Kris Bernal, isa sa mga kilalang tao sa mundo ng showbiz, ibinahagi ang kaniyang saloobin ukol sakaniyang pagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kris Bernal at husband na si Perry Choi sa ideya ng pagkakaroon ng anak
- Ang kasal ni Kris Bernal at ng kaniyang non-showbiz partner
Kris Bernal at husband na si Perry Choi sa ideya ng pagkakaroon ng anak
Matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay nagpakasal na si Kris Bernal at ang kaniyang non-showbiz partner.
Ilang buwan na rin ang lumipas kaya naman hindi mapigilan ng ibang netizens ang magtanong sa aktres kung kailan nga ba nila balak magkaroon ng sariling anak.
Sa isa sa kaniyang Instagram posts, binasag niya ang katahimikan sa usapin ukol sa pagkakaroon ng anak. Ginamit din ng aktres ang pagkakataong ito upang ibahagi ang dahilan kung bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapagdesisyon na magkaroon na ng anak.
Nito lamang nakakaraang taon, may nausong filters sa mga social media applications, kung saan maaari itong gamitin ng mga netizen bilang katuwaan. Isa si Kris Bernal sa gumamit ng ‘IN 2022, I SHOULD..’ na filter sa kaniyang Instagram post.
Makikita sa ekspresyon sa mukha ng aktres ang pagkagulat na may halong pagtataka. Dahil nang subukan niya ito, “In 2022, I should get Pregnant”. ang lumabas dito.
View this post on Instagram
Caption ng aktres na si Kris Bernal sa kaniyang post na itinag ang kaniyang husband,
“@choi.perry is shaking! Charooot!,”
Pagbabahagi pa ni Kris,
“I’ve been asked a lot since I got married when I’m going to have a baby.
We aren’t planning to have a baby just yet, but we aren’t actively trying to prevent it either.”
Dito ay nasagot na ang tanong ng ilang mga netizen tungkol sa kaniyang plano sa pagkakaroon ng anak mula noong siya’y nagpakasal hanggang ngayon.
Ibinahagi niya sa IG post na ito na hindi nila pinipigilan ang pagkakaroon ng anak, subalit hindi pa ito kasama sa kanilang plano sa kasalukuyan.
Samantala, nilinaw naman ng aktres ang kagustuhan na magkaroon din ng sariling supling sa hinaharap. Iniiwasan lamang ng mag-asawa na mangyari ang mga bagay kung saan pareho pa silang hindi handa.
Bukod pa rito, ayon sa aktres ay may ilang mga bagay pa silang isinasaalang-alang at pinaplanong gawin nang sila lamang dalawa bago tuluyang magkaroon ng anak.
“So, before we turn three, we aim to go to many of the countries on our bucket list.”
Maraming plano ang hindi natuloy, ang iba naman ay naudlot bunsod ng kasalukuyang sitwasyon at ng pandemya. Isa sa mga naapektuhan nito ay ang plano nang mag-asawa na mag-travel at subukan ang iba’t ibang klase ng adventure hangga’t gusto nila.
Dagdag pa ni Kris,
“We also want a bigger house before having a baby, which is currently in the works.
All this baby stuff is also expensive and our finances might be a bit stretched for a while.”
Gaya ng karamihang Pilipino, nais din ni Kris at ng kaniyang asawa na magkaroon muna ng bahay, na ayon sa kaniya ay mas malaking bahay bago pa man siya magkaroon ng anak.
Sa kanilang sitwasyon, kasalukuyan pa lamang ipinapagawa at binubuo ang pangarap na bahay ng mag-asawa.
BASAHIN:
LOOK: Kris Bernal at long-time boyfriend na si Perry Choi, ikinasal na
Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose.”
Chesca Kramer on secret to a long-lasting marriage: “There is no such thing as luck.”
Binigyan diin din ng aktres na isa sa mga salik na pumipigil sa kanilang mag-asawa na magkaroon ng baby ay dahil ay ang hindi biro ang gastos sa pagkakaroon ng baby. Hindi ito ganon kadaling hakbang kaya naman labis na naging maingat ang mag-asawa sa pagpaplano.
Isinaad din ng aktres sa kaniyang IG post na patuloy pa rin ang pagdating ng trabaho at proyekto para sa kanila. Kaya naman susubukan niya ito sulitin hangga’t mayroon pa siyang pagkakataong gawin ito.
Samantala, nilinaw naman muli ni Kris na kung sakali man na siya ay magbuntis ay malugod nila itong tatanggapin. Ayon sa kaniya,
“In God’s perfect timing. God’s timing is impeccable. His plans, always.”
Nangibabaw pa rin ang pagtitiwala ng mag-asawa sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa Kaniyang plano para sa kanila.
Samantala, sa bandang huling bahagi naman ng kaniyang IG post ay binanggit ito ng aktres:
“On the other side, I’m looking forward to having a mini Perry.”
Humakot ng libo-libong likes ang post na ito, at makikita rin sa comment section na marami din ang natuwa at sumang-ayon sa kaniya.
Ang kasal ni Kris Bernal at ng kaniyang non-showbiz partner
Matapos maudlot dahil sa pandemya ay naituloy rin ang pag-iisang dibdib ni Kris Bernal at Perry Choi na isang businessman noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre.
Ang naganap na seremonya ng kasal ay ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang mga follower at taga suporta. Sa pamamagitan ng livestream sa Youtube channel ni Kris.
Ito ay ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa lungsod ng Makati. Ang simbahan ay puno ng mga sunflower at mapapansin din na ang lahat ng bisita ay kinailangan magsuot ng face masks at face shields bilang pagsunod sa safety protocols.
Sa araw ng kanilang kasal, kapansin-pansin ang pagiging emosyonal ng aktres ng siya ay magsimulang maglakad sa altar habang tumutugtog ang kanta ni Yeng Constantino na ang pamagat ay “Ikaw”.
Nangibabaw naman ang ganda at ningning ng aktres suot-suot ang kaniyang mala-prinsesang gown na gawa ni Mak Tumang.
Nagkakilala ang mag-asawa bilang business partners isang taon bago ibahagi ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon taong 2017, at taong 2020 noong nang sila ay magpasiyang magpakasal.