Maraming parents ang nag-worry nang ishare ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account ang nangyari sa kanyang anak na si Pepe. Naaksidente kasi ito habang nagsuswimming.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Korina Sanchez son Pepe, naaksidente sa swimming pool
- Safety tips for your kids kung magsuswimming
Korina Sanchez son Pepe, naaksidente sa swimming pool
Ibinahagi ng journalist at TV anchor na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram post ang picture ng kanyang 3 taong gulang na anak na si Pepe nang ito ay maaksidente sa swimming pool.
“My poor but brave boy Pepe,”
Caption ni Korina. Knock-out daw si Pepe sa kalaban nitong swimming pool at hindi sa suntukan, dagdag niya.
Ayon pa sa kanya, tumama raw ang mukha ng bata sa hagdan ng swimming pool dahil daw “feeling swimmer na talaga siya.” Shinare rin niya na sinubukan niyang icomfort ang anak pero,
“Nothing spaghetti and fried chicken cant make him forget.”
Nahihilig sa pagsuswimming ang kambal na anak ni Korina Sanchez na sina Pepe at Pilar. Makikita ito sa mga post na ibinahagi ni Korina sa kanyang Instagram acoount. Matapang na raw silang nakakatalon sa malalalim na parte ng swimming pool.
“OMG it was just like yesterday I wasn’t sure they would even learn to crawl. Amazing miracle of life right?”
Hindi niya raw maiwasang maging dramatic dahil dito.
Ngayon ay maayos na umano ang kaniyang son na si Pepe, sa isa pang post ni Korina nagbigay siya ng update patungkol rito.
Pagbabahagi niya,
Caption pa sa kaniyang Instagram post,
“Thanks to all who got worried abt Pepe and his bruised nose and blackeye last week. He bumped his face on the steps of the pool.
Their loving pedia Doc Aye Nuguid insisted he have a low dose xray. To rule out fracture. He wouldn’t go until I said it was a “pictorial”. Ayun. Todo bihis silang magkapatid.
Of course Mama had to go first. And Pepe was a brave boy. Pilar insisted her picture be taken too. And a reward? They loooove the Dairy Queen ice cream cones. RESULTS: Pepe is A-OK.”
BASAHIN:
LOOK: Zia Dantes tinuruan ng mga gawaing bahay ni Mommy Marian
Coleen Garcia sa pagsama kay Baby Amari sa lock-in taping: “Breastfeeding pa rin kasi ako.”
8 safety tips for your kids kung magsu-swimming
Kadalasan talagang nagiging maligalig at makulit ang mga bata sa mga swimming pool. Hindi maiwasang magkulit at magtatatakbo sila. Dahil diyan, dapat ay doble ingat sa mga inyong mga kids. Ito ang ilan sa mga safety tips na aming inilista para inyong mga parents:
1. Maghanap ng mga signages.
Bago hayaang mag-enjoy si baby na magswumming, hanapin muna ang mga signages. Sundin ang mga safety information na mayroon ito.
Tignan kung ano ang mga do’s and don’ts bago hayaang magswim sila. Makatutulong iyan para protektahan ang inyong mga anak.
2. Sabihan siyang huwag tumakbo
Kahit gaano pa ka-excited si baby, laging paalalahanan siya na hindi dapat tumatakbo. Mas maganda kung dahan-dahan lang siyang lumalakad. Madulas ang area sa paligid ng pool dahil sa tubig na maaaring maging sanhi ng kanyang pagkadulas.
3. Tignan mo muna ang pool bago dahil ang anak
Tignan muna ang tubig kung gaano ito kalalim. Dahan-dahan i-check ang surroundinds gamit ang paa. Palaging alamin ang paligid dahil maaaring nababago ito from time to time.
Kung sa dagat iyan, tignan kung may malalaking bato na maaaring ikapahamak niya kung mababangga. Sa swimming pool, make sure na kaya ng bata ang taas nito.
4. Huwag silang hayaang mag-isa sa pool
Huwag maging komportable na sila ay marunong nang lumangoy o kaya ay may lifeguard. Kadalasan kasing marami nang binabantayang tao ang lifeguard, kaya hindi makasisigurong makakapokus siya sa inyong mga anak.
Dapat ay sinasamahan pa rin ang bata ng matanda kung nagsu-swimming para mabantayan kaagad kung sakaling magkaroon ng aksidente.
5. Samahan ang anak sa paglalaro sa pool
Pumili ng mga larong safe sa mga bata. Ang mga harutang tulad ng wrestling ay maaaring mauwi sa aksidente. May tiyansang tumama sa pool walls, floors o bata ang ulo at mawalan ng malay sa ganitong mga laro.
Pwedeng magdala lang bola na maaaring mag-aliw sa kaniya sa pool.
6. Tignan ang mga hazards
Huwag hahayaang maglaro sa skimmers at pool drains ang mga kids. Palagi kasing nagpapump sa filter system ang mga tubig sa pool o hot tub.
Pinupull-out naman ang tubig sa drain o water pipes. Delikado dahil malakas ang pressure sa mga ito. Sa mga ganitong part ng swimming pool maaaring higupin ang part ng katawan gaya ng daliri, paa, kamay, buhok at mga binti.
Kung sakaling mahaba ang buhok ng bata, ay talian ito. Huwag din silang kalimutan na sabihan na huwag ilalagay ang ulo sa whirlpool o hot tub.
7. Laging magdala ng first aid-kit kapag magsi-swimming
Para laging handa, kahit saan magpunta ay dalhin ang first aid kit. Hindi man natin gusto ang aksidente ngunit may mga sitwasyon na hindi ito naiiwasan. Makatutulong ito para agarang mabigyang lunas agad at hindi na lumala pa ang aksidente.
8. Lagyan ang anak ng life jacket
Parating ilagay ang mga life jackets sa mga bata. Kung wala nito, humanap ng iba pang devices for safety tulad ng salbabida. Kahit pa alam mo nang marunong o magaling na siyang lumangoy, safety pa rin niya ang suotin ito. Ganunpaman, huwag pa rin iiwan ang bata nang walang tumitinging matanda sa kanya.