7 warning signs na kulang sa disiplina ang isang bata

Ito ang mga palatandaan na kailangan mo ng disiplinahin ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga palatandaan na kulang sa disiplina ang bata.
  • Mga dapat gawin upang maitama o ma-disiplina ang bata.

Tayong mga magulang ay nais lumaking mabuting bata ang ating mga anak. Hangga’t maaari ay nais nating bigyan lamang sila ng pag-iintindi at pagmamahal sa lahat ng oras. Pero may mga pagkakataon na mali o sosobra ang kinikilos nila na maaaring ikainis o ikagalit natin.

“All parents want the best for their children and are concerned with fostering their self-esteem. But when children tune us out, refuse to do what we want, defy or ignore us, it is normal to become annoyed and frustrated.”

Ito ay ayon sa educator at author ng librong “Loving Without Spoiling And 100 Other Timeless Tips for Raising Terrific Kids” na si Nancy Samalin.

Ito ang mga pagkakataong kailangan silang madisiplina. Upang maitama ang maling gawi nila at hindi na nila ito kalakihan pa.

Para matukoy nga ang mga pagkakataong ito, ayon pa rin kay Samalin ay narito ang mga palatandaang kulang sa disiplina ang bata. Upang maitama ito narito ang mga maaaring gawin. 

7 palatandaan na kulang sa disiplina ang bata

1. Ang iyong anak ay may sense of entitlement.

Bilang mga magulang, gusto nating maibigay lahat ng kailangan o gusto ng ating anak hanggat maaari. Subalit hindi dapat ito sumobra. Sapagkat kapag nasobrahan mo na ang kasusunod sa bawat gusto niya, baka malimutan niya ng maging grateful o thankful sa mga bagay na ibinibigay o natatanggap niya.

Kaya naman siya ay nagiging entitled na o nagkakaroon ng pakiramdam na ang mundo ay umiikot sa kaniya. Kaya naman lahat ng gusto niya ay ibibigay o masusunod sa tuwing hilingan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang puwede mong gawin?

Ipakita at ipaliwanag sa iyong anak na ang mundo ay hindi lang umiikot sa kaniya. Dapat siyang matutong magpasalamat sa mga bagay na nakukuha o natatanggap niya.

Turuan siyang maging thankful sa pamamagitan ng isang exercise. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpapalista sa kaniya ng mga bagay na pinapasalamatan niya. O kaya naman ay pasulatin siya ng mga thank you notes sa mga taong tumulong sa kaniya at nais niyang pasalamatan.

Makakatulong din ang pagpapagawa sa kaniya ng mga gawaing bahay at saka pasalamatan siya sa oras na natapos niya na ito. Sa ganitong paraan ay natututo siyang ma-appreciate ang mga bagay sa paligid niya.

Dagdag pa riyan makakatulong ito sa kaniya na ma-realize na hindi lamang siya ang sentro ng mundo.  Higit sa lahat natututo siyang maging hindi entitled at maging thankful sa mga bagay na mayroon siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Hindi tumatanggap ng “no” o hindi na sagot ang anak mo.

Napakadelikadong mindset ito kung ma-adopt agad ng anak mo ngayong napakabata pa niya. Sa mura niyang edad ay tinuturuan mo agad siyang maging abusado.

Anong gagawin mo para maitama ito?

Ipaintindi sa kaniya kung bakit nagsasabi kang no o hindi sa mga gusto niya. Ipaliwanag kung anong ibig sabihin nito at bakit mahalagang minsan ay hindi mo susundin o ibibigay ang kaniyang mga gusto

3. Ang iyong anak ay kulang sa compassion, empathy at kindness sa ibang tao.

Ang pag-intindi sa feelings ng kaniyang kapwa ay isa sa mahahalagang bagay na dapat matutunan ng iyong anak. Sapagkat kung mayroon siya nito ay matututo rin siyang tumulong sa kapwa niya. Kung wala naman ay nawawalan siya ng tiyansa na magkaroon ng healthy long-term relationships sa iba.

Ano ang dapat mong gawin?

Ayon kay Samalin, ang iyong dapat gawin ay ipakita sa iyong anak na na-appreciate at na-rerecognize mo ang mga magagandang nagagawa niya sa kaniyang kapwa. Maging mabuting halimbawa rin sa kaniya at turuan siyang magpasalamat sa mga taong tumutulong sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabihin ito halimbawa: “Salamat Joey, nakita ko kung paano mo tinulungan si Amy”. O kaya naman ay ganito: “Na-impress ako kung paano mo ginawa ang mga assignments mo. Very good!”

Kung kulang sa disiplina ang bata ay dapat mo siyang higit na maturuan at gabayan.

4. Ang iyong anak ay kulang sa konsensya o hindi nakakaramdam ng guilt sa tuwing siya ay may masamang ginawa.

Ayon pa rin kay Samalin, kapag ang isang bata ay hindi nakakaramdam ng guilt, indikasyon ito na siya ay lumalaking irresponsable. Sapagkat sa wala silang guilt at konsenya iniisip niya na wala naman siyang ginawang masama o mali. Malaking problema umano ito kung hindi maitatama.

Ano ang iyong dapat gawin?

Turuan ang iyong anak na healthy at mahalaga ang makaramdam ng guilt. Makakatulong din kung maipapakita sa kaniya ang mga consequences ng kaniyang actions sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipaliwanag sa kaniya ang nararamdaman ng ibang tao at kung bakit dapat niya ring tingnan ang point of view ng mga ito. Pero sa pagtuturo sa kaniya ng mga ito ay dapat mong ipaalam at iparamdam na walang mali sa kaniya.

“Talk about your feelings. But do not attack your child or tell her all the things that are wrong with him or her.” ani ni Samalin.

Para mas maintindihan niya ang consequences ng mga kaniyang mga ginagawa at maintindihan ang feeling ng guilt ay iparamdam ito sa kaniya. Dapat ay maranasan nila kung ano ang pakiramdam ng mawalan, lalo kapag sila’y nakakagawa ng mali.

Hindi ito upang maiparamdam sa kanila ang pagiging miserable. Subalit para maituro sa kanila ang kaibahan ng tama at mali. Higit sa lahat ay maging accountable sa kanilang choices sa buhay.

BASAHIN:

STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder

Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

5. Ang iyong anak ay walang pakialam sa feelings ng iba.

Ang hindi pagpapakita ng pakialam ng iyong anak sa feelings ng iba ay palatandaan na siya ay selfish o makasarili. Dapat nilang matutunan na lahat ng tao sa paligid niya ay kasing halaga rin niya.

Ano ang puwede mong gawin?

Muli, dapat makita ng iyong anak na hindi lahat ng bagay ay tungkol o iikot sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tuwing nagagalit nga sa iyong anak, payo ni Samalin ay mas mabuting gumamit ng “I” phrases kaysa sa ”you” phrases. Halimbawa, kaysa sabihing “Bad ka.”Mas mabuting sabihin sa kaniya na “Galit ako.” O kaya naman ay “Hindi ko gusto ang ginawa mo!”

Ito’y para maiparamdam sa kaniya na ang kaniyang ginagawa ay nakakaapekto sa feelings mo o sa iba pang tao sa paligid niya.

Kung siya may ginawang mali na hindi mo nagustuhan ay ipaalam ito sa kaniya. Sabihin ito sa ganitong paraan, halimbawa: “Hindi mo ako puwedeng kausapin ng ganyan.” “Hindi ko gusto na makakita ng ganito kakalat na kwarto.” O kaya naman ay, “Aalis na muna ako sa kwartong ito para kumalma ako.”

Maaari mo rin siyang turuan ng tungkol sa pagiging magpabigay o ng tungkol sa charity. Kung may gagawing donation, ay isama siya. Ito ay upang makita niya ang hirap na pinagdadaanan ng iba at makapag-suggest siya ng paraan kung paano makakatulong sa kanila.

6. Sinisi ng iyong anak sa iba ang mga pagkakamali niya.

Sa pamamagitan nito ay ipinapakita ng iyong anak na hindi niya kayang maging responsible sa mga actions niya. Para matakpan ang mali niyang ginawa ay maaari siyang magsinungaling at mag-manipulate ng iba matakpan lang ang pagkakamali niya.

Ano ang iyong dapat na gawin?

Para maturuan sila ng pagiging responsible, hindi kailangang makipagtalo o ipilit ito sa kanila. Makakatulong ang pagtuturo sa kanila nito, sa pamamagitan ng mga bagay na makaka-relate sila. Gaya ng mga activity o gawain na kailangan nilang i-accomplish o gawin.

Payo ni Samalin, ang pagsusulat ng note sa iyong anak ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang ito ay gawin. Sapagkat ang mga bata laging nagbabasa ng mga notes at kung minsan pa nga ay sinasagot ang mga ito.

Narito ang ibinigay na halimbawa ni Samalin.

“Dear Jo, reminder lang. Ito ang mga kailangan mong gawin ngayong araw bago manood ng TV. Una ay kailangan mo isampay ang mga damit mo sa iyong aparador. Kailangan mo ring hugasan ang mga plato saka patuluin. Pakainin mo rin ang aso at ipasyal sa park. Salamat sa tulong mo. Love, Mom.”

7. Ang iyong anak ay napaka-demanding.

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Lagi bang ipinipilit ng anak mo ang mga gusto niya. Very specific ba siya dito at paulit-ulit? Kung oo, ay napaka-demanding ng anak mo.

Ano ang dapat mong gawin?

Ayon kay Samalin, kung ang gusto ng iyong anak ay maging “in control” sa mga bagay sa paligid niya, hayaan siyang maramdaman ito. Pero dapat ito ay hindi sosobra.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga choices upang makapili siya ng gusto niya. Tulad na lamang halimbawa sa kung ano ang gusto niyang luto sa itlog na kakainin niya.

Gusto niya bang sunny side up ito o scrambled lang? O kaya naman ay ano bang gusto niyang gawin sa free time niya. Mas gusto niya bang magbasa ng libro o maglaro na lang?

Pero dapat sa pagsasagawa nito ay turuan pa rin siya ng disiplina. Dapat ay malinaw sa inyong dalawa kung sino ang masusunod sa schedule niya at kung kailan nito maaaring mabago.

Upang maintindihan ng anak mo na lahat ng tao ay may pangangailangan, hindi lang siya; na ang bawat tao sa paligid niya ay maaaring maapektuhan sa kung anong magiging choice o desisyon niya.

Napakahalagang maturuan ng disiplina ang iyong anak. Sa pagsasagawa nito ay mahalaga na nandoon ka para maipaliwanag at maipaintindi ito sa kaniya. Oo nga’t gusto mong maibigay ang lahat ng kailangan at gusto ng iyong anak.

Pero hindi lang ang physical needs nila ang mahalaga. Mahalaga rin ang psychological needs nila na magiging pundasyon nila sa pagiging responsable sa kanilang paglaki.

Orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.