Kris Aquino nagbigay ng update sa kaniyang buhay ngayon. TV host bumuti na ang lagay ng kalusugan bagamat hindi parin naalis ang panganib na dala ng iniindang sakit niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kris Aquino health update.
- Pagpapakasal ni Kris Aquino.
Kris Aquino health update
Nitong Setyembre ay nakabalik na sa Pilipinas ang TV host na si Kris Aquino. Ito ay matapos ng ilang taong pamamalagi sa Amerika upang sumailalim sa treatment laban sa mga autoimmune disease na nararanasan niya. Si Kris bagamat bumuti na ang kalagayan ay ibinahaging nanatili parin ang panganib na dala ng mga sakit na iniinda niya. Sa katunayan, katatapos lang niya sa mga test para masuri kung siya ba ay may cancer na tulad ng ikinamatay ng kaniyang inang si dating pangulo Corazon Aquino.
“To refresh your memory my mom was diagnosed with stage 4 cancer, 16 in March of 2008 BUT colon cancer was her primary. My mom’s mom, my Lola Ma also had colon cancer. I share the same blood type as my Lola Ma and my mom.”
Ito ang pagbabahagi ni Kris sa latest post niya sa Instagram.
Para matukoy kung siya rin ba ay nagtataglay ng parehong sakit, sumailaliim sa mga test si Kris. At masaya siyang ibahagi na maganda ang naging resulta ng mga test na ginawa sa kaniya.
“Late afternoon when I was wide awake, Dr. Jonnel was smiling, he said – you are CANCER FREE. Clear intestines, no visible sign of cancer.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Kris tungkol sa estado ng kalusugan niya ngayon. Bagamat paglilinaw niya ang iba pa niyang sakit ay patuloy niya paring nilalabanan.
“The 3 autoimmune conditions are Chung Strauss… Systemic Sclerosis… and LUPUS… Everyone living with us who goes out need to shower, wear a mask in my presence and guests need to be freshly showered… that’s because my immunity is zero,”
“I promised myself BAWAL SUMUKO. I need a goal, something for all of us to look forward to. #Tuloyanglaban.”
Ito ang sabi pa ni Kris tungkol sa kalagayan ng kaniyang kalusugan.
Pagpapakasal ni Kris Aquino
Pagdating naman sa nabalitang pagpapakasal niya ay nagbigay rin ng update si Kris Aquino. Ito naman ang nasabi niya.
“Until my groom and I exchange vows in that very small wedding,(but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private. Ibalato ninyo na sa akin yun. Invited naman kayong lahat if and when ang kasal.”
Ito ang sabi ni Kris na ibinahagi ring magbabalik na siya sa telebisyon bago matapos ang taon.