Kylie Padilla: "Mahapdi sa aking puso na hindi ko na 'yon makikita, mai-enjoy na buo kami"

Pag-amin ni Kylie ini-stalk niya parin hanggang ngayon ang mister na si Aljur Abrenica lalo na kapag kasama nito ang mga anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla may mga pag-amin sa naging pag-uusap nila ng amang si Robin Padilla.

  • Mga pag-amin ni Kylie Padilla.
  • Kylie Padilla as a single mother.

Mga pag-amin ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla

Image from Kylie Padilla's Instagram account

Sa naging heart-to-heart talk ng mag-amang si Kylie Padilla at Robin Padilla sa vlog ng aktres ay may ginawa itong pag-amin. Ito ay ang mga naging realizations niya ngayong siya ay isa ng ina at kung ano na ang estado ng relasyon nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Kuwento ni Kylie, mula ng siya ay na-inlove ay inamin niyang nawalan siya ng oras na makasama ang amang si Robin Padilla. Pero nang siya ay magkaanak na na-realize niya na ang pag-spend ng oras kasama ang mga magulang ay napaka-halaga.

“Iba kasi kapag nanganak ka babalik ka doon sa childhood. Nakita ko rin po yung mga pagkukulang ko, bilang daughter. Noong nanganak ako, kailangan talagang bigyan ng time 'yong mga magulang, 'yong parents.

Bigyan ng importance yung family mo before kasi you are building a family now. Parang kailangan kong ayusin yung tayo, para maayos ko ito.”

Ito ang pag-amin ni Kylie sa amang si Robin Padilla. Dagdag niya pa sa ngayon ay mas nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. At laging kapakanan ng mga anak niya na ang lagi niyang inuuna.

“Bilang isang magulang, naintindihan ko. Syempre bata rin ako nagka-baby, kailangan mo talaga mag-grow up for their sake. Hindi na puwedeng maging selfish when you become a parent.”

Ito ang sabi pa ni Kylie. Kaugnay nito ay inamin rin ng aktres kung gaano kasakit at kahirap sa kaniya ang nangyari sa kanilang pamilya. Lalo na sa mga anak niya na pinaka-apektado sa paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Estado ng relasyon nila ng mister na si Aljur Abrenica

Image from Aljur Abrenica's Facebook account

Matatandaang Hulyo nitong taon ng kumpirmahin ng action star na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie at mister nito na si Aljur Abrenica. Deretsahan ding sinabi ni Robin noon na, oo, ang alam niya ay may third party sa kanilang naging hiwalayan.

Matapos ang panayam ni Robin ay opisyal na naglabas ng pahayag si Kylie. Sila nga ay hiwalay na daw talaga ni Aljur.

“Ang mahirap lang talaga doon sa nangyari sa amin ay yung never ko nang maeenjoy yung pinapanood ko silang naglalaro.”

“Favorite ko 'yong nakikita 'yong mga anak ko na naglalaro kasama ang tatay nila.”

Ito umano ang isa sa pinaka-nakakalungkot na parte ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Pero dagdag ni Kylie, sa ganitong sitwasyon, ay mas maayos at happy ang relasyon nila ni Aljur. Kaya naman bagamat medyo naguguilty siya ay alam niyang ito ang pinaka-makakabuti sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mas maganda 'yong nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic. Mahapdi sa aking puso na hindi ko na yun makikita, mai-enjoy in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon.”

Pag-amin pa ng aktres, hanggang sa ngayon ay ini-stalk niya parin mister na si Aljur. Lalo na kapag kasama nito ang mga anak nila.

“I have no shame na iniistalk ko parin kasi nga gusto kong makita na ah ok masaya sila. Buo parin relasyon nila bilang magtatay, so happy na ako. Syempre on my side may guilt, pero ready na ako mag-move forward talaga.”

Ito ang naging sagot ng aktres sa amang si Robin Padilla ng tanungin nito kung wala na bang pag-asang mabuo pang muli ang pamilya nila.

BASAHIN:

Aljur Abrenica to Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla inamin na “nahirapan” si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”

Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”

Kylie ina-aapply ang mga natutunan sa amang si Robin Padilla pagdating sa pagiging magulang sa mga anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kylie Padilla's Instagram account

Sabi pa ni Kylie, kung ano siya ngayon bilang magulang sa mga anak niya ay natutunan niya mula sa amang si Robin Padilla. Kaya naman sa kabila ng problema at mga pagsubok pinipilit niyang bigyan ang mga anak ng masayang pagkabata.

“Bilang nanay ng anak ko, I have to be civil. Trying to be a better person, maging mas mature na tao.”

“Natuto ako sa atin, Para kapag nag-kuwento naman ako sa mga anak ko, maganda rin yung maririnig nila.”

Ito ang sabi ni Kylie sa amang si Robin Padilla.

Sa mga sinabi ng anak ay lalong napahanga si Robin sa tibay ng loob ng panganay niya. Isang bagay na sinadya niya daw ituro sa anak mula noong ito ay maliit pa.

“Kaya di ako nag-aalala na sinasabi ng mga tao na ganito, ganito. Kayang-kaya ni Kylie 'yan, walang dadating doon sa batang iyon na hindi niya kakayanin.”

Ito ang sabi ni Robin sa anak na si Kylie Padilla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement