Mga dapat mong malaman tungkol sa kulugo sa ari

Paano mo malalaman kung mayroon kang kukugo sa iyong ari? At ano ang mabisang lunas dito? Alamin natin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masasabing karaniwan para sa isang tao ang magkaroon ng kulugo sa kaniyang mukha o kamay. Pero paano naman ang kulugo sa ari? Paano natin malulunasan at maiiwasan ang mga komplikasyong dulot nito?

Mababasa sa artikulong ito:

  •  Ano ang sanhi ng kulugo sa ari ?
  • Paano ginagamot ang kulugo sa ari
  • Mga pwede mong gawin para maiwasan ito

Masakit at nakakahawa, ‘yan ang genital warts o kulugo sa ari. Ito ay nagmula sa human papillomavirus (HPV) at kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Isang maselang paksa, pero dapat mong alamin ang mga sanhi, komplikasyon at maaring lunas para sa impeksyong ito.

Narito ang mga kasagutan sa mga kadalasang tanong tungkol sa kulugo sa ari:

Bakit nagkakaroon ng kulugo sa ari? Saan galing ito?

Ang kulugo ay isang sintomas ng impeksiyon. Kapag ito ay mula sa condylomata acuminate o human papilloma virus (HPV), lilitaw ito sa ari o puwit.

Dahil nga ito ay isang sexually transmitted infection (STI), ibig sabihin ay nakukuha ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik o sa pagdikit pa lang nito sa balat ng ari (skin-to-skin genital contact) ng taong may genital warts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring makuha ito sa pamamagitan ng vaginal, oral, o anal sex.

Iba ang strain ng HPV sa ari na nakukuha sa pakikipagtalik, at iba din ang virus na sanhi ng kulugo sa kamay at iba pang bahagi ng katawan. Hindi ito nakakahawa sa pamamagitan ng paghawak (mula ari papunta sa kamay, o kamay papunta sa ari). Iba ang strain ng HPV na sanhi ng kulugo sa ari, sa kulugo sa ibang bahagi ng katawan.

Ano ang mga sintomas ng kulugo sa ari at ng HPV?

Karaniwang lugar kung saan makikita ang kulugo sa ari ng mga lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan umaabot ng ilang linggo o buwan bago lumabas ang sintomas ng genital warts.

Katulad ng kulugo sa ibang bahagi ng katawan, ito ay maliit na bukol na may nana. Masakit lalo na kapag nagagalaw o nadadampian, at sobrang kati o ‘di kaya ay mahapdi.

May mga kulugong napakaliit din na halos ‘di mo mapansin. Aakalain mo ay tigyawat lang—iyon pala ay kulugo na. Posible ring magkaroon ng HPV na walang lumalabas na kulugo. 

Narito ang ilang sintomas ng kulugo sa ari:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • pangangati
  • pagdurugo
  • vaginal discharge
  • mahapding pakiramdam sa ari

Sa kababaihan, makikita ang kulugo sa:

  • loob at labas ng ari
  • vulva
  • cervix
  • singit
  • paligid o malapit sa pwet

Ayon sa pagsasaliksik, mas karaniwang nagkakaroon ng genital warts ang mga lalaki. Sa mga kalalakihan, maaring matagpuan ang kulugo sa:

  • ari
  • scrotum
  • singit
  • hita
  • loob at paligid ng pwet

Kung mahahawa naman ng genital warts sa pamamagitan ng oral sex, maaaring magkaroon din ng kulugo sa labi, bibig, dila at lalamunan, bagama’t bihira ito.

Nakakahawa ang kulugo sa ari at HPV. Paano ito kumakalat sa ibang tao?

Katulad ng una nang nasabi, ito ay STI, kaya maaaring maipasa ang virus at ma-impeksiyon ang katalik sa pamamagitan ng oral, anal at vaginal sex. Naipapasa din ito sa panganganak (mula sa ina, papunta sa sanggol). 

Kahit sinong tao na sexually active ay maaaring mahawa ng HPV ng kanyang partner. Gayundin, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng genital warts ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • mga taong edad 30 pababa
  • naninigarilyo
  • may mahinang immune system
  • may history ng child abuse

BASAHIN:

STD (Sexually Transmitted Disease): Mga karaniwang sintomas nito

Gamot sa kulugo: Mga natural na paraan na pwede mong subukan

Maaari bang mahawa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pakikipag-sex?

Kung walang nakikitang kulugo pero may sintomas, paano ko malalaman na mayroon akong HPV?

Para sa mga kababaihan, maaring magsagawa ang iyong doktor ng pelvic examination. Maglalagay siya ng mild acidic solution sa iyong ari para lumabas ang mga kulugo.

Pwede ka ring sumailalim sa PAP smear para masuri kung mayroong presensya ng HPV sa iyong katawan. Maaari ring magsagawa ng colposcopy o humingi ng DNA test ang iyong doktor kung sa palagay niya ay maaring cancerous ang HPV sa iyong sistema.

Sa kasalukuyan, wala pang HPV test para sa mga lalaki.

Ano pa ang ibang panganib ng pagkakaroon ng kulugo sa ari?

Ang kulugo ay nagagamot at minsan nga ay nawawala ng kusa, subalit nanatili na ang HPV sa sistema.

Ang HPV infection ang pangunahing sanhi ng cervical cancer sa mga babae. Maaari rin itong magdulot cancer of the vulva at ng mapanganib na pagbabago sa cells ng cervix o tinatawag na dysplasia.

Para naman sa mga kalalakihan, pwede itong maging sanhi ng penile at anal cancer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya mahalagang magpatingin kaagad sa doktor para matingnan at masuri ang kulugo.

Kung ikaw ay nagkaroon ng kulugo sa ari bago pa nagbuntis, ipaalam ito sa iyong doktor. Malaki ang posibilidad na wala itong komplikasyon pero mas mainam pa rin na ipaalam sa doktor ito. Ganoon din kung nagkaroon ng kulugo sa ari ang iyong partner o asawa.

Kung may kulugo sa ari habang nagbubuntis, lalong dapat ipagbigay-alam ito sa doktor. Maaaring lumaki, dumami at dumugo ang kulugo sa ari, dahil sa hormonal changes na dala ng pagbubuntis, at may panganib ding makaharang ito sa birth canal o lalabasan ng bata kaya’t maaaring sumailalim sa cesarean section (C-section) delivery.

Kapag napunta sa sistema ng sanggol ang HPV, maaaring makabara ito sa airway o paghinga niya. Ang bihirang kondisyon na ito ay tinatawag na recurrent respiratory papillomatosis. Kaya naman dapat ipaalam agad sa iyong OB GYN ang anumang sintomas ng HPV o pagkakaroon ng kulugo sa ari, para mabigyan ito ng tamang atensiyon.

Paano gagamutin ang kulugo sa ari?

Walang lunas o gamot para sa HPV, pero ang kulugo ay maaaring magamot ng doktor. May mga topical cream medication na makakatulong sa pag-impis at pagkawala nito.

Pero ang HPV ay mananatili sa sistema ng pasyente. Kaya nga kahit wala ka nang kulugong nakikita, maaari ka paring makahawa sa iba at maipasa ang HPV.

Kapag hindi naman madami o malala ang kulugo, nawawala ito ng kusa. Pero tandaan na ang HPV ay nananatili sa katawan kahit pa wala nang kulugo, at maaari pa ring maipasa ang virus sa iyong partner.

Kapag malubha at nakakahadlang na sa araw araw na pamumuhay ang kulugo, may ilang treatment ang nirerekomenda ng mga espesyalista. Nariyan ang electrocautery, o pagsunog ng kulugo gamit ang kuryente o electric currents, cryosurgery, o freezing ng kulugo para matanggal, laser treatments, excision, o pagtanggal nito sa pamamagitan ng surgery, at ang pag-ineksiyon ng gamot para matanggal ito.

Tandaan: Huwag susubukang tanggalin ang kulugo nang walang doktor. Maliit man ito o malaki, kailangan pa rin ng ekspertong medikal para maiwasan ang mga komplikasyon. Huwag mag-atubiling magpatingin kaagad sa OB GYN o doktor, lalo na kung nararamdaman ang labis na pananakit.

Ang gamot para sa kulugo sa ibang bahagi ng katawan ay iba sa lunas para sa kulugo sa ari. Huwag susubok ng anumang home remedy kung may kulugo sa ari.

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HPV at genital warts?

May mga bakuna na laban sa HPV. Kapag may bakuna, malalabanan ng katawan ang anumang uri ng  HPV. Pero ayon sa Department of Health, hindi na ito epektibo  para matanggal ang HPV kung naimpeksiyon ang pasyente o mayroon nang HPV sa kaniyang sistema.

Sa mga babae, mahalaga ang pagpapa-PAP Smear ng regular para makita kaagad kung may abnormal na kondisyon ang ari at cervix. Sa test kasi na ito makikita kung may HPV sa sistema.

Ayon sa National Advisory Committee on Immunization (NACI) ng Amerika, ang HPV vaccine ay nirerekomenda para sa mga kababaihan at kalalakihang may edad na 9 hanggang 26 taong gulang. Binibigay din ito sa mga kababaihang edad 27 hanggang 45 kung hindi pa nila ito nakuha noong mas bata sila.

Safe sex ang pangunahing paraan para hindi mahawa o makahawa ng HPV, o tuluyang pag-iwas muna lalo na kung may nakikita nang kulugo, o kung nagkaroon na nito.

Nakakatulong rin ang paggamit ng condom para maiwasan ang pagkalat ng virus, bagamat hindi nito mapoprotektahan ang buong genital area.

TANDAAN:

HUWAG nang makipagtalik kung mayroon nang nakikitang kulugo sa genital area. Makakabuti kung makikilala mo muna ang iyong partner bago makipagtalik at kung mapapag-usapan niyo ang mga bagay tulad ng HPV at iba pang sexually transmitted diseases.

Sources: Mayo Clinic, CDC, National Center for Biotechnology Information (ncbi.nlm.nih.gov),
Human Papillomavirus (HPV), HPV-Related Disease, and the HPV Vaccine, by Kari P Braaten, MD, MPH and Marc R Laufer, MD

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.