TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

UPDATE: Lola na "nanguha ng bata," hindi raw kidnapper ayon sa apo

3 min read
UPDATE: Lola na "nanguha ng bata," hindi raw kidnapper ayon sa apo

Ayon sa apo ng lola na di umano'y nagtangka ng kidnapping sa Marikina, mayroon raw dementia ang kaniyang lola at hindi raw ito kidnapper.

Kahapon ay nag-viral ang balita tungkol sa isang lola na di umano’y nangidnap ng dalawang bata. Dahil dito, nahuli ang matanda, at ikinulong ng mga pulis dahil raw sa tangkang kidnapping sa Marikina. 

Ngunit ayon sa isang netizen, inosente raw ang matanda. Dahil lola niya raw na mayroong dementia ang kanilang nahuli.

Kidnapping sa Marikina: Inosente raw ang matanda

Ayon sa post ng netizen na si Peter WalkerdelaRosa Lao, noong isang raw pa raw nilang hinahanap ang kaniyang lola. Kaya’t nagulat na lamang sila nang makitang inireport sa balita na kidnapper raw ang kaniyang lola.

Sinabi ni Peter, “E pag kinausap mo nga malalaman mo na may problema na sya sa pag-iisip. Opo, may dementia sya. Yung nagreklamo akala mo naman nawalan ng anak. Andyan na, may medical certificate pa na pinakita pero ayaw nyo pa rin maniwala. Di na kayo naawa sa matanda!!”

Nagbahagi rin siya ng ilang mga patunay tulad ng medical certificate na nagpapakitang mayroon ngang problema sa pag-iisip ang kaniyang lola. 

“Sa mga makakakita ng post regarding sa lola ko, pls pa help i-report. Let’s help stop spreading fake news and lies,” aniya.

 

Nakausap na rin ni Peter ang opisina ng barangay kung saan inireklamo ang kaniyang lola. Ngunit ang pahayag lang nila ay puntahan raw nila ang PNP para maisaayos ang nangyari.

Sinubukan rin namin kunin ang panig ng apo, upang magtanong ng iba pang mga detalye. Pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagre-reply sa aming mga tanong.

Unang naibalita ang pangyayari sa Philippine Daily Inquirer, at sa ABS-CBN News.

Sa kasalukuyan ay wala pang update ang kapulisan at ang barangay tungkol sa kalagayan ng matanda. Pero kung totoo nga na inosente siya, sana ay agad na mapalaya na dahil nakakaawang makitang nasa kulungan ang isang inosenteng lola.

Hindi rin naman natin masisisi ang mga magulang na nagreklamo, dahi sunod-sunod nga ang mga naibalitang kaso ng kidnapping sa Metro Manila. Nakakatakot nga naman ang ganitong insidente, kaya’t lalong maingat at natatakot ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
 
Ngunit dahil na rin sa naibalitang ito, mahalaga rin na maging maingat ang mga tao pagdating sa mga inaakusahan nila. Bagama’t alerto ngayon ang mga kapulisan at magulang sa kaso ng kidnapping, hindi naman ito dahilan upang hindi magsiyasat kung inosente ba talaga o hindi ang mga suspek.

Mahalagang mag-ingat ang mga magulang

Sa panahon ngayon, hindi biro ang mga naibabalitang kaso ng mga kinikidnap o kaya nawawalang mga bata. Kaya mahalagang gawin ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang masiguradong ligtas ang kanilang mga anak.

Heto ang ilang mga mahahalagang payong dapat tandaan:

  • Huwag pabayaan na magpunta sa kung saan-saan ang iyong anak.
  • Palagi silang bantayan, at siguraduhin na nakikita mo sila kapag sila ay naglalaro sa labas.
  • Turuan silang tumakbo o lumayo kapag nilalapitan ng mga taong hindi nila kilala.
  • Mahalagang umiwas sila sa pakikipag-usap sa mga taong kahina-hinala.
  • Turuan silang humingi ng tulong sa mga tao sa paligid, o kaya sa mga pulis kung sila ay subukang kidnapin.
  • Nakakatulong rin ang pag-iingay, o kaya ang paggawa ng komosyon kapag sila ay kinukuha upang mapansin ng mga tao sa paligid ang nangyayari.
  • Alamin palagi kung nasaan ang iyong anak, at hangga’t-maaari ay dapat mayroon silang kasamang tao na kanilang mapagkakatiwalaan.

 

Basahin: 70-anyos na babae, tinangkang mangidnap ng dalawang bata

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • UPDATE: Lola na "nanguha ng bata," hindi raw kidnapper ayon sa apo
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko