12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming KUTO

Isa ang kuto o lice sa english sa mga problema ng magulang dahil sa pagkakaroon ng kanilang anak. Paano ba ito matatanggal?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaking problema ng mga magulang kapag ang kanilang anak ay nagkaroon ng kuto sa kanilang buhok o lice kung tawagin sa English. Ngunit sa kaso ng isang 12 years old na bata, hindi nito nagawang makaligtas dahil sa naging impeksyon dala ng pagkakaroon ng madaming kuto.

12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto

 

Pumanaw noon lamang August 26 ang isang 12 years old na batang babae na si Kaitlyn Yozviak dahil sa cardiac arrest at severe anemia. Habang ang mga magulang nito ay naaresto dahil sa kasong murder dahil na rin sa suspetya ng kapabayaan sa pag-aalaga kay Kaitlyn.

Ayon sa imbestigasyon ni  Special Agent Ryan Hilton ng Georgia Bureau of Investigation, nagkaroon ng madaming kuto ang batang babae bago ito mamatay. Hinihinala na tatlong taon ng may kuto si Kaitlyn at hindi ito nasusulusyunan.

12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Youtube

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa sobrang dami nitong kuto, naging dahilan ito ng pagbaba ng kaniyang iron level at kinalaunan ay nagkaroon na ito ng severe anemia. Anemia at cardiac arrest ang ikinamatay ng batang babae.

Bukod dito, napag-alaman na hindi naligo ng halos isang linggo si Kaitlyn bago mamatay.

Nang pumunta sa bahay nila ang mga imbestigador, nakita nilang madumi ang kama, mga laruan at iba pang gamit sa loob ng kuwarto ni Kaitlyn. Hindi na rin ito nakikita sa labas na naglalaro ng kanilang mga kapitbahay ng halos dalawang buwan na.

Inaresto ang mga magulang ng batang babae sa kasong murder dahil sa pagpapabaya sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Unsplash

Kuto o lice sa ulo

Ang kuto (in English ay lice) sa ulo ay isang insekto na maliit at naninirahan sa ating mga buhok. Sila ay nabubuhay sa pagsipsip ng dugo at madaling maipasa sa ibang ulo. Walang dala na bacteria o delikadong sakit ang mga kuto ngunit nakakapagdala ito ng uncomfortable feeling sa taong mayroon nito.

Sintomas ng kuto sa ulo

  • Pangangati ng ulo – ito ang pinakakaraniwan na sintomas ng pagkakaroon ng kuto sa buhok. Kung napapansin mong laging nangangati ang ulo, leeg o tainga ng iyong anak, tignan agad kung may kuto ito. Ang pangangati ay dulot ng allergic reaction sa kuto.
  • Pagkakaroon ng kuto – kung may makikita kang gumagapang na maliit sa ulo ng iyong anak, tignan agad ito at patayin kung nakumpirmang kuto.
  • Pagkakaroon ng itlog ng kuto – mahirap makita ang itlog ng kuto dahil maliliit ito. Ngunit kadalasan silang makikita sa bandang tainga at hairline ng leeg.
  • Pamumula – isa pang senyales na ang anak mo ay may kuto kapag nakakita ka ng maliliit na pulang bump sa ulo nito. Dala ito ng kagat ng kuto at pangangati.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Unsplash

Kadalasang napagkakamalan na itlog ng kuto ang balakubak, tuyong hair product o ibang insekto na nasa ulo. Kung sakaling mapansin mong may kuto ang iyong anak, ‘wag agad itong patagalin dahil mabilis itong dumami at maaaring makahawa pa sa ibang tao.

Maraming mabibili na shampoo na pampatay ng kuto sa mga botika.

‘Wag mag-atubiling pumunta sa doktor kung mapapansin mong kakaiba na ang pagkakaroon ng kuto ng iyong anak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Daily Mail, Mayo Clinic

BASAHIN:

Kuto sa buhok: Sanhi, sintomas, at lunas

Mga batang ni-rescue, punong-puno ng kuto at sakit sa balat

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano