Ang karaniwang tanong ng ating mga moms and dads, nakakahawa ba ang COVID-19 sa pamamagitan ng sex o pagtatalik?
Pero bago ang lahat, ang virus na COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng mga water droplets na nagmumula sa taong infected nito sa pamamagitan ng pagbahing. Nahahawaan nito ang isang tao once na ang maliliit na droplets na ito ay pumasok sa katawan.
COVID-19 and sex, safe ba? | Image from Unsplash
COVID-19 and sex, safe ba?
Kaya naman payo ng mga eksperto, bawal muna ang yakap at paghalik sa ngayon para maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19.
Ngunit para sa mag-asawa, safe ba ang pagtatalik o sex kahit na alam niyong hindi kayo carrier pareho ng COVID-19?
Nakakatawa mang isipin ngunit ayon sa Terrence Higgins Trust, pwede namang magtalik ang mag-asawa ngunit dapat ay iwasan muna ang paghalik at ang posisyon ninyo ay malayo ang mukha sa isa’t-isa. Kung mabuti pa nga ay, kailangan magsuot ng face mask para makasigurong walang contact na mangyayari.
Komplikado siya kung iisipin ngunit kailangan itong isagawa para maging safe. Maaaring ito ay matatawag na ‘New Normal Sex‘ para sa panahon ngayon.
Isa pang rekomendasyon ay ang paggamit muna ng mga sex toy o sex on phone. Wala kasi ditong physical contact na magaganap.
Para makasiguradong safe at secured ka sa COVID-19, iwasan muna ang pakikipagtalik sa ibang tao lalo na kung hindi mo ito kasama sa bahay.
Maaari bang mahawa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pakikipag-sex?
Ang COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng laway ng isang infected na tao. Once na ang droplets ng saliva ay maipasa sa isang tao, ito ay paniguradong mahahawaan ng nasabing virus.
Ayon kay Dr Alex George, mataas ang posibilidad na makahawa ang isang tao sa pagtatalik sa pamamagitan ng paghalik, paghawak sa genitals o mukha ng kanyang partner.
Sa ibang pag-aaral, nakikita rin ang COVID-19 sa dumi at semen ng isang taong infected. Kaya kung magtatalik, isa ring dapat isipin ang paggamit ng condom sa mga mag-asawa.
Narito ang ilang mga dapat tandaan para makaiwas as COVID-19.
COVID-19 and sex, safe ba? | Image from Freepik
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
COVID-19 and sex, safe ba? | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BBC News
BASAHIN:
Fake face masks mula sa China nadiskubre sa Pilipinas
Puwede bang makipag-sex habang buntis?
Dapat magsuot ng mask habang nagtatalik, ayon sa mga eksperto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!