Kim Molina at long-time boyfriend niyang si Jerald Napoles engaged na!
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kim Molina at Jerald Napoles engaged na.
- Reaksyon ni Kim sa proposal ni Jerald.
Kim Molina at Jerald Napoles engaged na
Hindi katatawanan ngayon ang hatid ng magkasintahang sila Kim Molina at Jerald Napoles. Pinakilig naman nila ang kanilang mga kaibigan at taga-hanga sapagkat ang dalawa, engaged to be married na. Ang engagement nangyari sa lugar kung saan nagkakilala si Jerald at Kim. Ito ay sa Peta Theater kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan at naging daan para makilala silang mahuhusay na artista.
Ang Peta Theater pinaganda at ginawang magical ng event designer na si Gideon Hermosa. Pinuno ito ng sunflower at fairy lights.
Si Kim makikitang gulat at walang alam sa mga nangyayari. Habang umiikot ang kaniyang mata sa magandang disenyo ng stage ng Peta Theater ay naluluha na ito. Hanggang sa lumapit sa kaniya si Jerald at lumuhod doon na naiyak si Kim.
Larawan mula sa Instagram
Reaksyon ni Kim sa proposal ni Jerald
Isang matamis na “yes” ang sagot ni Kim sa wedding proposal ni Jerald. Sa kaniyang Instagram post ay sinabi niyang una palang buo na ang desisyon niyang si Jerald ang makasama habang-buhay.
“Back to where we first met, the exact spot where it all started.. it has always been a “YES”, and will forever choose you. I love you, @iamjnapoles.. 💛🌻💍”
Ito ang caption ng post ni Kim kung saan tampok ang wedding proposal ni Jerald.
Si Jerald nag-share rin ng mga larawan noong nagsisimula palang ang pagmamahalan nila ni Kim. Hanggang sa ngayon na sila ay engaged na at malapit ng magpakasal.
“Kung saan nag-mula, doon din magsisimula.”
Ito ang sabi pa ni Jerald.
Larawan mula sa Instagram
Sampung taon ng magkarelasyon sina Kim at Jerald. Nang minsang matanong sa masayang pagsasama nila, ito ang sinabi ni Jerald sa isang panayam.
“Ang sa amin, basta meron kami na ‘sabihin kaagad natin sa isa’t isa kung ano ang problema. Ayusin natin kaagad.”
“Kung may problema, sana sabihin mo agad sa akin. Okay lang, mag-away na tayo ngayon, huwag na nating alam mo ‘yun, ipunin? Pero hindi ko sinasabing perfect kami ni Kim.”
Ito ang sabi pa ni Jerald.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!