LOOK: Slater Young at Kryz Uy, nagkaroon ng super cute na gender reveal

Second baby ni Kryz at Slater nakatakda nilang ma-meet ngayong June 2022!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kryz Uy alam na ang gender ng ipinagbubuntis niyang sanggol. Tingnan kung paano ang naging gender reveal party na kanilang ginawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kryz Uy second baby gender reveal party.
  • Expectations nila ni Kryz Uy at Slater Young ngayong magiging dalawa na ang anak nila.

Kryz Uy second baby gender reveal party

Image from Kryz Uy’s Facebook account

 

Alam na nila Kryz Uy at Slater Young ang gender ng kanilang second baby. Ito ay nalaman ng mag-asawa sa nakakatuwa at cute na paraan na kung saan ang mga kapatid ni Kryz ang nag-organize ng gender reveal party. Ang mga naganap sa nasabing party ibinahagi ni Kryz sa kaniyang YouTube channel kahapon.

Sa pagsisimula ng video ay kasama ni Kryz ang isang taon niyang anak na si Scottie. Ito ay nakasuot ng damit na blue na ayon kay Kryz ay dahil naniniwala siyang another boy ang kaniyang second baby. Habang ang mister niya namang si Slater ay umaasa na sana ay girl na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Kryz, initially ay noon pa raw dapat Disyembre nila ginawa ang gender reveal party. Pero dahil sa typhoon Odette ay hindi muna nila ito itinuloy. At ngayon dahil sa nalalapit ang kaniyang kaarawan, ito umano ay magiging magandang surprise para sa kaniya.

Pagbabahagi ni Kryz,

“We are actually planning to have this gender reveal on Slater’s birthday last December 19 but that was two days after the typhoon hits. Now, just a day before my birthday we are going to have it now. It’s a little surprise.”

Sumo wrestling-themed gender reveal party

Image from Kryz Uy’s Facebook account

Para sa safety ng bawat isa na pumunta sa party ay sinisiguro nila Kryz na ang lahat ay nagpa-swab test at lumabas na negative sa COVID-19 virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanging malalapit na kaibigan at pamilya lang din ang inimbatahan nila. Ang event isinagawa sa kanilang bahay sa Cebu na tinatawag nilang Skypod.

Habang ang nag-organize naman ng gender reveal party ay ang sister ni Kryz na siya lang ding nakakaalam kung ano ang gender ng baby na kaniyang ipinagbubuntis.

Ang event ay ginawa sa labas lang ng bahay nila Kryz at Slater. Doon ay mayroong isang board na kung saan may larawan ng anak nilang si Scottie na may girl and boy version. Doon magsusulat ang guest ng kanilang pangalan base sa hula nila ng gender ng baby ni Kryz.

Sa mismong event ay may tila boxing ring na kung saan mayroong balloon standee sa bawat corner. Biglang may lalabas na dalawang wrestler na may nakadikit na mukha ng girl and boy version ni Scottie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa unang round ng pagre-wrestling ay natalo ng girl ang boy wrestler at ito ay natumba. Biglang naghiyawan ang guest at iniisip na baka girl na ang ipinagbubuntis na baby ni Kryz.

Pero biglang tumayo ang boy wrestler kaya naman false alarm lang pala. Nang makalapit ang isa sa mga wrestler para putukin ang lobo sa gilid ng ring ay walang confetti ang lumabas.

Muli uli silang naglaban. This time ay muli na namang natalo ang boy ng girl wrestler. Pero nang putukin na ang isa pang lobo sa gilid ng ring naglabasan ang blue confetti. Ito ang senyales na baby boy ulit ang ipinagbubuntis ni Kryz.

BASAHIN:

Kryz Uy on her first trimester: “I don’t want to move. I don’t want to eat. I just feel like I want to vomit all the time.”

Top Mommy Blogs in the Philippines

Gusto mo bang malaman kung lalake o babae ang baby mo? Alamin kung paano gamit ang ring gender test

Expectations nila ni Kryz Uy at Slater Young ngayong magiging dalawa na ang anak nila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang-masaya naman si Kryz sa nalaman dahil sa wakas ay magkakaroon na ng kalaro si Scottie. Si Slater kahit umaasang girl ay masaya na rin. Sapagkat pahayag niya may dagdag na dahilan na siya para bumili pa ng mga gamit na panlalaki na maipapasa niya sa mga anak niya.

“Magulo na sa bahay kasi maraming lalaki. And I just want to say that this give me more excuses to buy guy things to pass on.”

Ito ang sabi ni Slater.

Si Kryz nag-alala naman sa magiging ugali ng anak niya. Malamang ay baka maging hyper at makulit rin ito tulad ng Kuya Scottie niya.

“They say baby number 2 is the opposite of baby number 1. And baby number 1 is a good kid so ano nalang kaya si baby#2?”

Ito ang natatawang tanong ni Kryz.

Sa huli ay nagpasalamat si Kryz sa mga naging parte ng kanilang gender reveal party. Nag-iwan rin siya ng maikling mensahe para sa kaniyang baby #2.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To our baby boy,

Mommy, Daddy, Scottie, Skybear and the whole SKYfam can’t wait to meet you.

See you on June 2022!”

Congrats Kryz and Slater!

 

Source:

YouTube