"Kylie Padilla sinagot ang tanong kung kailan nag-iba ang feelings niya para sa ex na si Aljur Abrenica”

Kylie umaming mahal parin si Aljur bagamat this time ang mantra niya, sarili niya lang muna at mga anak ang mamahalin at uunahin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla sumagot sa kung kailan na-realize niyang nagbago na ang feelings niya na sa mister na si Aljur Abrenica. Kung papipiliin, si Aljur pa rin umano ang pipiliin ni Kylie para sa mga anak niya.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Kylie Padilla sinabing hindi mababago ang nararamdaman kay Aljur Abrenica. Ito pa rin kung sakali ang pipilin para sa mga anak niya.
  • Si Kylie uunahin muna raw ang sarili bago ang lovelife niya.

Kylie Padilla sumagot sa tanong tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig

Image from Kylie Padilla's Instagram account

Sa kaniyang Instagram ay nagpaunlak ang aktres at inang si Kylie Padilla na sumagot ng kahit anong tanong. Hindi naman ito pinalampas ng mga netizens na nagtanong tungkol sa estado ng lovelife niya. Pati na tungkol sa nararamdaman niya matapos ang naging paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie, sa ngayon ay single siya at binubuhos ang kaniyang oras sa mga anak niya na siyang “EVERYTHING” para sa kaniya.

Nang matanong kung sakaling magkakarelasyong muli ay mas gusto ba niyang showbiz o hindi, sabi ni Kylie hindi iyon mahalaga. Ang tanging importante pagdating sa pakikipagrelasyon ayon sa kaniya sa ngayon ay kung handa na ba siyang muli o hindi.

“Doesn’t matter. I just hope I’m ready for it too.”

Ito ang sabi ni Kylie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon ng mabalitang hiwalay na sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ang balitang ito ay nakumpirma ng magsalita sa isang panayam ang aktor na si Robin Padilla at ama ni Kylie tungkol sa pinagdadaanan ng aktres.

Sabi noon ni Robin may third party sa naging paghihiwalay ng dalawa. At si Kylie ang gumawa ng desisyon na makipag-hiwalay na.

Ang rebelasyong ito ni Robin ay agad na sinundan ng statement ni Kylie na sinabing bagama't hiwalay na sila ni Aljur ay maayos ang relasyon nila sa isa’t isa. Sila ay may maayos na co-parenting relationship para sa mga anak.

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.”

“I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”

“Thank you for everyone’s concern. The boys are happy and stable. Which is our main priority. Love and light to everyone.”

Ito ang pahayag noon ni Kylie tungkol sa naging paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Aljur Abrenica's Facebook account

Kylie umaming mahal pa rin ang mister na si Aljur Abrenica

Sa Q & A portion sa kaniyang Instagram, nang matanong naman kung kailan na-realize ni Kylie na nagbago na ang feelings niya para sa mister, sinabi ni Kylie na bagamat tanggap niya na ang nangyari sa kanilang dalawa, hindi umano mawawala ang pagmamahal nito para sa asawa.

Ang pagtanggap o acceptance sa kinahantungan ng kanilang relasyon ay natamo nga daw ni Kylie ng magkaroon sila ni Aljur ng closure. Ito ang tagpo kung saan naging honest sila sa isa’t-isa at nasabi ang mga nararamdaman nila.

“When you have real closure. A real open and honest conversation about what happened. And though you’ll find acceptance. I don’t believe you ever stop loving someone you loved before.”

Dagdag pa ni Kylie, sa pamamagitan ng acceptance ay nakapag-move on siya ng maayos. Naging thankful siya sa mga nangyari at tumingin sa naging positive na epekto nito sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember.”

Ito ang sabi pa ni Kylie. Pero kung sakaling dumating umano sa punto na kailangan niya ng pumili, si Aljur pa rin daw sa huli. Ito ay para sa mga anak niya na naging bunga ng noon ay pagmamahal nila. At wala siyang pinagsisihan sa mga nangyari sa kanila.

“We made two angels together. No regrets.”

BASAHIN:

Kylie Padilla’s wish for her birthday: “Nanay na talaga ako. I just want gifts for them.”

Robin Padilla binigyan ng payo si Kylie: “Huwag mong ilayo sa tatay nila. Kailangan may father image.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla opens up about past eating disorder: “I felt being me was not beautiful”

Kylie uunahin muna ang sarili at mga anak

Sa ngayon, kalmado daw ang puso ni Kylie at siya ay masaya. Maliban sa mga anak, ay nagpapasaya sa kaniya ang pagmamahal na binubuhos niya sa kaniyang sarili.

Bagama't inamin niyang mahal pa niya ang dating mister, “Baka pweding ako naman muna” ang sabi ni Kylie. Sarili niya raw muna ang mamahalin niya.

Hindi pa rin naman umano siyang handa na magmahal muli. Dahil sa ngayon self-love at pagmamahal para sa mga anak na sina Axl at Alas ang nangingibabaw sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kylie Padilla's Instagram account