Places that Senator Koko Pimentel visited after he was confirmed to have with COVID-19.
Noong March 24, kinumpirma na nagpositibo na sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel. Ito ay matapos makaramdam ng mga sintomas ng virus. Bukod sa kanya, nagpositibo rin sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sonny Angara.
Samantala, naging malaking usap-usapan naman ang pagpunta ni Senador Pimentel sa iba’t-ibang lugar kahit na may sintomas na ito ng virus.
Image from Koko Pimentel Facebook
Narito ang tala ng mga lugar na pinuntahan ng Senador.
March 10 – March 11:
Ayon kay Senator Pimentel, may dinaluhan siyang dalawang birthday party at meeting.
March 11:
Dumalo rin si Senator Pimentel sa huling session sa Senado.
Isa pang pinuntahan niya ay ang Commission on Appointments plenary session. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang senador at congressmen kasama na ang mayor ng Davao na si City Mayor Sara Duterte-Carpio.
March 12:
Matapos malaman na mayroong isang resource person ang isinailalim sa pagsusuri sa COVID-19, ilang mga senador ang nagdesisyong mag self-quarantine dahil sa posibleng exposure sa virus. Ito ay sina Senador Bong Go, Juan Miguel Zubiri, Imee Marcos, Sonny Angara, Panfilo Lacson at Bong Revilla.
Dagdag pa ni Senator Pimentel na willing namang siyang mag sagawa ng self-quarantine.
March 14:
Dito na nakaramdam ng mga mild symptoms si Senator Pimentel katulad ng pananakit ng katawan.
March 16:
Ayon sa S&R Membership Shopping Club sa Bonifacio Global City, kumiprmadong pumunta sa kanila si Senator Pimentel. Sa oras na 1:59 PM.
Sinigurado naman ng S&R na ang mga staff nila na nagkaroon ng contact sa senador ay sumailalim na sa self-quarantine.
Sa araw rin na ito, kinumpirma ni Senate Majority Leader Zubiri na positibo siya sa COVID-19.
Places that Senator Koko Pimentel visited after he was confirmed to have with COVID-19. | Image from S&R Membership Shopping Facebook
March 18:
Nagkaroon ng malalang lagnat si Senator Pimentel. Ito ay umabot ng 38 degrees celcius. Ayon rin sa kaniya, nagkaranas rin siya ng pananakit ng katawan, diarrhea at mild sore throat.
March 20, 11:00 AM:
Sa araw na ito, sumailalim sa test ng COVID-19 si Senator Pimentel sa oras na 11 AM.
March 24, 6 PM – 7 PM:
Mga bandang 6 PM, hinatid ng senador ang kanyang asawang buntis sa Makati Medical Center dahil ito ay manganganak na. Dagdag niya na hindi siya pumasok sa delivery room at nasa waiting area lamang siya.
March 24, 9 PM:
Bandang 9 PM naman, dito na kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine na positibo sa COVID-19 si Senator Pimentel.
Samantala, isinailalim rin sa test sa COVID-19 ang asawa nito bago manganak.
March 25:
Sa araw na ito, kinumpirma na ni Senator Pimentel na positibo siya sa COVID-19. Nakakaranas pa rin ang senador ng mild sore throat at naka self quarantine pa rin ito.
Places that Senator Koko Pimentel visited after he was confirmed to have with COVID-19. | Image from Makati Medical Center Facebook
Maaaring humarap naman si Senator Pimentel sa isang kaso dahil sa paglabag sa quarantine protocol ng Makati Hospital.
Ayon kay Former Supreme Court spokesperson Theodore Te, ang senador ay lumabag sa Section 9(e) of Republic Act 11332 o mas kilala bilang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Samantala, wala pang inilalabas na official complaint ang Makati Medical Center sa ginawang paglabag ng senador sa quarantine protocol.
Source: CNN Philippines
BASAHIN: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19