Nalaman ng eksperto na may koneksyon daw ang blood type sa stroke, na maaaring dahilan daw upang tumaas ang tsansa na magkaroon nito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Blood type may koneksyon daw sa pagkakaroon ng stroke
- Prevent stroke with these tips
Blood type may koneksyon daw sa pagkakaroon ng stroke
“Mas mataas ng 16% na magkaroon ng stroke ang blood type A kaysa sa the rest ng blood groups.” | Larawan mula sa Pexels
Stroke ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng disability ng malaking populasyon sa buong mundo. Isa itong disease na nakaapekto sa arteries na ugat sa katawan na konektado sa utak ng tao.
Dahil nga sa pagiging delikado nito, kaliwa’t kanang pag-aaral tuloy ang sinimulan ng mga eksperto. Sa isang bagong pag-aaral, natagpuan nila ang koneksyon ng blood type sa stroke.
Ano ang blood type?
Tumutukoy ang blood type sa variety ng chemicals na dinidisplay sa surface ng red blood cells. Ilan sa pamilyar na blood type ay ang A, B, AB, at O. Sa mga blood type raw na ito ang type A ang blood groups na nakitaan ng mataas na chance magkaroon ng stroke bago tumuntong sa edad na 60 kumpara sa ibang blood groups.
Blood type and stroke relations
“We clearly need more follow-up studies to clarify the mechanisms of increased stroke risk.” | Larawan mula sa Pexels
Sa pag-aaral ng mga eksperto na na-publish sa Neurology, sinubukan nilang i-compile ang data mula sa 48 genetic studies. Ito ay may involvement participants na may edad 18 hanggang 59 taong gulang. Tinatayang nasa 17,000 na taong mayroong stroke at humigit-kumulang na 600,000 non-stroke controls.
Dito nila nalamang mas mataas ng 16 percent na magkaroon ng stroke ang blood type A kaysa sa the rest ng blood groups. Habang sa group na O1 ay mas mababa naman ng 12 percent. Mas mataas din ng 11 percent ang chance sa mga may blood type B na magka-stroke sa kahit anong edad na mayroon sila.
Sa kabila nito, hindi raw pa nila matukoy kung bakit mas mataas ang risk para sa blood type A. Ito ang inamin ng senior author at vascular neurologist ng pag-aaral na si Stevel Kittner. Sa tingin daw nila ay may kinalaman ito sa blood clotting,
“But it likely has something to do with blood-clotting factors like platelets and cells that line the blood vessels as well as other circulating proteins, all of which play a role in the development of blood clots.”
Kinakailangan din daw talaga nila ng mga pag-aaral pa upang malaman nang malinaw ang mga dahilan,
“We clearly need more follow-up studies to clarify the mechanisms of increased stroke risk.”
Napag-alaman din nilang ang stroke sa mga may batang edad ay maaaring dahil sa build-up fatty deposits na nasa arteries kaya nagkakaroon ng clot information.
Prevent stroke with these tips
Healthy lifestyle helps lower the risk of stroke | Larawan mula sa Pexels
Katulad ng iba pang sakit, maaaring maiwasan din ang stroke sa pamamagitan ng healthy lifestyle. Sa ilang pagbabago sa routine ay maaari nang mababa ang risk na makakuha ng disease na ito. Kaya naman bago pa maramdaman na may kakaiba na sa katawan, magkaroon na kaagad ng mas healthy na pamumuhay.
Para makatulong na maiwasan ang ganitong sakit, narito ang ilang ways and tips how you can prevent it:
- Pumili ng pagkain at inuming healthy para sa iyo. Iwasan ang mga inuming may labis-labis na saturated fats, cholesterol, at trans fat. Mainam na humanap ng foods na high in fiber.
- Malaking factor ang pagtaas ng timbang o obesity sa pagkakaroon ng stroke. Siguraduhing alam ang body mass index (BMI) para monitored mo kung normal pa ba ang timbang.
- Iwasana ng kahit anong bisyo. Ang bisyo an tulad ng alcohol ay maaaring makapagpataas ng blood pressure dahilan upang magkaroon ka ng stroke. Maaaring kausapin ang iyong doktor sa kung paano makakapagquit sa iyong mga bisyo.
- Mag-ehersisyo nang regular upang bumaba ang iyong cholesterol at blood pressure levels. Kinakailangan ng at least 2 oras at 30 minuto na physical activity ang required para sa adults.
- Ikontrol ang blood pressure. Madalas na walang sintomas ang pagtaas at pagbaba ng dugo, kaya nga mahalagang regular na pinapa-check o mino-monitor ito.
- Gamutin ang iyong mga sakit lalo na ang may matinding koneksyon sa stroke. Kabilang diyan ang diabetes, sakit sa puso at iba pang maaaring magpataas lang ng chance na makakuha ng ganitong sakit.
- Sumunod sa payo ng iyong doktor. Una sa lahat eksperto ang nakakaalam kung paano mo maiiwasan nang lubos ang sakit na stroke. Huwag kalimutang sundin ang kanyang payo lalo na ang pag-inom ng gamot kung mayroon ka mang maintenance.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!