Kris Aquino naging emosyonal ng ihatid sa airport ang anak na si Bimby. Si Bimby nagbalik ng Pilipinas para makasama ng kapatid na si Josh at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby balik Pilipinas narin.
- Mensahe ni Kris Aquino sa mga anak niya.
Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby balik Pilipinas narin
Nagbalik narin sa bansa ang bunsong anak ng actress-TV host na si Kris Aquino na si Bimby. Ito ang ibinahagi ni Kris sa kaniyang latest Instagram post na kung saan makikitang naging emosyonal siya. Ito ay sapagkat ayon kay Kris, mahirap ang naging desisyon niyang malayo sa mga anak lalo sa mga oras na ito na siya ay may kinakaharap na sakit. Pero mas makakabuti daw ito para sa kanila na nabigyan ng malaking responsibilidad na alagaan siya dahil sa nararanasan niyang karamdaman.
“Bimb & I discussed it, nakikita ko yung stress & anxiety my bunso was feeling. He’s had to grow up so fast because he needed to learn to be responsible in helping taking care of me.”
Ito ang sabi ni Kris sa kaniyang IG post.
View this post on Instagram
Paliwanag pa niya, ngayon niya napagdesisyonang pauwiin si Bimby sa Pilipinas dahil sa kaya pa niya itong maihatid. Dahil matapos daw ang buwan ng Hunyo ay magbabawas na siya sa paggalaw at mas magiging mahina ang kaniyang katawan sa paglaban ng mga impeksyon. Si Kris ngayon ay nakumpirmang may limang autoimmune disease na nararanasan.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Malalayo man sa mga anak, masaya parin naman daw si Kris na makakasama na ng mga ito ang iba pa nilang kapamilya. Si Kris may iniwang pangako para sa mga anak niya.
“I love you w/ my whole heart, kuya & bimb. Mama promised she’ll go through all treatments so I’ll be around, God willing, while you both still need me. 💛💛💛”
Ito ang mensahe pa ni Kris sa mga anak niya.
Matatandaang Hunyo ng nakaraang taon ng magpunta sa Amerika si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Si Josh nauna ng bumalik ng bansa dalawang buwan narin ang nakalilipas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!