Para sa mga taong mataas ang pangarap, wala talagang nagiging hadlang sa kanila upang makamit ito. At para sa inang si Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan, kahit ang mga cramps sa labor ng isang ina ay hindi pumigil sa pangarap niyang maging doktor.
Ito ay dahil kahit na nagsisimula na ang kaniyang labor, ay pinagpatuloy pa niya ang kaniyang pagsagot sa board exam para maging doktor. Dahil dito, hindi lang siya nabiyayaan ng isang sanggol, ngunit isa na rin siyang ganap na doktor. Ating alamin ang kaniyang kuwento.
Labor ng isang ina, nangyari habang kumukuha ng board exam
Nangyari raw ito noong March 11 habang kumukuha ng Physician’s Licensure Examination si Eunice sa Mary Chiles Colleges sa Sampaloc, Manila.
Aniya, bigla na lang raw nagsimula ang kaniyang labor pains habang nagsasagawa ng exam. Aniya, isang linggo raw bago magsimula ang boards, ay dilated na raw siya ng 1-2 cm. Ngunit nagtiyaga siya at nagpatuloy sa pag-aaral sa exam. Bukod dito, 2 araw raw bago magsimula ang boards ay pumutok ang panubigan niya. Kahit raw ang kaniyang partner na ama ng sanggol ay hindi niya sinabihan nito. Ito ay dahil baka raw dalhin siya nito sa ospital.
Simula pa lang raw ng exam ay nagsimula na ang kaniyang labor. Ngunit maaga niya itong natapos, at palagi raw niyang inaalam ang kalagayan ng kaniyang baby.
“It wasn’t easy to act normal smiling at my proctors that time, because they don’t know I was already in labor,” kuwento niya.
“Knowing that my due date falls on March and PLE falls on the 1st and 2nd week. I never doubted myself that I can still push thru with this. Siguro lakasan na lang din ng loob, tiwala at dasal,” dagdag pa ni Eunice.
Sa kabutihang palad, ay natapos niya ang exam na walang problema, at dali daling sinabi sa kaniyang partner na manganganak na siya. Buti na lang raw at malapit sa ospital ang exam, dahil dito na rin siya nanganak.
Masaya siya sa kaniyang nakuhang mga biyaya
Sa kabutihang palad ay wala namang naging komplikasyon o problema ang panganganak ni Eunice. Aniya, Glad I delivered normal. Kasi pagka-transfer ko sa katabing hospital I’m 10 cm fully dilated na. Konting push na lang. I think nakatulong yung paglalakad ko nung nagbubuntis pa ako.”
Tatlong araw matapos manganak, nakuha niya ang balita na pasado siya sa board exams. Ngunit kinabahan raw siya nang malaman na nagkaroon ng neonatal sepsis ang kaniyang sanggol. Ngunit sa kabutihang palad ay mabilis gumaling ang kaniyang anak, at ngayon ay malusog na ito.
Malaki raw ang pasasalamat niya sa mga guard ng paaralan na tumulong sa kaniya, pati na rin sa kaniyang mga doktor at OB-GYN. Dagdag pa niya, “At higit sa lahat kay God, who is the reason for all of these success. Ino-offer ko lahat sa kaniya ‘yun. In return, I’d be a healer just like Him.”
Source: ABS-CBN News
Basahin: Son of a tricycle driver who topped medical board exam almost quit medical school
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!