4-6 months old baby
Milestones:
- Kilala na ang sariling pangalan
- Paggulong sa magkabilang bahagi
- Nagsisimulang umupo ng walang suporta
- Babbling
- Nagpapakita ng interes sa mga laruan
Sa buwan na ito ng iyong anak, mapapansin mo na ang kaniyang mabilis na development. Level up na rin ang peek-a-boo game niyo dahil nagpapakita na siya ng kaunting expression!
Mga katangian ng laruan na dapat nilalaro ng iyong anak
Narito ang tips para sa’yo!
1. Mag-relax habang naglalaro
Makatutulong sa isip at concentration ng bata ang ilang mga activities na ito. Mababawasan din ang kanilang stress o maliliit na problemang kinakaharap kahit bata pa lamang. Maglaan ng oras para maglakad sa umaga o hapon. Magandang ehersisyo ito at nakapagpapatibay ng buto. Ang sariwang hangin at matatayog na puno ang makakapagparamdam ng relaxation feeling sa inyo ni baby.
Puwede rin namang i-engage siya sa gardening. Swak na swak itong bonding time para sa buong pamilya.
Laruan ng baby | Image from Unsplash
2. It’s memory time!
Magandang sanayin ang iyong anak sa mga construction toys katulad ng blocks, puzzle, laruan na mayroong iba’t ibang hugis o laki. Pagsasanay ito sa kanila para maging pamilyar sa iba’t ibang konsepto kung paano hinihiwalay ang mga bagay. Katulad ng hugis, kulay, laki, sukat o texture.
3. Bonding with mommy
Malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa paglalaro ng kanilang anak. Kung nais mong mapalapit ng todo sa iyong anak at malaman ang kaniyang interes habang bata pa, bakit hindi ka makisali sa kaniyang mini tea party? Pwede rin namang sumali sa hide-and-seek ni bunso at ang favorite ng mga baby, peek-a-boo!
Napagalaman na mas natututo ang mga bata kapag kasama nila ang kanilang magulang.
4. Sporty kiddo
Magandang pagsasanay sa mga bata ang physical sport katulad ng basketball, martial arts, swimming, aerobics at iba pa. Hindi lang nito mapapanatili ang pagiging fit kundi makakakita rin siya ng iba’t ibang kaedad niya na magiging kaibigan.
Laruan ng baby | Image from Unsplash
Bukod pa rito, hindi makukumpleto ang childhood memory ng iyong anak kung hindi siya makakapaglaro ng mga larong pinoy! Katulad ng pagpapalipad ng saranggola, paglalaro ng tumbang preso, luksong tinik, hopsnotch at iba pa.
5. Dolls!
Para sa mga batang babae, normal na sa kanila ang pagkahilig sa manika o maliliit na tautauhang binibihisan. ‘Wag mahihiyang makisali sa kaniyang paglalaro kapag tinawag ka niya. Gayahin ang kaniyang mga ginagawa. Maganda itong pagkakataon para malaman kung saan siya curious at ano ang mga interes niya.
I-explore ng mabuti ang iyong anak, i-enjoy ang pretend play!
Nagpapatunay ang isang pag-aaral na ang paglalaro ng manika, nakakatulong ito upang ma-develop ang empathy at masanay ang social skills ng mga bata. Halimbawa na lamang nito, kapag naglalaro mag-isa ang iyong anak ng manika, gumagawa sila ng sariling scenario kung paano sila makikipag-usap sa ibang bata.