Kryz Uy isinilang na ang second baby nila ni Slater Young: "It's a lot less painful this time around."

Ayon kay Kryz Uy, mas less painful ang kaniyang labor sa kanilang second baby ni Slater Young.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas ay sinalubong na nina Kryz Uy at Slater Young ang kanilang second baby! Binahagi ng mag-asawa ang mga pangyayari sa labor ni Kryz mula sa naramdaman nitong contractions hanggang sa ligtas na delivery ng kanilang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Panganganak ni Kryz Uy sa kanilang second baby ni Slater Young
  • Kryz Uy pregnancy journey at gender reveal

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Panganganak ni Kryz Uy sa kanilang second baby ni Slater Young

Sa YouTube vlog ni Kryz Uy na pinamagatang 'Our lucky baby', binahagi nila ni Slater Young ang kanilang journey sa pag-labor para sa kanilang supling.

Madaling-araw ng May 21 ay nakaramdam na ni Kryz ng tingin niya ay contractions na. Kita sa mukha ni Kryz Uy na kaniyang tinitiis ang sakit na nararamdaman sa kaniyang sinapupunan.

"I've been having contractions since about 1:45 AM every 10 to 12 minutes. It's been getting more intense now."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I'm not sure if I'm in labor, but it really hurts."

Pinapunta na siya ng kaniyang doktor sa ospital. Ngunit ayon kay Kryz Uy, hindi sila nagmadaling pumunta sa ospital sa pangamba na baka hindi pa contractions ang kaniyang nararamdama. At baka pauwiin lang ulit siya dahil hindi pa oras para siya ay manganak.

"I really don't want to go the hospital and get an IE (internal examination) and be told to go home. I'm trying to take my time and not rush so much and not pressure myself."

Hinintay nilang magising ang kanilang anak na si Scott para makapagpaalam sila bago magtungo sa ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang naglalakad ay mapapansin na tumitindi ang nararamdamang sakit ni Kryz. Ayon sa mag-asawa, bandang 8 AM na sila nakarating sa ospital.

Sa vlog, ipinakita rin ni Kryz ang kaniyang pagsisilang habang pinu-push ang kanilang second baby. Nakaalalay si Slater habang nanganganak si Kryz para mapalakas ang loob ng kaniyang misis.

Nang lumabas na ang sanggol ay maririnig ang iyak nito. Kaagad na pinayakap kay Kryz Uy ang kanilang baby ni Slater Young.

Makalipas ang ilang oras ay nakahinga na ng maluwag si Kryz sa safe delivery ng kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"We're so excited, finally tapos na!"

Larawan mula sa screenshot ng YouTube vlog ni Kryz Uy

Sa kanilang second day sa ospital ay nagbigay ng update sina Kryz Uy at Slater Young sa kanilang pregnancy journey.

37 weeks na pregnant si Kryz Uy nang kaniyang isilang ang kanilang second baby. Tinuturing din nilang mag-asawa na lucky sila dahil kahit napaaga ang panganganak ni Kryz, ay nakabili na sila ng mga supplies na kailangan sa ospital.

Bago rin sumapit ang labor day ay nag-workout si Kryz para makaiwas sa caesarean section delivery.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I was working out. I really wanted the baby out na. Because it was so big and I was so scared na ma-CS."

Noong dumating sila sa ospital ay 6 centimeters dillated na si Kryz Uy. Ayon kay Kryz, mas kinaya niya ang sakit sa kaniyang pangalawang baby kaysa sa kaniyang panganay.

"I remember when I was pregnant with Scott, 'yong 6 to 7 cm dilated, I was shivering and I was dying, animal na ako! Ganon 'yong level ng pain."

"It's a lot less painful this time around. I don't know na if it's mentally lang na prepared ako or it's just less painful lang talaga siya the second time around."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Kryz Uy kapag nahuling nag-cheat si Slater Young: "I'm gonna be super praning."

Angelica Panganiban to take a break from showbiz: "Tutukan ko na muna 'yong baby."

Ryza Cenon sa pagiging ina: "Matutulala ka na lang sa pagod."

Kryz Uy pregnancy journey at gender reveal

Noong November 25, 2021, ibinahagi ni Kryz Uy sa kanyang vlog ang masayang balita na siya ay nagbubuntis ng kanilang ikalawang anak ng asawang si Slater Young.

Tulad noong kanyang unang pregnancy announcement vlog, sinimulan ni Kryz ang video sa pagkuha ng pregnancy test. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya inaasahan na siya talaga ay buntis, dahil wala pa sanang balak na sundan ang kanilang panganay dahil sa nangyayaring pandemic.

Pero kahit gulat ay nakaramdam pa rin ng saya si Kryz na siya ay mayroon nang 2nd baby at magkakaroon na ng kalaro ang kanyang baby Scott.

Matatandaan na nagsagawa ng isang unique gender reveal party si Kryz at Slater noong Enero 12, 2022, at napag-alamang lalaki ulit ang kanyang ipinagbubuntis.

Tulad noong unang pagbubuntis ni Kryz, nakaramdam ulit siya ng mga sintomas na naranasan niya sa kanyang unang baby. Tulad na lamang ng pagkahilo, pagsusuka, at sobrang pagod at mabigat na pakiramdam.

Aniya, para ulit itong nasa unang pagbubuntis. Pero ngayon ay hindi na kasing lala ng una niyang naramdaman at mas alam na niya ang kanyang mga kailangang gawin.

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Ayon sa kanyang doktor at base na rin sa ultrasound results, malusog naman ang baby ni Kryz. Naghahanda na rin ng mga gamit ang mag-asawang Kryz at Slater na kakailanganin para sa kanilang paparating na baby boy.

Sa isang Instagram post ay pinasilip ni Kryz Uy ang magiging itsura ng kanilang baby sa ultrasound scan. Mayroon din siyang caption na, "Hi chubby cheeks. We’re so excited to meet you!"

Sa ngayon ay hindi pa nire-reveal nina Kryz Uy at Slater Young ang pangalan ng kanilang baby.

Sinulat ni

Shena Macapañas