Masasabi natin na ang modernong panahon ang naging dahilan kung bakit natin nararanasan ang ibang kultura ng ibang bansa. Nagiging adventurous at open-minded na kasi tayo para rito. Isa sa madalas na sinusubukan nating mga pilipino ang pagkain ng korean foods. Kaya naman narito ang korean food recipes na paniguradong pasok sa tastebuds nating mga pilipino!
Mukhang cravings satisfied na ulit!
Korean foods na madaling lutuin
1. Japchae (Korean glass noodle stir fry)
Isang sikat na putahe sa Korea ang Japchae at kadalasan rin itong inihahain sa Bagong Taon at Harvest Festival. Ang ibig sabihin ng Japchae ay ‘mixed vegetables’. Ngunit sa panahon ngayon, ito ay sinasamahan na rin ng glass noodles na gawa sa sweet potato at may lahok na iba’t-ibang klase ng gulay at karne.
Image from Unsplash
Mga ingredients:
- 250g sweet potato starch noodles
- 100g rib eye fillet (hatiin into strips)
- carrots
- 110g baby spinach
- 1/4 tomato
- 1/2 onion
- 100g shiitake mushroom (hatiin ng manipis)
- tbsp toasted sesame seeds
- 1 tbsp toasted sesame oil
- (Optional) 1 extra large egg – rinsed, egg white and yolk separated
For beef marinade:
- 1 tbsp soy sauce
- 1/2 tsp minced garlic
- 1/4 tsp ground black pepper
- 1 tsp rice wine
- 1 tsp toasted sesame oil
For noodles marinade:
- 1/8 tsp black pepper
- 1 tbsp honey
- 4 tbsp soy sauce
- 1 tbsp brown sugar
- 1 tbsp toasted sesame oil
Procedure:
- Ilagay sa maliit na lagayan ang beef strips at ihalo dito ang mga ingredients na kailangan sa marinade.
- Hatiin into strips ang mga gulay katulad ng carrots, mushroom, kamatis, bell pepper at sibuyas. Ilagay rin sa ibang lagayan ang mushroom at ihalos na rito ang ingredients pang marinade. Pakuluan rin ang spinach hanggang 10 segundo.
- Pakuluan na rin ang glass noodles hanggang 7 minutes. Sa malaking bowl, ilagay rito ang noodles kasama ang mushroom marinade. Haluin ito.
- Prituhin ang mga sliced vegetables. Ihuli ang beef strips.
- Sa isang malaking pan, ilagay na rito ang noodles na may mushroom marinate. Magprito rin ng itlog at hatiin ito into strips.
- Ipagsama-sama na ang mga gulay sa pan na may noodles. Haluin ito.
- For the final touch, lagyan ito ng sesame seeds at oil.
- Serve hot.
2. Korean radish kimchi
Kapag sinabi mong Korea, unang papasok sa isip mo ay ang ‘kimchi’. Kilala ang bansang ito dahil sa masarap nilang paggawa ng kimchi.
Kadalasang ginagawa ng mga koreans ang radish kimchi sa buwan ng October to December. Para matagal itong mababad at maging perfect ang lasa pagdating ng harvest season.
Mga ingredients:
- 1 kg korean radish
- 2 tbsp asukal
- 2 tbsp ng asin
- 50 g green onion
For radish kimchi base
- 1 tbsp rice flour
- 4 tbsp korean chili flakes
- 1/2 brown onion
- 3 tbsp fish sauce
- 1 tbsp garlic
- 1/4 cup water
- 1/2 tbsp minced ginger
- 1/2 red apple
Procedure:
- Hatiin into cubes ang radish at ilagay ito sa malaking bowl. Isamang idagdag ang asukal at asin. Haluin ito ng mabuti at iwanan ito ng isang oras.
- Para sa kimchi base, maghati ng green onion. Habang ang red apple at may kasamang fish sauce ay ilagay sa blender. Kapag ito ay nadurog na, ilagay ito sa isang lagayan at isama na rin ang rice flour at tubig. Ihalo na lahat ang kimchi base ingredients. Ang magiging texture nito ay parang lugaw.
- Pagkatapos ng isang oras, hugasang mabuti ang radish na ibinabad.
- Sa isang malaking bowl, ilagay ang radish dito at lagyan na rin ng korean chili flakes. Haluin ito ng mabuti hanggang sa maghalo ang mg ingredients. Isama na rin dito ang kimchi base at green onion.
- Isalin sa isang container ang seasoned radish at ilagay ito sa fridge. Pwede na itong kainin pagkatapos ng isang araw.
3. Kimchi Pancake
Kung may leftover kimchi ka naman, maaari mo itong gawing pancake! Ang
Mga ingredients:
- 2 cup all-purpose flour
- 1 beaten egg
- 2 cup water
- 1/2 tsp asin
- 2 cups Kimchi
- 1 tbsp Kimchi liquid
- 5 ice cubes
- 2 green chili
Procedure:
- Para sa pancake batter, ipaghalo sa isang bowl ang asin at harina. Lagyan ito ng tubig at saka haluin ng mabuti. Isama na rin ang beaten egg, kimchi, green/red chili at kimchi liquid. Ilagay rin ang ice cubes ata haluin ito ng mabuti.
- Sa isang pan, maglagay rito ng cooking oil at ang scoop ng pancake mixture. (Para ka lang nagluluto ng pancake for merienda)
- Kung mapapansin mong luto na ang ilalim na bahagi nito, dahan-dahan itong baliktarin.
- Serve hot.
Image from Unsplash
4. Bibimbap (Mixed rice with meat and assorted vegetables)
Kung mahilig kang manood ng korean drama, malamang ay napandin mo na ang madalas na pagkain nila ng pinaghalo-halong kanin at gulay sa iisang bowl. Ito ang tinatawag na ‘Bibimbap’. The best ito kung maraming klase ng gulay ang kasama pati na ang beef dito.
Mga ingredients:
For meat sauce:
- 100g beef (giniling)
- 1 tbsp toyo
- 1/4 tsp durog na bawang
- 1 tbsp sesame oil
- 1 tsp asukal
For vegetables:
- 250g seasoned spinach
- 350g seasoned bean sprouts
- 100g shiitake mushroom
- 120g carrots
- 1/2 tsp asin
- steamed rice
- 3 itlog
- Korean seaweed
For bibimbap sauce:
- 1 tbsp sesame oil
- 2 tbsp gochujang
- 1 tbsp asukal
- 1 tbsp water
- durog na bawang
- 1 tbsp sesame seeds
- 1 tsp suka
Procedure:
- Ilagay sa isang bowl ang giniling na karne kasama na ang mga ingredients nito. I-marinate ito ng kalahating oras. Saka ito lutuin sa iang kawali.
- Haluin sa iisang lagayan ang bibimbap sauce.
- I-ready na rin ang spinach at toge. Habang hatiin into strips ang carrots at lutuin ito sa isang pan.
- Hatiin na rin sa strip ang mushroom at lutuin ito sa pan.
- Sa isang bowl na may kanin, ilagay na ang mga nilutong ingredients katulad ng seasoned beef, assorted na gulay at seaweed. ‘Wag ring kakalimutan ang bibimbap sauce at itlog sa ibabaw ng bibimbap.
- Serve hot.
5. Kimchi fried rice
Perfect din ito para sa mga leftover kimchi. Pwede mo rin naman siyang i-transform as friend rice!
Mga ingredients:
- 1 cup kimchi
- bacon
- 3 cups rice
- 4 eggs
- 1/2 tbsp sesame oil
- 1/2 tbsp cooking oil
- 1/2 tsp durog na bawang garlic
- 1/4 cup kimchi juice
Procedure:
- Ilagay sa mainit na pan ang hinating bacon. Isama na rin dito ang durog na bawang. Saka isunod sa paghalo ang kimchi sa pan. Haluin lang ito ng mabuti.
- Sunod na ilagay ang kanin at kimchi juice. Haluin ito ng mabuti hanggang sa maghalo ang mga ingredients.
- ‘Wag kakalimutan ang sesame oil at ilagay ito sa plato.
- Serve hot.
Source:
My Korean Kitchen
BASAHIN:
Pinoy quarantine recipes na may murang ingredients at madaling gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!