X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kryz Uy isinilang na ang second baby nila ni Slater Young: "It's a lot less painful this time around."

5 min read
Kryz Uy isinilang na ang second baby nila ni Slater Young: "It's a lot less painful this time around."

Ayon kay Kryz Uy, mas less painful ang kaniyang labor sa kanilang second baby ni Slater Young.

Sa wakas ay sinalubong na nina Kryz Uy at Slater Young ang kanilang second baby! Binahagi ng mag-asawa ang mga pangyayari sa labor ni Kryz mula sa naramdaman nitong contractions hanggang sa ligtas na delivery ng kanilang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Panganganak ni Kryz Uy sa kanilang second baby ni Slater Young
  • Kryz Uy pregnancy journey at gender reveal
kryz uy slater young baby

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Panganganak ni Kryz Uy sa kanilang second baby ni Slater Young

Advertisement

Sa YouTube vlog ni Kryz Uy na pinamagatang ‘Our lucky baby’, binahagi nila ni Slater Young ang kanilang journey sa pag-labor para sa kanilang supling.

Madaling-araw ng May 21 ay nakaramdam na ni Kryz ng tingin niya ay contractions na. Kita sa mukha ni Kryz Uy na kaniyang tinitiis ang sakit na nararamdaman sa kaniyang sinapupunan.

“I’ve been having contractions since about 1:45 AM every 10 to 12 minutes. It’s been getting more intense now.”

“I’m not sure if I’m in labor, but it really hurts.”

Pinapunta na siya ng kaniyang doktor sa ospital. Ngunit ayon kay Kryz Uy, hindi sila nagmadaling pumunta sa ospital sa pangamba na baka hindi pa contractions ang kaniyang nararamdama. At baka pauwiin lang ulit siya dahil hindi pa oras para siya ay manganak.

“I really don’t want to go the hospital and get an IE (internal examination) and be told to go home. I’m trying to take my time and not rush so much and not pressure myself.”

Hinintay nilang magising ang kanilang anak na si Scott para makapagpaalam sila bago magtungo sa ospital.

Habang naglalakad ay mapapansin na tumitindi ang nararamdamang sakit ni Kryz. Ayon sa mag-asawa, bandang 8 AM na sila nakarating sa ospital.

Sa vlog, ipinakita rin ni Kryz ang kaniyang pagsisilang habang pinu-push ang kanilang second baby. Nakaalalay si Slater habang nanganganak si Kryz para mapalakas ang loob ng kaniyang misis.

Nang lumabas na ang sanggol ay maririnig ang iyak nito. Kaagad na pinayakap kay Kryz Uy ang kanilang baby ni Slater Young.

Makalipas ang ilang oras ay nakahinga na ng maluwag si Kryz sa safe delivery ng kanilang baby.

“We’re so excited, finally tapos na!”

kryz uy slater young baby

Larawan mula sa screenshot ng YouTube vlog ni Kryz Uy

Sa kanilang second day sa ospital ay nagbigay ng update sina Kryz Uy at Slater Young sa kanilang pregnancy journey.

37 weeks na pregnant si Kryz Uy nang kaniyang isilang ang kanilang second baby. Tinuturing din nilang mag-asawa na lucky sila dahil kahit napaaga ang panganganak ni Kryz, ay nakabili na sila ng mga supplies na kailangan sa ospital.

Bago rin sumapit ang labor day ay nag-workout si Kryz para makaiwas sa caesarean section delivery.

“I was working out. I really wanted the baby out na. Because it was so big and I was so scared na ma-CS.”

Noong dumating sila sa ospital ay 6 centimeters dillated na si Kryz Uy. Ayon kay Kryz, mas kinaya niya ang sakit sa kaniyang pangalawang baby kaysa sa kaniyang panganay.

“I remember when I was pregnant with Scott, ‘yong 6 to 7 cm dilated, I was shivering and I was dying, animal na ako! Ganon ‘yong level ng pain.”

“It’s a lot less painful this time around. I don’t know na if it’s mentally lang na prepared ako or it’s just less painful lang talaga siya the second time around.”

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

BASAHIN:

Kryz Uy kapag nahuling nag-cheat si Slater Young: “I’m gonna be super praning.”

Angelica Panganiban to take a break from showbiz: “Tutukan ko na muna ‘yong baby.”

Ryza Cenon sa pagiging ina: “Matutulala ka na lang sa pagod.”

Kryz Uy pregnancy journey at gender reveal

Noong November 25, 2021, ibinahagi ni Kryz Uy sa kanyang vlog ang masayang balita na siya ay nagbubuntis ng kanilang ikalawang anak ng asawang si Slater Young.

Tulad noong kanyang unang pregnancy announcement vlog, sinimulan ni Kryz ang video sa pagkuha ng pregnancy test. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya inaasahan na siya talaga ay buntis, dahil wala pa sanang balak na sundan ang kanilang panganay dahil sa nangyayaring pandemic.

Pero kahit gulat ay nakaramdam pa rin ng saya si Kryz na siya ay mayroon nang 2nd baby at magkakaroon na ng kalaro ang kanyang baby Scott.

Matatandaan na nagsagawa ng isang unique gender reveal party si Kryz at Slater noong Enero 12, 2022, at napag-alamang lalaki ulit ang kanyang ipinagbubuntis.

Tulad noong unang pagbubuntis ni Kryz, nakaramdam ulit siya ng mga sintomas na naranasan niya sa kanyang unang baby. Tulad na lamang ng pagkahilo, pagsusuka, at sobrang pagod at mabigat na pakiramdam.

Aniya, para ulit itong nasa unang pagbubuntis. Pero ngayon ay hindi na kasing lala ng una niyang naramdaman at mas alam na niya ang kanyang mga kailangang gawin.

kryz uy slater young baby

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Ayon sa kanyang doktor at base na rin sa ultrasound results, malusog naman ang baby ni Kryz. Naghahanda na rin ng mga gamit ang mag-asawang Kryz at Slater na kakailanganin para sa kanilang paparating na baby boy.

Sa isang Instagram post ay pinasilip ni Kryz Uy ang magiging itsura ng kanilang baby sa ultrasound scan. Mayroon din siyang caption na, “Hi chubby cheeks. We’re so excited to meet you!”

Sa ngayon ay hindi pa nire-reveal nina Kryz Uy at Slater Young ang pangalan ng kanilang baby.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Shena Macapañas

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kryz Uy isinilang na ang second baby nila ni Slater Young: "It's a lot less painful this time around."
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko