Ano ang normal at hindi normal na kulay ng ihi ng buntis?

Narito ang mga kulay ng ihi at mga palatandaan na ipinahihiwatig nito na maaring makaapekto sa pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kulay ng ihi ng buntis: Alamin kung ano ang normal at kailan ito nagiging palatandaan ng kondisyon na nangangailangan ng aagad na maagapan.

Kulay ng ihi ng buntis, ano nga ba ang normal? At kailan ito nagiging palatandaan ng kondisyon na nangangailangan ng agad na maagapan.

Image from Freepik

Kulay ng ihi ng buntis

Ayon kay Dr. Bilal Kaaki isang urologist, ang kulay ng ihi ng isang babae ay lumalabnaw kapag buntis. Ito ay dahil mas dumadami ang blood volume ng kaniyang katawan. Dahilan upang mas maraming tubig ang ipina-process ng kaniyang kidney papunta sa bladder na nagiging ihi.

“Urine looks paler during pregnancy because there’s a 50 percent increase in blood volume, so the urine tends to be clearer and more diluted during pregnancy.”

Ito ang pahayag ni Dr. Kaaki. Ngunit dagdag pa niya ang kulay ng ihi ng isang buntis ay maari ring mag-iba. At isa sa nagiging dahilan nito ay ang hydration level ng katawan o dami ng tubig na iniinom niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A healthy urine color range is from pale yellow to amber-colored urine. It all depends on your hydration level. Pale yellow urine means you are more hydrated and dark amber urine is at the other end of the spectrum. It’s more concentrated, which means you’re more dehydrated.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Kaaki.

Pero maliban sa hydration level ng katawan, marami pang maaring maging dahilan ng pag-iiba ng kulay ng ihi ng isang buntis. Ito ay maaaring dahil sa pagkain o gamot na iniinom niya. O kaya naman, maaring ito pala ay palatandaan ng isang sakit na nararanasan niya na pala.

Upang maliwanagan ang isang buntis ay narito ang iba’t ibang kulay ng ihi at bawat paliwanag ukol rito. Narito rin sa artikulong ito ang mga dahilan o ipinahihiwatig nitong palatandaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang kulay ng ihi ng isang buntis?

Kapag ikaw ay nagbubuntis, maraming pagbabago ang posibleng mangyari sa iyong katawan. Isa na rito ang pagbabago sa kulay ng iyong ihi.

Ang mga pagbabagong ito ay indikasyon ng kalagayan ng iyong kalusugan kapag nagbubuntis. Kaya maiging malaman ang kulay ng iyong ihi. Nagiging madalas na haka kapag nag-darken ang kulay ng iyong ihi, ikaw ay nagbubuntis.

Sa pagtukoy ng mga pagbabago tulad ng nabanggit, maaaring ikonsulta rin agad sa espesyalista kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa iyong ihi. Minsan, hindi lamang ito nangangahulugan ng pagkabuntis.

Ano nga ba ang posibleng kulay ng ihi ng isang buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal na kulay ng ihi ng buntis

Habang nagbubuntis, ang pagbabago sa kulay ng iyong ihi ay mas nakikita. Maaari itong mag-range mula sa intense bright yellow hanggang sa mas dark, at yellowish orange na kulay.

Sa ganitong sitwasyon, maaari kang matakot o kabahan dahil sa biglang pagbabago ng ihi mo. Ito ang mga normal na kulay ng ihi ng buntis. Dagdag pa, walang dapat ipag-alala sa ganitong kalagayan.

Kapag nagbubuntis, maaaring ipayo sa iyo ng doktor ang palagiang pagtse-tsek ng kulay ng iyong ihi. Maraming dahilan kung bakit kailangan na palagian ang pagbabantay sa iyong ihi.

Ang dehydration sa isang buntis ay napakadelikado, at mas madaling makita at ma-monitor sa urine check.

Isa pa, ang biglaang pagbabago sa kulay ng ihi ay posibleng paunang sintomas ng komplikasyon o sakit, kung saan ay walang nakikitang obvious na senyales.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabula ang ihi ng buntis

Nagiging mabula rin ang ihi ng buntis. Bunga ito ng concentration sa iyong urine, na maaari ring mangyari kapag ikaw ay dehydrated.

Dagdag pa rito, nagiging mabula ang ihi ng buntis dahil sa protein content ng urine, at mas madalas ay dahil sa sakit sa kidney. Mas nagiging prone ang isang tao sa kidney diseases kapag halimbawa, siya ay diabetic.

Minsan, ang pagiging diabetic ay maaari ring maiugnay sa pagbubuntis.

Mga dahilan sa pagbabago sa kulay at amoy ng ihi ng isang nagbubuntis

Pwede kang makaranas ng pagbabago sa kulay at amoy ng ihi sa kabuuang period ng pagbubuntis. O ‘di kaya’y nagbabago ang kadalasan ng iyong pagpapabalik-balik sa CR.

Nangyayari ito dahil sa pagpo-produce ng katawan mo ng pregnancy hormone hCG. Nagdudulot ang hormone na ito ng madalas na pag-ihi.

Narito ang ilan sa mga iba pang dahilan sa pagbabago ng kulay at amoy ng ihi ng buntis:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sakaling mapansin na hindi na normal ang pagbabago ng kulay ng ihi, maaaring kumonsulta sa iyong doktor.

Mga kulay ng ihi at ang ibig sabihin nito

Sa normal na pagkakataon, ang ihi ng tao ay maaaring magbago depende sa kanyang kinakain at iniinom. Kung pag-uusapan din ang kulay ng ihi, nagiging indikasyon ito kung kulang sa hydration o sobra ang katawan natin.

Sa ibang kaso naman, ang kulay rin ng ihi ay maaaring manipestasyon ng ibang kumplikasyon. Dagdag pa, posible ring magkaroon ng pagbabaho sa kulay ng ihi ng isang nagbubuntis.

Mahalagang malaman ang mga kulay ng ihi dahil mas maiiwasan o malulunasan ang anomang problema sa kalusugan.

Kaya, narito ang iba’t ibang kulay ng ihi at ang ibig sabihin ng bawat kulay:

Walang kulay o transparent

Kung ang ihi ng isang buntis ay walang kulay o transparent, ito ay nangangahulugan na masyadong maraming tubig ang kaniyang naiinom. Bagama’t ipinapayo na mainam ang madalas na pag-inom ng tubig, hindi dapat lalagpas sa 8-10 baso ng tubig sa isang araw ang naiinum ng isang buntis.

Dahil ang sobrang tubig sa katawan ay maaaring mauwi sa hyponatremia o water intoxication. Ang kondisyon na kung saan ang sodium concentration ng dugo ay masyadong bumababa na maaring maging life-threatening o mauwi sa pagkasawi.

Image from Freepik

Kulay dilaw na ihi

Ang kulay dilaw na ihi ay normal at palatandaan na tama ang dami ng tubig na naiinom ng isang buntis. Maliban na lamang kung ito ay dark yellow o matapang na dilaw.

Dahil sa ito ay palatandaan ng dehydration sa buntis. Sa pagkakataong ito, dapat ay agad na uminom ng dagdag na tubig ang buntis. Dahil kung hindi ang dehydration ay maaring mauwi sa pregnancy complications. Tulad ng neutral tube defects, low amniotic fluid, inadequate breastmilk production o kaya naman ay premature labor.

Ang dark yellow urine ay maaaring palatandaan din ng urinary tract infection o UTI. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan o hapdi o pananakit sa ari sa tuwing umiihi.

Maliban sa dark yellow na ihi, ang pagkakaroon ng dugo sa ihi ay palatandaan rin ng pagkakaroon ng urinary tract infection.

Kulay orange na ihi

Ang kulay orange na ihi ay maaring dulot ng increase bilirubin production ng katawan. Ito ay isa sa pangunahing palatandaan ng pagkakaroon ng liver problem.

Ang kulay orange na ihi ay maaaring dulot rin ng pagkain o bitaminang iniinom ng buntis tulad ng vitamin C. Ngunit ito dapat ay bumabalik sa normal na kulay matapos ang ilang oras.

Kung hindi at magpatuloy ang pagiging kulay orange ng ihi ng buntis kahit wala namang kinaing pagkain na maaring magdulot nito, dapat ay magpunta na sa doktor at magpakonsulta. Maaaring ito ay dulot ng isang karamdaman na dapat ay agad ng maagapan.

Image from Freepik

Light brown o tea-colored na ihi

Ang pagkakaroon ng light brown na ihi ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kidney disease o kidney failure. Ito ay dahil hindi na maayos na napi-filter ng kidney ang mga dumi sa katawan.

Bagama’t ito ay maaaring dulot rin ng pagkain o inumin, mas mabuting magpakonsulta agad sa isang doktor ang buntis kung ito ay nagpatuloy pa ng ilang araw.

Mapula o pink na ihi

Ang mapulang ihi ay maaring dulot din ng pagkain o inumin. Ngunit palatandaan rin ito ng pagkakaroon ng sakit sa bato o urinary tract infection.

Mahalaga na hindi ito isawalang bahala ng buntis dahil sa maaari itong makakapekto sa development ng dinadala niyang sanggol. Ito ay maaaring mauwi sa seryosong komplikasyon dulot ng premature labor o underweight baby.

Ang pink o mapulang ihi ay maaaring senyales rin na nakakaranas ng light implantation bleeding ang isang buntis. Ito ay maaaring palatandaan rin ng pagkakaroon ng impeksyon sa vagina o cervix ng isang babae. Lalo na kung ang ihi ay nagtataglay rin ng mabahong amoy.

Kulay blue-green na ihi

Ang kulay blue-green na ihi ay maaari ring maranasan ng isang buntis. Lalo na kung siya ay nakakain ng pagkain ng nagtataglay ng kulay na ito.

Maaaring ito ay dulot rin ng mga gamot na nagtataglay ng compouds na kung tawagin ay phenol. Tulad ng gamot na promethazine para sa allergy at nausea. At propofol, ang gamot na ginagamit sa anesthetics.

Sa kabuuan ang kulay ng ihi ng isang buntis ay maaring magiba-iba. Maaring ito ay dahil sa kinakain niya. O kaya naman ay dahil sa isang kondisyon na kapag hindi agad na nabigyan ng pansin ay maaring maglagay peligro sa sanggol na dinadala niya.


 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.