TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dapat magsuot ng mask habang nagtatalik, ayon sa mga eksperto

4 min read
Dapat magsuot ng mask habang nagtatalik, ayon sa mga eksperto

Narito ang mga rekumendasyong ibinigay ng mga eksperto upang mabawasan ang tiyansa na magkahawaan ng virus ang mag-partner o mag-asawa habang nagtatalik. | Lead Image from Freepik

Wearing face mask while having sex o pagsusuot ng mask habang nagtatalik ipinapayo ng mga eksperto sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Face mask while having sex?

Sa pagdaan ng buwan, linggo at araw ay mas marami pa tayong nadidiskubre tungkol sa sakit na COVID-19. Habang patuloy parin tayong pinapaalalahanan ng awtoridad sa mga COVID-19 preventive measures na kailangan nating sundin at makasanayan ng gawin. Tulad ng pagsusuot ng mask tuwing lalabas ng bahay at ang social distancing.

mask habang nagtatalik

Image from Pixabay

Marami nga sa ating mga Pilipino ay ginagawa ang lahat para masunod ito. Kahit na ba ang mga magka-angkasang mag-asawa sa motorsiklo na ipinagbabawal at mainit paring pinagtatalunan sa ngayon. Ngunit maliban dito ay may bagong rekumendasyon ang mga eksperto. Rekumendasyon na maaring magustuhan ng mga mahilig mag-experiment na mag-asawa sa kama. At paniguradong tataasan ng kilay at tatawanan lang ng iba. Ano ito?

Ayon sa mga eksperto, hindi lang dapat sa tuwing lalabas ng bahay mag-susuot ng mask. Dapat din daw mag-suot ng mask habang nagtatalik o nakikipagtalik. Ito ay isang paraan rin umano para maiwasan na magkahawaan ng sakit na COVID-19.

Pagsusuot ng mask habang nagtatalik

Ang rekumendasyon na ito ay mula sa isang bagong pag-aaral na isinagawa ng mga scientist mula sa Harvard University. Dahil ayon sa kanila, base sa existing data ang lahat ng uri ng in-person contact ay nagdadala ng risk ng transmission ng sakit. Isa na nga rito ang pagtatalik.

“On the basis of existing data, it appears all forms of in-person sexual contact carry risk for viral transmission, because the virus is readily transmitted by aerosols and fomites. This has resulted in broad guidance regarding physical distancing, with substantial implications for sexual well-being.”

Ito ay isang bahagi ng pahayag ng pag-aaral na nailathala sa Annals of Internal Medicine.

Ang naging rekumendasyon ng mga eksperto sa pag-aaral na ito ay may maiuugnay sa naging resulta ng isang pag-aaral sa China. Dahil base sa resulta ng pag-aaral natuklasang ang COVID-19 virus ay makikita rin sa semen ng mga lalaki.

Natuklasan ito ng mga researchers mula sa Shangqiu Municipal Hospital, Henan Province, China. Ito ay matapos nilang pag-aralan ang semen samples ng 38 male coronavirus patients ng ospital. Ayon sa mga researchers 16% ng mga lalaking sumailalim sa pag-aaral ay nakitaan nila ng traces ng COVID-19 virus sa kanilang semen.

“The presence of viruses in semen may be more common than currently understood, and traditional nonsexually transmitted viruses should not be assumed to be totally absent in genital secretions.”

Ito ang pahayag ng mga researchers sa pag-aaral na nailathala sa Journal of the American Medical Association o JAMA.

mask habang nagtatalik

Image from Freepik

Iba pang COVID-19 sexual approach ayon sa mga eksperto

Samantala, maliban sa pagsusuot ng mask habang nagtatalik nagbigay rin ng iba pang paraan ang mga Harvard scientist kung paano maiiwasan ng mga couples na magkahawaan ng sakit. Unang-una nga rito at sinasabing “low risk for infection” bagamat imposibleng mangyari ay ang abstinence o hindi na muna makikipagtalik.

Maituturing daw na safest approach rin ang pagtatalik o pakikipagtalik ng mga taong magkasamang magself-quarantine. Habang sinisiguro na gumagamit parin sila ng proteksyon o contraceptives para maiwasan naman ang STD at unwanted pregnancy.

“For some patients, complete abstinence from in-person sexual activity is not an achievable goal.

“In these situations, having sex with persons with whom they are self-quarantining is the safest approach.

“Those unable to take this approach may benefit from risk reduction counseling, which has proven effective in other realms of sexual health.

“Patients should also be provided with information about how to reduce the risk for other sexually transmitted infections as well as the importance of continued use of contraceptives during this time to prevent unwanted pregnancy.”

Ito ng pahayag ni Dr Jack Turban na lead researcher ng ginawang pag-aaral.

Sex in the time of COVID-19

mask habang nagtatalik

Image from Freepik

Maliban sa nabanggit, ay maituturing rin daw na “low risk for infection” ang pagmamasturbate muna. O kaya naman ay ang pakikipagtalik gamit ang digital platforms tulad ng phone at video chat. Bagamat kailangan paring tandaan ng mga gumagawa o gagawa nito na ito ay maaring pagsimulan ng sexual extortion o predation.

At kung sakaling hindi naman daw talaga maiwasan o mapigilan ang pakikipagtalik, mas mabuting mag-suot nalang ng mask habang ito ay ginagawa. Iwasan din muna ang kissing o halikan. Mag-shower din bago at matapos mag-sex. At gumamit ng condom bilang proteksyon.

Kakatwa man kung iisipin pero para sa mga eksperto ang pagsusuot ng mask habang nagtatalik ay isang mabisang paraan para maprotektahan ang mga magka-partner mula sa kumakalat na sakit. Ikaw ano sa tingin mo?

 

Partner Stories
5 ways to establish mental wellness in the workplace
5 ways to establish mental wellness in the workplace
'Tis the season to make the Pinoy favorite Macaroni Salad
'Tis the season to make the Pinoy favorite Macaroni Salad
Goodbye Sore throat with Strepsils, Hello Christmas Season!
Goodbye Sore throat with Strepsils, Hello Christmas Season!
World Vision backs DepEd learning continuity plan
World Vision backs DepEd learning continuity plan

Source:

Mirror UK, NCBI

BASAHIN: Mga pag-iingat na dapat gawin kung ikaw ay manganganak o nanganak na ngayong panahon ng COVID-19


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Dapat magsuot ng mask habang nagtatalik, ayon sa mga eksperto
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

    Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

    Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko