Masayang ibinahagi ni Korina Sanchez ang video ng musical recital ng kaniyang twins na sina Pepe at Pilar.
Korina Sanchez twins bibong-bibo sa kanilang first recital
Ibinahagi ni Korina Sanchez sa kaniyang Instagram ang video ng kaniyang daughter na si Pilar. Mapapanood sa nasabing video ang first recital ng kaniyang anak.
Larawan mula sa Instagram ni Korina Sanchez
Sa heartwarming video, makikita ang apat na taong gulang na si Pilar. Habang pinatutugtog ang xylophone kasama ang iba pang mga bata.
Caption ng broadcaster sa kaniyang Instagram post, “Aba aba aba! Hindi pwede pahuli sig hurl…Pilar has her own recital! Di ko kaya what these kids do! Sobrang focus!”
Matatandaang ilang linggo bago ang recital ni Pilar ay nagpost din si Korina ng video ng recital naman ng kaniyang si Pepe. Katulad ni Pilar ay nagpapatugtog din ito ng xylophone. Parehong musical instrument pa ang napili ng twins ni Korina Sanchez.
Larawan mula sa Instagram ni Korina Sanchez
Benepisyo ng pagtugtog ng musical instruments sa mga bata
Malaki ang naitutulong ng pagtugtog ng musical instrument sa early development ng mga bata. Lalo na pagdating sa pagkakaroon ng strong sense of self.
Ayon sa Melbourne Music Centre, may mga pag-aaral na nagsasabing ang pag-play at pakikinig sa musical instruments ay mabuti para sa brain functions ng bata. Ang pakikinig at pagpapatugtog ng musika ay importanteng step sa pag-build ng kanilang reading, writing at social skills.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Karolina Grabowska
Dagdag pa rito, ang mga toddler umano na nagpaparticipate sa mga musical activities ay mas nadedevelop ang speech skills at mas madaling natututong magbasa. Ito raw ay dahil nai-stimulate ang bahagi ng utak na naka-ugnay sa language, rhythm at sound recognition.
Kahit basic beats at rhythms lang ay matuturuan na nito ang mga bata na magkaroon ng goals at matuto ng self-discipline at persistence. Kapag ang bata umano ay natutong makagawa ng bagong tunog, natututunan nito ang halaga ng pagpupursige at nagbibigay ito ng sense of achievement sa kanila. Na nakatutulong naman sa pag-build ng kanilang confidence.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!