X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kylie Padilla’s wish for her birthday: “Nanay na talaga ako. I just want gifts for them.”

5 min read

Kylie Padilla, ito ang wish sa nalalapit niyang birthday.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Birthday wish ni Kylie Padilla.
  • Kylie Padilla as a mom.

Birthday wish ni Kylie Padilla

Kylie padilla with alas and axl

Image from Instagram

Ngayong darating na January 25 ay magdiriwang ng kaarawan ang aktres at ngayon ay single mom na si Kylie Padilla. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang wish niya sanang matanggap na regalo ngayong birthday niya. Pero ito ay hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para sa mga anak niyang sina Alas at Axl.

“Lapit na bday. Wish ko? Maging healthy ang pamilya ko lalo na mga anak ko. And for gifts? There is this climbing frame playground thing I want for my boys.”

Ito ang pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram account. Pagpapatuloy niya ay nakakatawa man kung iisipin, aminadong nanay na talaga siya.

Ito ay dahil laging ang mga anak niya nalang ang inuuna at naiisip niya. Dahil ayon kay Kylie sila ang pinakamagandang regalong ibinigay sa kaniya.

“LOL nanay na talaga ako. I just want gifts for them. Hihihi they are the bestest gifts ever given to me.”

Ito ang sabi pa ni Kylie sa kaniyang Instagram post.

 
View this post on Instagram
  A post shared by kylie (@kylienicolepadilla)

Reaksyon ng mga netizens

Samantala, marami namang naka-relate kay Kylie sa post niyang ito. Karamihan nga rito ay mga mommy na aminadong kaysa sa sarili ay laging mas nauuna ang kapakanan at kaligayahan ng anak nila. Kalakip ng pagsang-ayon nila kay Kylie ay kanilang pagbati sa nalalapit na kaarawan nito.

“Ganyan talaga ang Nanay, uunahin na ang anak kesa sa sarili. Pero syempre, ‘di pa rin masamang isipin ang sarili paminsan-minsan. Advance happy birthday, Kylie!”

“Advance Happy Birthday, wish you more strength, and good health. Ganyan din po ako mas priorty ko needs ng mga anak ko mas gusto ko mas matutupad gusto nila, ganyan tayo mga Ina sobra genuine ng love natin sa mga bata.”

“Wow advance happy birthday mommy Kylie . Ganyan din ako gusto ko para sa anak ko na lang ang ibibili ko para sa birthday ko kasi mas iniisip ko ang gusto nila kesa sa gusto ko. Ganyan talaga ang isang ina uunahin ang lahat para sa anak . Salute to all moms .”

Ito ang reaksyon ng ilang netizens sa birthday wish ni Kylie.

BASAHIN:

Aljur Abrenica to Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Kylie Padilla inamin na “nahirapan” si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”

Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”

Kylie Padilla as a mom

Kylie padilla with alas and axl

Image from Instagram

Maraming beses ng pinatunayan ni Kylie Padilla ang walang katumbas niyang pagmamahal para sa mga anak na sina Alas at Axl. Ayon nga sa isa niyang IG post ay sinabi niyang ang pagiging ina ng mga ito ang pinaka-the best na bagay na nagawa niya.

Ito nga umano ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Nangunguna na nga rito ay ang pagbabago ng kaniyang priorities sa buhay na kung saan ang number one lagi ay mga anak niya.

“I was a workaholic before becoming mama! And naturally, I still am even if I am mama! One thing that has changed is that my kids naturally must come first! So even if I do put so much focus on my work I want them to always know mama is around for them.”

Ito ang sabi ni Kylie Padilla. Dagdag niya pa kahit minsan ay nakakainis talaga ang kakulitan ng mga anak niya, masaya pa rin siyang maging ina ng mga ito. Hindi rin siya magsasawang laging unahin ang best para sa mga anak niya anuman man ang mangyari.

“Even if it sometimes drives me mad lol I want my kids around. I want to be super mom that can do everything all the time.

Most of the time though that cannot be the case! One thing is for sure choosing motherhood will always be my first instinct as a mom.”

Kylie padilla with alas and axl

Image from Instagram

Sa kanilang naging paghihiwalay ng mister na si Aljur Abrenica, bago ang sarili ay mga anak niya parin ang naisip niya. Pero mas maayos na raw ang lahat sa pagitan nila ni Aljur ngayon na alam niyang mas makakabuti para sa mga anak niya.

“Ang mahirap lang talaga doon sa nangyari sa amin ay ‘yong never ko nang mai-enjoy ‘yong pinapanood ko silang naglalaro.”

“Favorite ko ‘yong nakikita ‘yong mga anak ko na naglalaro kasama ang tatay nila.”

“Mas maganda ‘yong nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic. Mahapdi sa aking puso na hindi ko na yun makikita, mai-enjoy in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon.”

Ito ang sabi ni Kylie sa naging pag-uusap nila ng amang si Robin Padilla.

 

Source:

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kylie Padilla’s wish for her birthday: “Nanay na talaga ako. I just want gifts for them.”
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.