Kristine Hermosa to 13-year-old son Kiel: "Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin"

Oyo nilinaw na hindi ni Kristine si Kiel sa ibang lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganay na anak nila Kristine Hermosa at Oyo Sotto na si Kiel Sotto nag-celebrate ng kaniyang 13th birthday!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe nila Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa birthday ng anak na si Kiel Sotto.
  • Paglilinaw ni Oyo Sotto na hindi anak ni Kristine Hermosa sa ibang lalaki si Kiel.

13th birthday celebration ni Kiel Sotto

Image from Kristine Hermosa’s Instagram account

Isang ganap ng teenager ang panganay nila Kristine Hermosa at Oyo Sotto na si Kristian Daniel o Kiel. Nitong August 16 ay nag-celebrate ito ng kaniyang 13th birthday.

Sa kaniyang kaarawan, tulad ng kanilang nakasanayan nang gawin taon-taon ay may mensahe muling ibinigay ang aktres na si Kristine Hermosa sa panganay na anak.

Mensahe ni Kristine Hermosa sa anak na si Kiel

Sa mensahe ni Kristine kalakip sa pagbati sa kaarawan ng anak ay sinabi ni Kristine na hindi aksidente ang pagdating ni Kiel sa buhay nila ni Oyo Sotto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Kiel ay adopted son nila Kristine at Oyo. Siya’y inampon ng celebrity couple, isang taon bago sila magpakasal noong 2012. Ayon pa kay Kristine, ang pagdating ni Kiel ay nagsilbing training nila para maging mabuting magulang sa mga anak nila ngayon.

“Walang aksidente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin.. na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang.”

Pinasalamatan rin ni Kristine si Kiel sa pag-iintindi at sa pagiging isang masunurin na anak. Sinabi niya ring very proud siya sa anak na si Kiel. Dahil sa ito ay isang magandang ehemplo sa mga nakakabata nitong kapatid at isang kuya na tinitingala nila.

“Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings. You are a good and obedient son, Kiel.. don’t forget that.

God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do. Happy 13th birthday, Kiel! We, your family are just here for you.. ❤️

We are proud of you. Your siblings are all looking up to you and are all cheering you on. They adore you so much, Kuya. Please lead them well. ❤️ We love you! #Kiel #13

Ito ang mensahe ng aktres sa panganay na si Kiel Sotto sa birthday nito.

Mensahe ni Oyo Sotto sa panganay na anak

Samantala, binati at binigyan din ng mensahe ni Oyo ang kaniyang unico hijo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad nang sinabi ni Kristine, para kay Oyo ang pagdating ni Kiel sa buhay nila ay isang blessing. Sa kaniyang mensahe ay sinabi rin ni Oyo kung gaano niya kamahal ang anak.

“I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect, but always remember that Dada loves you so much!

I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life, I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you😍”

Ito ang naging mensahe ni Oyo para sa anak na si Kiel Sotto.

BASAHIN:

LOOK: Kristine Hermosa gives birth to fifth child, a baby boy

Kristine Hermosa defends husband Oyo Boy Sotto from online bashing

LOOK: Teenager na ang anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia

Oyo nilinaw na hindi anak ni Kristine si Kiel sa ibang lalaki

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kristine Hermosa’s Instagram account

Hindi man nila tunay na anak ay hindi naiba ang turing at trato nila Oyo at Kristine sa panganay na si Kiel. Matatandaang noong 2018 ay sinagot ni Oyo ang isang netizen na pinuri siya sa pagiging mabuting ama kay Kiel kahit ito umano’y anak ni Kristine sa ibang lalaki. Hindi pinalampas ni Oyo ang post na ito at itinama ang sinabi ng netizen.

“So proud of you @osotto kahit na anak si Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin siyang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ang ganito.”

Ito sabi ng netizen.

“Hindi siya anak sa ibang lalake. Kiel is our adopted son.”

Ito naman ang sagot ni Oyo sa netizen.

Sa ngayon, lima na ang anak nila Oyo at Kristine. Dahil nitong August 3 lang ay isinilang ni Kristine ang bunso nila na isang lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay pinangalanan nilang Vittorio Isaac. Habang ang iba pa nilang anak ay sina Ondrea Bliss, 9, Kaleb Hans, 6 at si Marvic Valentin,5.

Source:

GMA Entertainment, Inquirer, The Philippine Star

Photo:

Image from Kristine Hermosa’s Instagram account

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement