Kapag bagong panganak, madalas ninanais nating magbawas ng timbang agad-agad. Wala namang masama dito, lalo na kapag health ang priority mo. Pero para kay Kylie Padilla, weight loss after pregnancy ay hindi ang pinaka-importanteng bagay. Kung magdagdag o magbawas siya ng timbang pagkapanganak, kahit ano man ang kanyang postpartum body, masaya siya.
“Fat or skinny, I was and am happy,” sabi ng aktres sa isang Instagram post, kung saan din niya sinabi na nawala na ang baby weight.
A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on
Matatandaan na nagsimulang siyang mag-work out, one to two months after siyang manganak.
Matapos noon ay naging consistent na si Kylie sa pagiging fit at kasama pa niya ang partner na si Aljur Abrenica sa gym. Ang iba pa niyang workout ay running, boxing, and Muay Thai. Bago siya sumabak sa showbiz nagttrain siya bilang Muay Thai fighter sa Thailand.
Matapos ang halos limang buwan, nag-slim down nang tuluyan si Kylie.
A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on
Bakit Mo Dapat Mahalin ang Iyong Postpartum Body?
Maraming pagbabago ang dadating sa buhay ng isang bagong ina. Maliban sa responsibilidad, may mga bagay rin na pisikal na maaaring magdulot ng anxiety. Nariyan na ang stretch marks, saggy breasts, atbp.
Pero mas maraming rason para mahalin mo ang sarili mo, ano man ang iyong timbang! Narito ang mga iilan dito.
1. Ang postpartum body mo ay patunay ng napakagandang biyaya na maging ina
Hindi lahat na pinalad magbuntis at magkaanak. Kaya mahalagang ma-appreciate mo ang lahat ng pregnancy changes. Kasama na din dito ang pagbabago sa iyong katawan.
Ito ang patunay ng natatanging lakas at tibay ng isang ina na nagbigay buhay sa kanyang anak.
2. Ang pagmamahal sa postpartum body ay nagbibigay ng tunay na confidence!
Kapag sinabing “sexy” ka hindi naman lamang ito nababagay sa mga payat! Kahit anong timbang o hugis ng katawan mo’y maaari kang maging sexy dahil sa kakaibang confidence na ipinapakita mo.
3. Kapag minahal mo ang postpartum body mo, mas magiging healthy ka, maging sa pananaw mo sa buhay
Maliban sa pisikal na confidence, may mas malalim na epekto ang pagiging positibo mo tungkol sa iyong katawan. Ang pagmamahal sa iyong postpartum body ay pagiging proud sa pinagdaanan mo at haharapin pa bilang isang ina.
Love yourself, moms! Upang mas ma-enjoy mo ang pagbibigay ng buong pag-aaruga sa iyong anak na walang insecurities o anxieties.
BASAHIN: 6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto