TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Kim Chiu says life is really precious pagkatapos muntik mamatay

5 min read
Kim Chiu says life is really precious pagkatapos muntik mamatay

Kim Chui muntik mamatay matapos pagbabarilin ang kotseng sinasakyan. Alamin ang dapat gawin sa oras na mangyari rin ito sayo.

Kim Chui muntik mamatay matapos pagbabarilin ang kotseng sinasakyan ng hindi pa nakikilalang mga lalaki. Aktres may naging realization sa nangyaring insidente.

Kim Chui muntik mamatay, kotse ng aktres pinaulanan ng bala

Marso 4, 2020 ay ginulat ang publiko ng balitang pinagbabaril umano ang sasakyan ng aktres na si Kim Chui sa Quezo City. Naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga sa kanto ng Katipunan at CP Garcia Avenue sa Diliman.

Ilang oras matapos ang insidente ay nag-kwento ang aktres sa Instagram sa nangyari. Ayon sa kaniyang Instagram post, siya ay ligtas at nagpapasalamat sa mga nagtatanong sa kaniyang kalagayan. Kagabi sa isang exclusive interview sa ABS-CBN ay mas idinetalye nito ang tungkol sa nangyaring insidente.

“It is just a normal taping day for me ng lumabas ako ng village. Tapos, natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script pero along the way inantok ako so nahiga ako. Kung hindi ako inantok at tinuloy ko yung pagbasa ng script, siguro tinamaan na ako dito (sa balikat.)”

kim-chui-muntik-mamatay

Image from Kim Chui Instagram

Ito ang pagkukwento ng aktres sa nangyaring pamamaril sa kaniyang kotse. Labis niya raw ikinatakot ito, lalo pa’t wala siyang alam na dahilan upang gawin ito sa kaniya.

“I was scared. Syempre, magtratrabaho ako papuntang taping tapos magigising ako na pinagbabaril yung kotse ko. So hindi ko alam what’s happening, hindi ko alam kung may kaaway ako, wala naman.”

Walang ideya si Kim kung bakit ito nangyari sa kaniya

Gulat at hindi makapaniwala si Kim ng makita niya ang mga tama ng bala sa bintana kaniyang sasakyan. Pagsasalarawan ng aktres ay nagising siya sa putok ng baril na umabot daw sa walo. Kaya naman agad niyang kinumusta ang kaniyang driver at assistant kung ayos lang ang mga ito. Sila ang kasama niya sa sasakyan ng mangyari ang pamamaril.

Magkaganoon man ang nangyari ay tumuloy daw si Kim sa kaniyang taping at nakapa-shoot pa ng dalawang eksena. Bagamat marami siyang tanong kung bakit nangyari ang pamamaril sa sasakyan niya.

“Nagkamali ba yung nagbaril or nagkamali ba siya ng sasakyan na dapat baralin. I don’t mean harm to anybody, nagpapasalamat ako na walang natamaan sa amin. Hindi ko alam, Diyos nalang bahala sa dalawang yun.”

kim-chui-muntik-mamatay

Image from Kim Chui Instagram

Kaya naman dahil sa naging karanasan ay may na-realize si Kim at ito ay kung gaano kahalaga ang buhay.

“Masasabi ko nalang, life is really precious kahit wala kang sakit, wala kang kasamaan ng loob. Kung natamaan ka ng balang iyon, wala ka na.”

Ito ang pahayag ng aktres na inaming na-trauma rin siya sa naganap na insidente.

Ano ang dapat gawin sa oras na ma-involve sa shooting incident?

Ang mga ganitong pangyayari ay hindi inaasahan at hindi maiiwasan. Ngunit may mga paraang maaring gawin upang manatiling ligtas sa ganitong uri ng insidente. Bilang isang magulang, ay mahalagang maihanda mo ang iyong anak sa ganitong sitwasyon. Ito ay para masiguro ang kaniyang kaligtasan kung hindi pati narin ang sayo.

Kim Chui muntik mamatay

Image from Freepik

Ilan sa mga bagay na dapat mong ituro sa kaniya upang maging ligtas sa isang shooting incident ay ang sumusunod:

  • Tumakbo at agad na magtago sa isang ligtas na lugar. Saka tumawag o humingi ng tulong gamit ang iyong cellphone.
  • Kung makakatakbo habang nangyayari ang insidente ay gawin ito ng pa-zigzag.
  • Magtago sa konkretong pader o malalaking puno,
  • Kung nasa loob ng sasakyan ay dumapa.
  • Kung nasa labas naman ng sasakyan ay magtago sa bandang makina. Huwag sa bandang compartment dahil maari parin lumusot dito ang bala.
  • Sa pagtatago sa oras ng pamamaril, yumuko na kung saan ang kamay at tuhod lang ang tumatama sa sahig. Iwasang humiga dahil maaring bumanda ang bala sa sahig at tumama sa iyong vital organs.
  • Huwag magtago malapit sa pinto na maaring pagdaanan ng masasamang loob.
  • Kung may makikitang fire extinguisher ay kunin at gamitin ito bilang pang-depensa sa masasamang loob.
  • Manatiling kalmado sa oras ng ganitong insidente.

Paano matulungan ma-manage ng iyong anak ang distress matapos ang pamamaril

Para naman matulungang ma-manage ang distress ng iyong anak dulot ng pamamaril ay narito ang mga maari mong gawin:

  • Kausapin ang iyong anak tungkol sa kaniyang nararamdaman. Mahalagang maiparamdam mo sa kaniya na handa kang makinig at maari niyang i-express ang kaniyang sarili.
  • Panatilihing ligtas at friendly ang inyong tahanan para sa kaniya. Ito ay upang maisip niya na sa loob na inyong bahay ay safe at secured siya.
  • Kung mapapansing may palatandaan ng stress, fear at anxiety ang iyong anak ay i-encourage siyang i-express ito. Maaring sa tulong ng mga salita sa pamamagitan ng pag-jojournal. O kaya naman ay sa pag-painting at drawing. Ito ay upang maibsan ang bigat ng pakiramdam niya at unti-unting ma-overcome ito.
  • Iwasang makarinig ng balita ang iyong anak tungkol sa nangyaring insidente. Dahil maaring magdulot pa ito ng labis na takot at pagkabahala sa kaniya.
  • Iwasan ding pag-usapan ang insidente sa harap ng iyong anak.
  • Alagaan ang iyong sarili upang maalagaan mo rin ang iyong anak. Kumain ng tama at matulog ng tama upang maging magandang halimbawa sa kaniya.
  • Huwag mahiyang lumapit o humingi ng tulong sa isang psychiatrist kung napapansin mong kailangan ng iyong anak na mas ekspertong makakausap.

 

SOURCE: ABS-CBN News, GoodHousekeeping, American Psychological Association

BASAHIN: Warning sa mga magulang: May bagong kidnapping modus!

Partner Stories
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
Sun Life's New Health Campaign Aims to Inspire Filipinos to Live Life on their Own Terms
Sun Life's New Health Campaign Aims to Inspire Filipinos to Live Life on their Own Terms
Goldilocks celebrates our Ultimate Dream-Maker this Mother’s Day
Goldilocks celebrates our Ultimate Dream-Maker this Mother’s Day
The Benefits of eating (the right kind of) breakfast
The Benefits of eating (the right kind of) breakfast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Kim Chiu says life is really precious pagkatapos muntik mamatay
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko