Kryz Uy, nag-positive sa sakit na COVID habang nagbubuntis, matapos magkaroon nito ang kaniyang anak at asawa na si Slater Young.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kryz Uy COVID positive habang buntis
- Pagbubuntis at panganganak ng taong COVID positive
Kryz Uy COVID positive habang buntis
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Youtube vlogger na si Kryz Uy sa isa sa kaniyang mga vlog na nag-positibo sa COVID ang kaniyang 1-year-old son na si Scott Knoa.
Subalit dalawang linggo lamang ang nakakalipas mula nang magpositibo ang anak, ibinahagi niya na siya ay COVID positive na rin. Pagbabahagi ng vlogger na si Kryz Uy,
“I did finally catch COVID after 2 years of avoiding it.”
Ayon sa kaniya, ang anak na si Scott and “main source” sa pagkakaroon ng COVID ng buong pamilya. Nalaman nilang siya ay positibo na rin nang siya ay makaramdam ng ilang sintomas ng sakit, dalawang linggo matapos ma-diagnose na positibo ang anak sa naturang sakit.
“The results were… unfortunate. Scottie has covid!” pahayag ni Kryz matapos ang COVID test ng anak. Dagdag pa niya,
“He was the only one among all of us who tested positive. I’m guessing because he’s the only one among us that’s unvaccinated.”
Hindi nagtagal, nagkaroon na rin ang kaniyang husband na si Slater Young. Ayon kay Kryz, si Slater ang naunang magkaroon ng sakit sa kanilang dalawa dahil nahawa ito sa kanilang anak. Nakuha naman ‘di umano niya ang sakit matapos magkamaling ma-inom ang salabat o ginger tea ng kaniyang asawa.
Samantala, ayon sa vlogger mild at hindi naman naging severe ang sintomas na kaniyang naranasan nang magkaroon ng sakit. Noong una, pananakit ng lalamunan at sipon lamang ang sintomas na kaniyang naramdaman.
Subalit hindi nagtagal, nauwi rin ito sa pagkakaroon ng lagnat. Dahil rito, kinailangan niya ng maayos na pamamahinga.
“I was just in bed, trying to recover, watching TV all day,” saad ni Kryz Uy.
“Super rare” lamang daw ang ganitong pagkakataon kung saan maghapon lang siyang nakahiga at walang ginagawa kundi manuod ng TV.
Dahil ayon sa kaniya, mula nang siya ay maging misis ni Slater Young, nasanay na siyang busy sa bahay, nagta-trabaho, at parating may ginagawa.
Pagbabahagi pa niya,
“That was just the time that I need to really recover, and give it to my body to rest.”
Pinagbigyan lamang daw niya ang kaniyang sariling pangangatawan na magkaroon ng kumpletong pamamahinga sa pagkakaroon ng sakit habang siya ay nagdadalang-tao para sa kanilang second baby.
Samantala, masaya ang vlogger dahil sa kasalukuyan, masasabi niyang nalampasan na niya at ng kaniyang mag-ama ang pagsubok na dala-dala ng pagkakaroon ng sakit na COVID. Ayon kay Kryz Uy,
“I’m so relieved it’s over. After almost a whole month in isolation, I’m so happy to report we are all finally safe and healthy again.”
BASAHIN:
Pagbubuntis at panganganak ng taong COVID positive
Habang lumilipas ang mga araw simula noong magkaroon ng pandemya, higit na lumalawak ang kaalaman ng mga tao ukol sa pagkakaroon ng sakit na COVID-19. Lumilinaw rin ang mga impormasyon na dapat malaman ng bawat indibidwal oras na sila ay dapuan ng naturang sakit.
Samantala, narito ang ilang mga bagay na dapat malaman at manatiling malinaw para sa mga nagdadalang-tao na positibo sa COVID.
Pagkakaroon ng sakit na COVID-19 habang buntis
Maaaring higit na tumaas ang panganib na dala ng pagkakaroon ng malalang sintomas ng sakit kapag ito ay buntis o nagdadalang-tao.
Kaya naman nararapat lamang na panatilihing malusog ang pangangatawan upang higit na maprotektahan ang sarili at ang iyong baby mula sa sakit.
Ang labis na pag-iingat para sa mga taong nagdadalang-tao ay mahalaga subalit ito ang magsisilbing proteksyon upang maka-iwas sa posibleng pagkakaroon ng komplikasyon.
Importante din na makipag-ugnayan sa iyong health care provider upang makatanggap ng mas maayos at angkop na pangangalagang pangkalusugan.
Tandaan: Huwag mag-atubili na tumawag sa 9-1-1 kung maranasan ang alinman sa mga sumusunod na sintomas.
- Kahirapan sa paghinga (higit sa kung ano ang normal sa iyo habang buntis)
- Patuloy na pananakit o pagdiin o mabigat na pakiramdam sa dibdib
- Biglaang pagkalito
- Hindi makasagot sa ibang tao
- Namumutlang labi o mukha
Panganganak kapag positibo sa COVID-19
Oras na iyong malaman na ikaw ay positibo sa sakit ng COVID at nalalapit na ang iyong panganganak, makipag-ugnayan sa iyong doktor o health care provider kung ano ang maaaring gawin o mangyari sa labor, panganganak at pagkatapos manganak.
Matapos mo isilang ang iyong baby, mayroong posibilidad na magkaroon din siya ng sakit. Kaya naman narito ang ilang mga rekomendasyon na maaari mong gawin oras na makapanganak:
-
Manatili ka at ang iyong baby sa isang kwarto nang magkasama
Kung kayong dalawa ay mananattili sa iisang silid, makabubuting magsuot ng face mask at tandaan na dapat laging malinis ang kamay bago hawakan o lapitan ang iyong anak.
-
Manatili ka at ang iyong baby sa magkahiwalay na kwarto
Bukod sa naunang option, maaari rin na irekomenda ng iyong doktor na alagaan na lamang ng isang taong walang sakit ang iyong baby. Sa ganitong paraan ay hinfi mo na maihahawa ang COVID-19 sa iba pang mga tao.