Kris Bernal ipinanganak na ang kaniyang baby girl: “Becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life.”

Si Kris nasa pinaka-magical na stage daw ngayon ng kaniyang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Bernal ipinanganak na ang kaniyang baby girl. Ito ay ipinangalanan nilang si Hailee Lucca.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kris Bernal ipinanganak na ang baby girl niyang si Hailee Lucca.
  • Pakiramdam ni Kris ngayong siya ay isang ganap ng ina.

Kris Bernal ipinanganak na ang baby girl niyang si Hailee Lucca

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Isa ng ganap na ina ang aktres na si Kris Bernal. Si Kris ibinahagi sa Instagram na naipanganak niya na ang baby girl nila ng mister na si Perry Choi. Ito ay ipinangalanan nilang si Hailee Lucca na base sa pinakabagong IG post ni Kris ay ipinanganak niya 15 days na ang nakakaraan.

Ayon kay Kris, ang pagdating ng anak ay maituturing niyang isa sa pinaka-magical na araw sa buhay niya. At ngayon niya daw napatunayan na kakaibang saya talaga ang naihahatid ng isang sanggol lalo na sa mga first time mom na tulad niya.

“Let me tell you a story, SHE’S FINALLY HERE. ??”

“15 days with our #LittleSunshine@haileelucca! ? And, it has been the most magical days of our lives. After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine.”

Ito ang bungad ni Kris sa IG post niya tungkol sa kaniyang baby girl.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakiramdam ni Kris ngayong siya ay isang ganap ng ina

Sabi pa ni Kris, ngayon na siya ay isang ganap na ina ay naramdaman niya rin ang kakaibang bond at pagmamahal sa kaniyang anak. Ang pagiging ina nga daw ang isa mga pinaka-rewarding at pinakamagandang bagay na naranasan niya sa buhay niya ngayon.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The bond between a mother and child is one of the strongest in existence. I’m so inlove!! ? It is a kind of love that is never understood until it happens to you. My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life. Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents! ?? We have been taking some time to ourselves to get settled. For now, we’re really slowing down and soaking up every minute, cherishing it all. ?”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Base sa video na ibinahagi ni Kris sa Instagram, siya ay nagbrebreastfeed para sa kaniyang baby girl. Challenging man daw sa una ay ginagawa ni Kris ang lahat para maibigay ang liquid gold niya sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement