Kyla kay Rich Alvarez sa kanilang anniversary: “11 years after, you still love me the same, take care of me the same.”

Ayon kay Kyla, totoong gentleman ang mister niyang si Rich ay masaya siyang namana ito ng anak nilang si Toby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kyla at Rich Alvarez nag-celebrate ng kanilang ika-11 taon bilang mag-asawa. Nagbigay ng sweet na mensahe ang married couple sa isa't isa.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Kyla at Rich Alvarez 11th wedding anniversary
  • Mensahe ni Kyla sa mister na si Rich
  • Buhay ni Kyla bilang isang ina

Kyla at Rich Alvarez 11th wedding anniversary

Image from Kyla's Instagram account

Nasa US ngayon ang mag-asawang sina Kyla at Rich Alvarez kasama ang kanilang anak na si Toby, 8-anyos, upang magbakasyon. Kasabay ng kanilang pagbo-bonding bilang isang pamilya ay nagdiwang rin sila Kyla at Rich ng kanilang anniversary bilang mag-asawa.

Kahapon sa kaniya ngang Instagram account ay may sweet na mensahe si Kyla para sa mister bilang pagbati sa anniversary nila.

Doon ikinuwento ni Kyla na naging sikreto ang pagpapakasal nila noon ni Rich sa pamamagitan ng civil wedding ceremony. At ang pagbabakasyon nila sa labas ng bansa sa unang pagkakataon bilang mag-asawa at walang ibang kasama.

Mensahe ni Kyla kay Rich

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“11 years ago, same month, we decided to get married secretly. We went to Singapore after our civil wedding. It was the first time we ever went anywhere alone.”

Ito ang bungad ni Kyla sa mensahe niya sa mister na si Rich. Mula nga noon matapos ang 11 taon, ayon kay Kyla ay hindi nagbago ang pagmamahal at pag-aalaga sa kaniya ng mister.

“11 years after, you still love me the same, take care of me the same. You are a true gentleman.”

Hinalimbawa pa ni Kyla ang trip nila sa ngayon sa kung saan talaga namang pinagsisibilihan siya ng mister. Ganoon rin ang anak nilang si Toby na namana ang pagiging maalaga sa kaniya ng asawang si Rich.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This trip, you won’t even let me push our luggage, or even carry a paperbag. And your son is doing the same- won’t even let me carry a bottle of water! You guys are funny. Your son is the way he is because of you. He sees the way you treat me and does the same as you.”

Si Kyla ay sobrang thankful sa anak at mister niya. Kaya naman sa huli ng kaniyang mensahe ay ipinaabot niya ang pagmamahal niya sa mga ito at pagbati narin sa mister sa 11th wedding anniversary nila.

“I don’t know what I did to deserve such a loving husband and son. I love you both so much! Happy 11 years sweetheart @rich_alvarez"”

Mensahe ni Rich kay Kyla

Samantala, sa kaniya ring Instagram account ay ipinakita ni Rich ang inihanda niyang date sa misis ni Kyla sa anniversary nila. Doon ay kasama nila ang anak na si Toby na all smiles ring nag-pose sa camera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Late Anniversary gift with my wife. I love you so much! Praying everything works out for the best! Thank you all the wonderful years together!! Happy Anniversary!”

Ito naman ang mensahe ni Rich sa misis na si Kyla sa kanilang 11th wedding anniversary.

Bumati naman sa mag-asawa ang mga malalapit nilang kaibigan na masayang makita na makalipas ang maraming taon ay very happy at strong parin ang relasyon nilang dalawa. Isa na nga rito ang kapwa singer ni Kyla na si Erik Santos.

eriksantos "Happy anniversary to you Nanie and Rich. God bless your family."

Image from Kyla's Instagram account

BASAHIN:

Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: “Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kyla Alvarez after third miscarriage: “I’d have dreams about me carrying a baby”

John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: “Stay mabait and sweet my love”

Buhay ni Kyla bilang isang ina

Image from Kyla's Instagram account

Si Kyla ay ikinasal sa mister at former PBA basketball player na si Rich Alvarez noong November 28, 2011. Ang una nilang anak na si Toby ay ipinanganak ni Kyla noong March 2013.

Matapos mapanganak ang panganay nila ay tatlong beses ng nakaranas ng miscarriage si Kyla. Ang karanasan niyang ito ay very traumatic sa singer lalo pa’t very excited siyang masundan na ang panganay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang bago lumipad ang pamilya nila sa US para magbakasyon ay ibinahagi ni Kyla ang magkahalong lungkot at saya niya sa ngayong 8-anyos niya ng anak na si Toby.

Kuwento ni Kyla, big boy na talaga ang kaniyang anak dahil hindi na magkasya dito ang mga damit sa kids section. Halos sa adult section na nga daw sila bumibili ng mga damit ng anak.

At ang nakakalungkot pa share ni Kyla ay minsan daw nahihiya na itong magpa-kiss sa kaniya. Pero pilit ni Kyla sa anak ay i-kikiss niya parin ito, kahit ito ay matanda o may asawa na.

“Mejo nakakaiyak pala. But he’s only 8. Minsan nahihiya na sya magpa-kiss sa akin. Sabi ko hindi pwede. I’d kiss you everyday until you’re old and married.

Promise mo yan anak- even when you’re old and married, you’d kiss your momma. Hindi talaga ako papayag na hindi. LOL. Sino nakaka-relate?”

Ito ang sabi pa noon ni Kyla sa kaniyang Instagram account.