TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Kryz Uy, buntis sa second baby nila ng asawang si Slater Young!

5 min read
LOOK: Kryz Uy, buntis sa second baby nila ng asawang si Slater Young!

Kryz inaming mixed emotions siya ng malamang siya ay buntis.

Kryz Uy is pregnant with baby #2! Narito kung paano pinaalam ni Kryz ang kaniyang pagbubuntis this time sa asawang si Slater Young.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kryz Uy baby #2 pregnancy announcement.
  • How Kryz Uy told Slater Young that she is pregnant.

Kryz Uy is pregnant with baby #2!

Ito ang magandang balitang hatid ng influencer na si Kryz Uy sa pinakabago niyang vlog entry kagabi.

Sa pagsisimula ng kaniyang vlog ay makikitang October 4 pa ito kinunan. Ito ang araw kung saan siya ay nagsagawa ng home pregnancy test na kung saan makikitang ikinagulat niya ang naging resulta. Dahil dalawa ang linyang lumabas sa pregnancy test na nangangahulugang siya ay buntis.

“I did not expect!”

Ito ang agad nasabi ni Kryz sa kaniyang nalaman. Paliwanag niya, maraming beses na siyang nagbi-video nang pagkuha ng mga pregnancy test dahil sa pag-aakalang buntis siya noong mga nakaraang buwan.

Pero ang mga videong kaniyang nakunan ay nauuwi lang sa wala dahil laging negative ang lumalabas sa test niya. Inakala niyang ganitong muli ang mangyayari. Kaya naman kuwento ni Kryz ay hindi siya nakapaghanda. Kahit nga daw pagli-lipstick ay hindi niya nagawa.

Dagdag pa ni Kryz ay wala pa sa plano nila ng mister na si Slater na masundan ang 1 and half year old nilang anak na si Scottie. At inakala niyang malapit na rin siyang magkaroon ng menstruation dahil sa mga symptoms na kaniyang nararamdaman.

Bagama’t kuwento pa ni Kryz ay 3 days na siyang delayed at napaguusapan na nila ni Slater na baka buntis siya.

“I’m shook because Slater and I we aren’t really planning to have a second kid. I am laughing because Slater and I actually had a conversation earlier today and I said I think I am not pregnant. Because I am getting all these period cramps and period pains.”

Ito ang pagbabahagi ni Kryz sa kaniyang vlog.

Kryz mixed emotions sa kaniyang pagbubuntis

kryz uy pregnant

Image from Kryz Uy Facebook account

Gulat man sa nalaman, ay sinabi ni Kryz na masaya siya sa magandang balita. Pero hindi rin nawawala ang takot lalo pa’t hindi pa daw natatapos ang pandemic na ating nararanasan.

“I am very very happy but at the same time like completely shook and scared to be honest. Because it’s still pandemic. It’s like I have my two kids during the pandemic. So I can’t really tell the difference like how easy it would have been otherwise.”

Marami na umanong signs ang nagpapahiwatig na buntis si Kryz. Tulad na lang ng maaga at mahabang oras nang pagtulog niya. Pati na ang pagke-crave niya sa kimchi na gaya noong ipinagbubuntis niya ang panganay nila ni Slater na si Scottie.

Paano sinabi ni Kryz ang magandang balita kay Slater

kryz uy pregnant

Image from Kryz Uy Facebook account

Sa parehong vlog ay ipinakita rin ni Kryz kung paano siya nag-isip ng paraan para sabihin kay Slater ang magandang balita.

Matatandaang ang una niyang pagbubuntis ay ipinaalam niya sa mister sa pamamagitan ng paglalagay ng kaniyang pregnancy test result sa isang paper bag na sinabi niyang isang pasalubong daw.

This time ang gimik naman na naisip ni Kryz para sa kaniyang pregnancy announcement ay bahagyang naiba. Ang positive pregnancy test niya ay inilagay niya sa maliit na box na kunwari ay delivered package daw para sa asawang si Slater.

Nang makita ni Slater ang laman ng box ay hindi naman na ito masyado pang nagulat. Bagama’t makikitang masaya siya sa magandang balita.

“I kinda knew na kasi why would you give me a random thing and then you had like a camera. And then it’s so gaan lke an empty box.”

Ito ang natatawang sabi ni Slater.

BASAHIN:

Slater Young and Home Buddies dare Filipinos to have eco-friendlier homes by doing the #AjinomotoSustainAbilidadChallenge

What huggies moms kryz, patty, and isabel want you to know about diapering

LOOK: Anak ni Dingdong at Marian na si Zia, ipinagdiwang ang 6th birthday

Kryz Uy and Slater Young’s thoughts about having a second baby

kryz uy pregnant

Image from Kryz Uy Facebook account

Sa naging pag-uusap ng mag-asawa sa kanilang pagbubuntis ay maririnig na tinanong ni Slater si Kryz kung ready na daw ba ito? Dahil pag-aalala niya ay kailangan muling pagdaanan nito ang hirap ng pagbubuntis na nasasaksihan niya sa anak nilang si Scottie noon.

Pero ngayon umano ay pakiramdam ni Slater ay legit parents na talaga sila ni Kryz dahil magiging dalawa na ang anak nila.

“We are like legit parents now. I don’t feel like its legit when it’s just one kid”, sabi pa ni Slater.

Pagdating sa gender ng kanilang baby, hiling ni Slater sana ito ay babae na. Habang si Kryz naman ay hati ang nararamdaman.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“I kinda want a girl also but like I said I kinda want a boy also so Scottie will have a brother. Kasi I feel like closer talaga kayo.”

Ito ang excited na wish ng pregnant mom na si Kryz Uy para sa kaniyang baby #2!

Congratulations Kryz and Slater!

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Kryz Uy, buntis sa second baby nila ng asawang si Slater Young!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko