viy Cortez. Syempre ang mag-asawa, binigyan ng bongga at masayang birthday celebration si Kidlat. Ang kaniyang birthday celebration may theme na “DreamWorks” na ginanap sa City of Dreams sa Parañaque City.

Ang venue ng birthday celebration ni Kidlat pinuno ng mga decorations na nagpapakita ng iba’t-ibang characters at movies na ginawa ng DreamWorks. Sina Cong at Viy nga syempre kasama ang anak na si Kidlat ay nakabihis ng “How to Train Your Dragon” inspired costumes.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Syempre hindi nawala sa celebration ni Kidlat ang iba pang Team Payaman members at kanilang mga anak. Ganoon din ang mga kaibigan nilang social media influencers kasama ang kani-kanilang anak.

Mensahe ni Cong at Viy sa anak na si Kidlat sa kaarawan nito

Bago pa man ang mismong birthday celebration ay nag-iwan na ng kani-kaniyang mensahe si Cong at Viy para kay Kidlat.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Cong ito ang mensahe para sa kaniyang anak:

“x100000 ang saya ng buhay lalo nung dumating at hindi na namin namalayan na isang taon ka na agad. Sobrang bilis! mahal na mahal ka ni dada! happy birthday anak! stay funcham! muah muah! ??”

Habang si Viy naman, ito ang mensahe kay Kidlat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Unang rinig ko palang sa tibok ng puso mo at sa unang iyak mo alam kong mababago ang buhay ko, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko. Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko anak, Happy Birthday anak ko, sana matuwa ka sa birthday na inihanda namin sayo ni papa mo mahal na mahal ka namin @zeusemmanuelvelasquez ??♥.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement