Kyla on suffering four miscarriages: “I would always wonder kung ano ba itsura ng mga anak ko kung pinanganak ko sila.”

Sa kabila ng lahat si Kyla, umaasa na pagkakalooban parin sila ng Diyos sa tamang panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kyla Alvarez ibinahagi ang nararamdaman niya matapos ang naranasang four miscarriages.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Four miscarriages na naranasan ng singer na si Kyla Alvarez.
  • Kyla ibinahagi ang nararamdaman sa naranasang four miscarriages.

Four miscarriages na naranasan ng singer na si Kyla Alvarez

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla

Taong 2018 ng unang makaranas ng miscarriage ang singer na si Kyla. Ito ay matapos sumubok sila ng mister na basketbolistang si Rich Alvarez na sundan ang panganay nilang si Toby. Pero sumubok ulit ang mag-asawa, nakabuo man sila ay nakunan muli si Kyla. Hanggang sa maulit ito sa pang-apat na beses nitong 2022.

“Mahirap po yung feeling ng nawawalan ka. Something that you’ve prayed for, and you’ve hoped for, and you wanted. Tapos bigla na lang, parang binigay sayo tapos kinuha ulit. Tapos you have to go through that over and over.”

Ito ang pagbabahagi ni Kyla sa naranasang miscarriages.

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla

Kyla Alvarez ibinahagi ang nararamdaman sa naranasang four miscarriages

Si Kyla, bagamat isang taon na ang nakalipas ay hirap paring tanggapin ang nangyari sa kaniya. Sa katunayan, sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter at vlogger na ngayong si Ogie Diaz ay ibinahagi niya kung paano tinatakasan ang pangungulila sa mga anak na nawala sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kapag umuulan, kapag naririnig ko ‘yung patak ng ulan, feeling ko ‘yung mga anak ko naglalaro lang sila.”

Ito ang pagkukuwento ni Kyla.

Ayon pa sa kaniya, may mga gabi rin na napapaniginapan niya ang mga ito. At ang pinaka-malungkot sa lahat at nag-iwan ng malaking tanong sa isip niya ay kung ano kaya ang naging itsura ng mga ito.

“May time po na napapaniginapan ko parati na nanganak ako. May time na parang hinahatid ko yung anak ko sa school. Tapos magigising ako kasi hindi ko nakita yung face. Naiiyak ako kasi I would always wonder kung ano ba itsura ng mga anak ko kung pinanganak ko sila.

Ito ang sabi pa ni Kyla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng mga miscarriages na naranasan, si Kyla hindi parin nawawalan ng pag-asa. Naniniwala siya na kung kagustuhan ng Diyos na pagkalooban silang mag-asawa ng anak ay mangyayari rin ito sa tamang panahon.

“In my heart, naglo-long pa rin po ako for another kid. Pero sabi ko, kung gusto talaga kaming i-bless ni Lord with another kid, feeling ko kahit walang treatment, ibibigay niya iyon.”

Ito ang sabi pa ni Kyla.

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement