X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bunsong anak ni Presidente Duterte na si Kitty nagka-dengue

4 min read

Kitty Duterte nagkaroon ng dengue, Pangulong Duterte nag-aalala.

kitty duterte nagkaroon ng dengue

Image from Kitty Duterte’s Instagram account

Kitty Duterte nagkaroon ng dengue

Isa si Kitty Duterte sa nabigyan ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Ngunit, magkaganoon man ay hindi parin nakaligtas ang first daughter mula sa virus.

Ito ang opisyal na ibinalita ni Senador Bong Go ng sila ay makabalik mula sa Russia kasama ang Presidente.

Ayon parin sa pahayag ni Sen. Go ay labis na nag-aalala ang Pangulo sa kalagayan ng anak. Agad umano itong nagtungo sa ospital matapos ang kaniyang arrival speech at press conference pagdating dito sa Pilipinas mula sa opisyal niyang byahe sa Russia.

“Nakikita ko habang nasa eroplano kami, nag-aalala siya. Parati niyang iniisip at ‘di nga raw siya po makatulog sa haba ng flight. For 11 hours ay ‘di siya mapalagay dahil iniisip niya ang youngest daughter.”

“Nasa russia kami nung nangyari ito kaya nung pagdating namin dumiretso agad kami sa ospital at bisitahin yung kaniyang youngest daughter.”

Ito ang mga pahayag ni Senator Bong Go sa isang interview.

Nabakunahan ng dengvaxia

Dagdag pa ni Sen. Go ay ito ang unang beses na nagkaroon ng dengue si Kitty Duterte. At isa ito sa nabigyan ng bakunang Dengvaxia sa kanilang pamilya.

Matatandaang ang Dengvaxia ay ang bakuna laban sa dengue na nahaharap ngayon sa kontrobesya. Dahil ito ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng ilang batang nabigyan ng bakuna dito sa bansa.

Mula sa first family maliban kay Kitty ay nagbigyan rin ng bakuna ang anak ni Congressman Paolo Duterte na si Sabina.

Sa ngayon ay maayos na daw ang lagay ni Kitty at on the way to recovery na.

“Okay naman po siya (Kitty). Dengue fever po ito at on her way to recovery na po siya. Sa awa ng Diyos maayos naman po bumabalik na yung…umaakyat na yung kaniyang platelet and hopefully ay gagaling na siya.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Senator Bong Go.

Si Veronica “Kitty” Duterte ay ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa common law wife niyang si Honeylet Avanceña.

Paano makakaiwas sa dengue

Base sa record ng DOH o Department of Health ay mayroon ng naitalang 322,693 dengue cases sa bansa. Habang 1,272 sa mga pasyenteng ito ang nasawi dahil sa sakit. Ang mga talang ito ay mula noong January 1 hanggang September 26 taong kasalukuyan.

Kaya naman para mabawasan ang mataas na bilang ng dengue cases at deaths sa bansa, hinihikayat ng DOH ang publiko na gawin ang 5’S strategy kontra dengue. Ito ay ang sumusunod:

1S – Search and destroy mosquito breeding places o hanapin at puksain ang mga lugar na maaring pamahayan ng dengue. Tulad ng mga imbakan ng tubig gaya ng lumang gulong atbp.

2S – Seek early consultation o agad na magpunta sa doktor kung makaramdam ng sintomas ng dengue. Ito ay ang sumusunod:

  • Biglaang mataas na lagnat
  • Sobrang sakit ng ulo
  • Pananakit ng mata
  • Matinding pananakit ng kasu-kasuhan
  • Fatigue
  • Pagsusuka o pagduduwal
  • Skin rash na lumalabas dalawa hanggang limang araw matapos lagnatin
  • Mild bleeding sa ilong o sa gums

3S – Self-protection method o ang pagpuprotekta sa sarili laban sa sakit sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang damit tulad ng long sleeves at pants lalo na kapag nasa labas ng bahay. Paggamit ng insect repellant at kulambo para sa dagdag na proteksyon. O paglalagay ng screens sa bintana at pintuan ng bahay para hindi makapasok ang lamok.

4S – Support fogging and spraying o ang pagsuporta sa mga pagpapausok na ginagawa ng pamahalaan para mapuksa ang mga lamok.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

5S – Sustain hydration o pagsisigurong properly hydrated lalo na ang mga kinakitaan ng sintomas ng dengue. Makakatulong rin ang pag-inom ng oresol o paglalagay ng IV fluid o suero. Ito ay para makaiwas sa mga komplikasyon dulot ng dehydration.

Source: ABS-CBN News, GMA News, PIA

Photo: Presidential File Photo from ABS-CBN News

Basahin: Sintomas ng dengue sa mga baby: Mga kailangang bantayan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bunsong anak ni Presidente Duterte na si Kitty nagka-dengue
Share:
  • 41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

    41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

  • 4 na paraan para maiwasan na magkaroon ng DENGUE sa bahay

    4 na paraan para maiwasan na magkaroon ng DENGUE sa bahay

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

    41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

  • 4 na paraan para maiwasan na magkaroon ng DENGUE sa bahay

    4 na paraan para maiwasan na magkaroon ng DENGUE sa bahay

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.