Bawal ba ang sex sa buntis o puwede bang makipag-sex habang buntis? Isa ito sa mga concerns ng mga nagdadalang-taong babae. Lalo na ang mga first-time moms na wala pang sapat na kaalaman at karanasan sa pagbubuntis. Bawal ba sa buntis ang makipagtalik? Alamin dito!
Para sa inyong kaalaman at kaliwanagan, narito ang sagot ng mga eksperto ukol sa tanong na ligtas ba ang sex habang buntis o safe ba ang pakikipagtalik habang buntis?
Pwede bang makipag-sex habang buntis?/Image from Freepik
Bawal ba sa buntis ang makipagtalik?
Pagtatalik habang buntis: Ayon sa isang pahayag mula sa health website na Medical News Today, ang isang babaeng buntis ay maaring makipag-sex hanggang kailan niya gustuhin.
Puwera na lang kung ito ay ipinagbabawal ng kaniyang doktor dahil sa nararanasang kondisyon o komplikasyon ng kaniyang pagdadalang-tao. Ilan nga sa mga kondisyon na ito ay ang sumusunod:
Ayon naman sa NHS UK, isang health website, ligtas ang pakikipagtalik habang buntis at hindi ito makasasama o makasasakit sa iyong baby. Pero tandaan din na normal na magbago ang iyong sex drive habang ikaw ay buntis. Hindi man ito dapat ikabahala dahil normal ito, pero mahalagang pag-usapan niyo rin ito ng iyong partner.
Iba’t iba kasi ang epekto ng pagbubuntis sa sex drive ng bawat babae. May mga babaeng mas lalong ginaganahan sa pakikipagtalik habang buntis. Mayroon din namang nawawalan ng gana sa pagkikipag-sex kapag buntis. Ang pinakamahalagang gawin ay kausapin ang iyong partner at ipaliwanag dito ang iyong kondisyon.
Safe ba ang pakikipagtalik habang buntis? Hindi ito safe kung ikaw ay:
- May problema sa cervix na nagpapataas ng tiyansa ng miscarriage o early labor sa isang pagbubuntis.
- Buntis sa kambal o higit sa isang sanggol.
- May placenta previa o ang kondisyon na bahagya o natatakpan ng placenta ang cervix ng isang buntis.
- May cervical incompetence o ang cervix ay nagbubukas ng premature o masyadong maaga.
- Nagkaroon ng history ng premature labor sa mga naunang pagbubuntis.
- Nakakaranas ng substantial blood loss o hindi maipaliwanag na vaginal bleeding.
- Nakakaranas ng amniotic fluid leak.
- Pumutok na ang panubigan na nagpapataas ng tiyansa ng impeksyon.
Bawal ba ang sex sa buntis? Kung hindi nakakaranas ng mga nabanggit na kondisyon at sa kabuuan ay malusog at normal ang pagdadalang-tao ay walang dapat alalahanin ang isang buntis. Dahil sa kung tutuusin ay mayroon pa nga umanong benepisyo o magandang epekto ng pakikipagtalik habang buntis.
Benepisyo ng pakikipagtalik habang buntis?
Kung malusog ang iyong pagbubuntis, mayroong magandang epekto ng pakikipagtalik habang buntis.
Ayon kay Aleece Fosnight, isang physician assistant at sex counselor sa urology, women’s health, at sexual medicine, ang mga babaeng buntis na nag-oorgasm ay nakakabenepisyo sa calming hormones at increased cardiovascular blood flow na idinudulot nito. Ang benepisyong ito ay naipapasa niya rin sa kaniyang sanggol na nakakatulong sa kaniyang development.
Paraan din ito upang manatiling fit and healthy ang isang buntis. Dahil ang pakikipag-sex ay nakakapag-burn ng calories na nakakatulong hindi lang sa buntis kung hindi pati na rin sa kaniyang partner.
Isa rin itong magandang pagkakataon upang makapag-bond ang buntis at kaniyang partner habang ina-anticipate ang pagdating ng kanilang baby.
Ayon naman sa isang 2004 study, pinapalakas rin ng pakikipagtalik ang immune system ng isang buntis. Dahil sa ang sex ay nagpapataas ng level ng lgA, isang antibody na tumutulong sa katawan upang labanan ang sipon at iba pang uri ng impeksyon.
Buntis sex: Ano ang dapat asahan ng buntis sa pakikipagtalik
1. Less tight o hindi masikip ang pwerta ng buntis.
Paalala ng mga eksperto, bagamat ligtas ang sex habang buntis, kailangang ihanda ng isang babae ang kaniyang sarili sa ilang pagbabago na mararamdaman niya habang ginagawa ito.
Tulad na lang ng pakiramdam na “less tight” o hindi masikip ang kaniyang pwerta o vagina. Ito ay dahil umano sa increased lubrication at hormonal changes na kaniyang nararanasan.
2. Mas sensitive ang pwerta at suso ng buntis. Maaari ring hindi maging komportable sa pakiramdam ang pakikipagtalik.
Maaari ring maging sensitive ang genitalia ng buntis na nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam habang nakikipagtalik. Sa ganitong pagkakataon, ipinapayo ni Fosnight na magkaroon ng mas mahabang oras sa foreplay o paghahalikan ang mag-partner bago ang actual sex.
Pero may mga pagkakataon namang mas nagiging exciting ang pakikipagtalik sa buntis lalo na sa mga lalaki. Dahil ayon sa kanila mas nararamdaman nilang mas full o masikip ang vagina.
“Men may say they feel more fullness in the vagina, even during the first trimester.”
Ito ang pahayag ni Fosnight. Paliwanag niya ito ay dahil sa increased blood flow na nangyayari sa isang pagbubuntis. Dahilan upang mamaga ang vulva, vagina, clitoris, at pelvis ng babae na maaaring magdulot ng pleasure o irritation sa kaniya.
Maliban nga sa genitalia, ay magiging sensitive din ang suso ng mga babae. Dahil ito sa nararanasang pagbabago ng suso bilang paghahanda sa milk production.
3. Mas extra wet ang babaeng buntis.
Magiging extra wet din ang mga babaeng buntis. Ito’y dulot ng increased secretions mula sa kaniyang ari na paraan upang maprotektahan siya mula sa bacterial infection.
4. Hindi maabot ng ari ng laki ang sanggol na ipinagbubuntis.
Walang dapat ipag-alala ang mga buntis na babae sa tuwing makikipagtalik. Dahil hindi tulad ng kanilang iniisip, hindi matatamaan o maapektuhan ang kanilang sanggol sa tuwing isinasagawa ang penetration.
Sapagkat si baby daw ay nakahiwalay at ang uterus ay mas movable kapag nagbubuntis. Safe ang bata sa loob ng amniotic sac, at lumalangoy ito at pinoprotektahan ng amniotic fluid.
Ang sac na ito ay ligtas sa loob ng uterus, at siguradong matibay at protektado si baby. Nariyan pa ang cervix sa uterus na haharang sa pagitan ng ari at ng baby.
“During penetration, the uterus may move a little bit and you feel it. People have freaked out something is happening to the baby.”
“The baby is super protected and has its own filter system that’s really selective about what goes in and comes out.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Fosnight.
5. Hindi totoong nagdudulot ng miscarriage ang pakikipagtalik ng buntis.
Ayon naman kay Stephanie Buehler, isang psychologist at sex therapist, ang pakikipagtalik ay hindi totoong nagdudulot ng miscarriage. Sa katunayan, kapag malapit na ang due date ng isang buntis ay makakatulong nga ito upang mas mapabilis ang kaniyang paglelabor.
“Some couples have sex up until the woman goes into labor. Unless there is a medical reason or one or both partners are uninterested, couples can do as they please.”
Ito ang pahayag ni Buehler.
6. Pwede ba putukan ang buntis? Mas mabuting gumamit ng proteksyon para makasigurado.
Ang miscarriage ay madalas na nangyayari kapag hindi naging maayos ang development ng isang fetus. Pero maaring maranasan ito ng buntis matapos makipagtalik, kung ang partner ng buntis ay may STD o sexually transmitted disease.
Dahil ang sexually transmitted infection ay maaaring magdulot ng potential pelvic inflammatory disease na maaaring mauwi sa early labor, miscarriage at iba pang serious health complications.
Pwede ba putukan ang buntis? Sagot ng mga eksperto mas mabuting gumamit ng condom sa pakikipagtalik upang makasigurado.
7. Maaaring makaramdam ng contractions ang buntis habang nakikipagtalik.
Ang pakikipagtalik ng buntis ay maaaring magdulot ng parang umuugoy sa duyan na pakiramdam sa kaniyang sanggol. O para sa sanggol, parang naglalakad lang si Mommy pataas ng hagdan o bulubundukin.
Maaaring maging sanhi rin ng contractions sa uterus ang pakikipagtalik habang buntis, pero ito ay Braxton Hicks lamang. Kapag oras na ng panganganak, doon pa lang magle-labor si Mommy.
Pero tandaan, hindi na dapat makipagtalik kapag pumutok na ang panubigan at nagle-labor na si misis.
8. Maaaring makaranas ng spotting matapos makipagtalik ng buntis lalo na sa mga unang linggo ng pagdadalang-tao.
Ang spotting ay normal lang sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Kaya huwag mabigla kung makakita ng bahid ng dugo matapos ang pagtatalik sa mga panahong ito.
May mayabong na blood supply kasi ang cervix kaya nagdudugo, at inilalabas ng uterus. Bagamat may mga pagkakataon na maaaring may panganib ito, siguraduhin na ikukunsulta sa OB GYN kapag madami ang dugo at patuloy ito.
Kung si misis ay may low-lying placenta, iwasan muna ang pakikipagtalik habang buntis. Kung madalas ang spotting, mabuting ipaalam sa doktor, at huwag munang magtalik hangga’t hindi nasusuring mabuti ang kondisyon ni misis.
9. Maaaring gumalaw o sumipa si baby habang nakikipagtalik ang buntis.
Huwag mag-alala, muli tulad ng nauna ng pahayag ay hindi ibig sabihin nito na natatamaan si baby. Ang paggalaw niyang ito ay positibong reaksyon lamang ng sanggol kapag nakakarinig ng masayang musika, o kapag kumakain si Mommy ng masarap na pagkain.
Hindi rin dapat mag-alala na baka maalala ng sanggol ang mga naririnig niya habang nagtatalik. Dahil walang pag-aaral ang nakapagsabi na naaalala ng sanggol ang mga naririnig niya habang nagtatalik ang mga magulang niya.
10. Bawal ba sa buntis ang makipagtalik sa 3rd trimester? Hindi at wala ka dapat ipag-alala.
Puwedeng makipagtalik ang buntis sa kabuuan ng kaniyang pagdadalang-tao basta’t ito ay may go signal ng kaniyang doktor. Sa nalalapit na panganganak o 3rd trimester sa katunayan ay nakakatulong pa ito para maihanda at palakasin ang pelvic muscles ng buntis.
Nakakatulong ito para bahagyang maibsan ang sakit ng paglelabor at ma-improve ang bladder control ng babaeng nagdadalang-tao. Ang mas malakas na pelvic muscle rin ay nakakatulong sa mas mabilis na recover ng buntis kapag sia ay nakapanganak na.
Kung nasa mood kayo, go lang sa buntis sex! Kapag mas malapit na sa due date, mas mahirap nga lang humanap ng komportableng posisyon para kay misis.
Subukan ang iba’t-ibang posisyon na hindi makakasakit at mai-enjoy ninyong mag-asawa.
Ligtas man ang pagtatalik habang buntis, hindi rin ito ganoon kadali at kasimple. Pero magandang tiyansa ito para mag-explore at mag-experiment kayo ng iyong partner pagdating sa mga posisyon sa pakikipagtalik habang buntis.
Sa mga unang buwan ng iyong pagbubuntis, posibleng hindi maging komportable para sa iyo ang posisyon kung saan ay nasa-top ang iyong partner. Hindi lang ito dahil sa baby bump kundi dahil na rin sa tenderness ng iyong dibdib dulot ng pregnancy.
Pagdating naman sa posisyon ng pakikipagtalik sa later stages ng pagbubuntis, dapat ay piliin ang mga posisyon na hindi maglalagay ng pressure sa tiyan ng buntis.
Tulad ng missionary position na kung saan maaring magdulot ng extra pressure sa internal organs at major arteries ng buntis ang bigat ni baby.
Mas mainam ang mga posisyon na kung saan komportable ang buntis at kung saan makokontrol niya ang depth at speed ng penetration. Gaya na lamang ng woman on top, side-by-side spooning, at sitting at the edge of the bed.
Dagdag pa rito, ayon sa NHS UK, maaari ring hindi maging komportable sa babae kapag masyadong deep ang penetration. Mahalagang kausapin ang partner kung ano lang ang mga gagawing komportable para din sa inyong dalawa.
Maaari rin namang sumubok ng iba pang posisyon ang mag-partner. Basta’t ito ay magiging komportable sa kanilang dalawa lalo na sa babaeng nagbubuntis. Kaya ang sagot sa tanong na pwede bang makipag-sex habang buntis ay oo!
Iba pang dapat tandaan
- Hindi makasasama sa iyong baby ang sexual penetration. Protektado ng iyong abdomen at muscular walls ng uterus ang iyong anak.
- Magkaiba ang contractions dulot ng orgasm at contractions dulot ng labor. Kaya naman may ilang doktor na inirerekomendang iwasan na muna ang pakikipagtalik sa final week ng pregnancy.
- Maaaring kumonsulta sa iyong doktor kung ligtas ba ang sex habang ikaw buntis o hindi. Lalo na kung may certain medical condition na posibleng maging dahilan para ipagbawal muna sa iyo ang pakikipagtalik.
-
Delikado ang pagkakaroon ng sexually transmitted infection habang ikaw ay buntis. Maaari itong magdulot ng seryosong problema sa kalusugan niyo ni baby. Kaya naman, iwasan ang ano mang uri ng pakikipagtalik kung may active na sexually transmitted infection ang iyong partner.
- Gumamit ng condom kung kayo ng partner mo ay may relasyong hindi monogamous o kung tawagin ay polyamorous.
- Mahalagang gumamit din ng condom kung makikipagtalik sa bagong kapareha habang nagbubuntis.
- Kung ayaw mong makipagtalik habang ikaw ay buntis, tandaan na ayos lang ito dahil marami namang iba pang paraan para maging intimate sa iyong partner. Kapag hindi mo gustong makipag-sex, kausapin ang iyong partner at ipaliwanag sa kaniya ang iyong mga dahilan. Tandaan na sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon para hindi mauwi sa hindi pagkakaunawaan.
- Ang breast stimulation, orgasm sa babae, at iba pang hormones sa semilya ng lalaki ay maaaring magdulot ng uterine contractions. Posibleng irekomenda ng iyong doktor na huwag ka munang makipagtalik habang buntis kung ikaw ay mayroong unexpected vaginal bleeding. Gayundin kapag tumagas ang iyong amniotic fluid. Bukod pa rito, maaaring kailanganin mo ring iwasan muna ang sex kung ikaw ay may cervical incompetence o kaya ay may placenta previa ka.
Sa kabuuan, ligtas ang safe sa buntis maliban na lamang kung mayroong mga kondisyon na maaaring magdulot ng negatibo sa iyong anak. Kaya mahalaga ang advise ng iyong doktor hinggil sa pakikipagtalik habang buntis.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!