Kris Aquino shares latest health status. Ayon sa aktres at TV-host, walang na-detect na tumor at cancer sa kaniyang katawan ang mga doktor.
Mababsa sa artikulong ito:
- Kris Aquino health status.
- Pagpapasalamat si Kris sa pamilya niya at mga kaibigan na hindi siya iniiwan sa matinding pagsubok na ito sa kaniyang buhay.
Kris Aquino shares latest health status
Kagabi sa kaniyang social media account, ay nagbahagi ang aktres at TV-host na si Kris Aquino tungkol sa kaniyang latest health status. Siya ay sumailalim sa mga PET/CT Scan at endoscopy upang malaman kung mayroon pa siyang ibang sakit.
Ito ay bilang paghahanda at pagsisiguro sa maayos niyang kalusugan bago tuluyang magpunta sa ibang bansa at magpagamot.
View this post on Instagram
Si Kris ay natukoy na nagtataglay ng sakit na kung tawagin ay autoimmune disease chronic spontaneous urticaria (CSU). Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas.
Para mapahaba pa ang kaniyang buhay at magawa pa ang iba pang posibleng treatments sa kaniyang sakit ay lilipad sa ibang bansa si Kris.
Siya ay sasamahan ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby. Base sa latest Instagram post ni Kris, ang lahat ng test at pagpapagamot na kaniyang ginagawa ay para sa mga anak niya.
“EVERYTHING I went through, and will go through, gagawin ko para ma-assure yung dalawang pinakamamahal ko.”
Ito ang sabi ni Kris.
“No CANCER DETECTED”: Ito ang masayang balita ni Kris
Masaya ngang balita ng aktres, matapos sumailalim sa PET/CT Scan, endoscopy at biopsy ay walang nakitang cancerous tumor sa kaniyang katawan. Bagamat natuklasan na mayroon siyang gastric ulcer.
“From the Pet/CT scan results, Dr. Francis gave me the HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.”
“Dr. Jonard Co’s finding are erosive gastritis and gastric ulcer.”
Ito ang update pa ni Kris. Dagdag pa niya, kinunan rin siya ng bone marrow sa kaniyang pelvic bone. Ito naman ay gagamitin sa isang test para matukoy kung may blood related disorder ba siya na maaaring dahilan ng kaniyang matinding weight loss at pagiging anemic.
Pag-amin ni Kris, matinding sakit ang pinagdadaanan niya sa ngayon. Hirap nga rin umano siyang humiga o maupo matapos ang mga pinagdaanang test. Pero nagpapasalamat parin siya sa kabila ng lahat at maayos parin ang kaniyang kondisyon.
“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan. At may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat at patuloy na magdasal.”
Ito umano ang sinasabi ni Kris sa kaniyang sarili sa ngayon.
BASAHIN:
Kris Aquino: “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart.”
STUDY: Allergy, maaaring maipasa ng nanay sa sanggol habang nagbubuntis
Payo ng doktor kay Kris mag-relax at magpagaling para sa mga anak niya
Ibinahagi rin ni Kris ang ilan sa paalala sa kaniya ng kaniyang mga doktor. Isa na nga rito ang umiwas na siya ay magkaroon ng allergic reaction.
Sapagkat maaaring tumaas ang kaniyang blood pressure na nangyayari rin sa tuwing siya ay nasasaktan, nagiging emotional, na-stress o nag-aalala.
Pero higit sa lahat sa nalalapit niyang pangingibang-bansa, pinaalalahanan siya ng kaniyang mga doktor na sana ay magpagaling talaga. Manatiling healthy at mag-relax. Gawin niya daw ito para sa kaniyang sarili at higit lahat para sa mga anak niya.
“ALL the doctors taking care of me said different versions of this: PLEASE TRY TO EAT MORE, RELAX, BREATHE FRESH AIR and ATTEMPT to start recreational walking.
Since, we are traveling to consult with more allergy, immunology and hematology experts- they said to please make it a true HEALTH & WELLNESS TRIP. Iregalo ko raw sa sarili at sa mga anak ko.”
Kris nag-throwback sa mga panahong bata pa siya at kasama ang kaniyang ama’t ina
Sa parehong Instagram post ay nag-share rin si Kris ng ilang throwback photos niya. Sa mga larawan ay makikita ang batang Kris kasama ang kaniyang mga magulang na sina dating senador Ninoy Aquino at yumaong dating presidente na si Cory Aquino.
May mga larawan ring ibinahagi si Kris kasama ang kuya at dating presidente niyang si Ninoy Aquino na nasawi nito lamang nakaraang taon.
Ganoon din ang ilang larawan kasama ang mga ate niyang sina Balsy, Pinky at Viel. Ang mga ito kasama ng mga doktor na patuloy na nag-aalaga kay Kris ay pinaabutan niya rin ng pagpapasalamat sa kaniyang latest Instagram post.
“I’ve shared my journey because pinagdarasal, inuunawa at nagbibigay kayo ng panahon para kamustahin ako. That’s why I believed you deserved the TRUTH coming straight from me.”
“Maraming salamat po for caring about my FAMILY and praying with all of us. God bless you. May the almighty always protect you and those closest to your hearts.”
“Nag-uumapaw na pagpapasalamat from our individual families: my Ate’s (Ballsy Aquino Cruz) Pinky’s (Aquino Abellada), VIel’s (Aquino Dee), plus #lovelovelove from the 3 of us, kuya josh, bimb and kris Conjuangco Aquino.”
Ito ang sabi pa ni Kris ukol sa kaniyang latest health status.
Samantala, sa kaniyang mga health appointments ay makikitang laging present ang aktres na si Angel Locsin. Siya ay pinasalamatan din ni Kris hindi lang sa pagiging tunay na kaibigan na hindi siya iniwan. Kung hindi pati na rin sa pag-aalaga nito sa mga anak niya.
Si Kris ay nalalapit na umalis papuntang Amerika kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Doon ay mamalagi siya sa kaniyang mga kapatid upang magpagamot at para makasama ang mga ito.