Kylie Padilla tweets "#passdivorcebill" matapos ang kontrobersyal na post ni Aljur Abrenica

Matapos ang magkakabilang isyu tungkol sa kanila ng mister na si Aljur Abrenica, Kylie hinihiling na maipasa na ang divorce bill sa bansa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla divorce bill ang hinihiling ngayon na maipasa!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kylie Padilla divorce bill tweet.
  • Breaking silence post ni Aljur Abrenica tungkol sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla.

Aljur nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla

Image from Kylie Padilla’s Facebook account

Kagabi ay ginulat ng aktor na si Aljur Abrenica ang mga netizens sa naging breaking silence post niya sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla. Pakiusap ni Aljur kay Kylie ay sabihin na ang katotohan. Aminin na nito kung sino sa kanilang dalawa ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.

“Kylie please tell them the truth.”

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain. Tell them who cheated first, tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family.”

Sa post ni Aljur ay mababasang parang isinisisi nito kay Kylie ang pagkasira ng kanilang pagsasama. Kaya ang pakiusap niya dito ay sabihin na ang totoo at gawin ito para sa mga anak nila.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children.”

Ito ang ilan sa mga nasabi ni Aljur sa kaniyang pahayag tungkol sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla.

Sa ngayon ang post na ito ni Aljur ay nakakuha na ng higit sa 413k na reactions at higit sa 195k times ng na-ishare ng mga netizens.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Image from Kylie Padilla’s Facebook account

Hulyo nitong taon ng kumpirmahin ng action star na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie at mister nitong si Aljur. Nang tanungin kung may third party ba sa hiwalayan, ang sagot ng aktor ay oo, iyon ang pagkakaalam niya.

Sinundan ito ng pahayag ni Kylie na kinumpirma ang sinabi ng ama na hiwalay na nga sila ni Aljur. Bagamat paglilinaw niya ay maayos silang naghiwalay. Ganoon rin ang relasyon at set-up nila sa pagco-parent sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.”

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”

Ito ang bahagi ng statement ni Kylie tungkol sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Kasabay nito ay nakiusap si Kylie na itigil na ang isyu sa kanila. Dahil nais niya sana ay mamuhay ng tahimik at ma-enjoy ang natitirang privacy sa buhay niya.

Pero hindi tumigil ang mga usap-usapan tungkol kanila Kylie at Aljur. Ito ay dahil sa mga babaeng patuloy na inililink kay Aljur. Pinaka-latest ngayon ay ang new sexy actress na si AJ Raval na umaming nililigawan siya ni Aljur at boyfriend material ito para sa kaniya.

Sagot ni Kylie sa mga concerned netizens, wala na siyang pakialam sa mga ginagawa ng “ex” niyang si Aljur. Lalo pa’t nagkasundo sila na puwede naman na silang makipag-date sa iba. Nilinaw rin ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

BASAHIN:

Aljur Abrenica to Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Kylie Padilla inamin na “nahirapan” si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”

5 Dahilan Kung Bakit Naghihiwalay Ang Mag-asawa

Aljur hindi raw kinaya ang postpartum depression ni Kylie

Sa isang podcast interview kay Kylie ng mga DJ na si Sam Y.G. at Cha-cha kasama ang co-actress niyang si Andrea Torres sa pinakabago niyang proyekto ay sinabi ni Kylie na hindi kinaya ni Aljur ang postpartum depression na naranasan niya matapos maipanganak ang bunso nila. Ito ang nakikitang paliwanag ng mga netizens sa paghihiwalay ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nahirapan ‘yong ex ko sa ‘kin. Kasi ‘yong mental health ko nun parang kaaway na tingin ko sa lahat. I don’t know why.”

Matapos ang pahayag na ito ni Kylie ay saka naman naglabas ng “breaking silence” post niya si Aljur tungkol sa paghihiwalay nila. Ang post na ito ni Aljur ay hindi deretsahang sinagot ni Kyle. Bagamat ang aktres ay may mga cryptic post sa kaniyang social media accounts. Tulad nalang sa kaniyang IG story na ito ilang minuto matapos masapubliko ang post ni Aljur.

Kylie Padilla divorce bill ang hinihiling ngayon na maipasa na

Samantala, sa kaniyang Twitter account ay tila may nais ipahiwatig si Kylie. Ito ay ang kaniyang post na #passdivorcebill na mukhang sumasalamin sa nararamdaman ngayon ng aktres na nagnanais na tuluyang mapawalang bisa na ang kasal nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Divorce bill sa Pilipinas

Sa kasalukuyan ay aprubado na sa Committee on Population and Family Relations ang House Bill 7303 o ang mainit na pinagtatalunang divorce bill sa Pilipinas. Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay isinusulong na maaprubahan ang diborsyo o absolute divorce sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman na isa sa mga nagsusulong ng panukalang batas, ang pagsang-ayon ng komite sa divorce bill ay isang malaking hakbang para muling maibalik ang konsepto ng divorce sa Pilipinas na una na nating ginagawa noong unang panahon.

Ito umano ay isa sa mga panukalang batas na matagal ng hinihintay na maaprubahan ng maraming kababaihang Pilipino. Lalo na ang mga nakaranas ng pang-aabuso at pang-mamaltrato mula sa mga lalaking kanilang pinakasalan.

Samantala, matapos maaprubahan ng house committee level, ay sunod ng tatalakayin ang divorce bill sa plenaryo ng mga kongresista.

Kung ito ay maaprubahan sa plenaryo ay dadaan pa ito sa kongreso at senado bago matuluyang maaprubahan ng presidente ang panukalang batas.

Source:

PNA,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement