Ilang online shops sa bansa, kanselado muna ang kanilang delivery, isa na dito ang Lazada dahil sa COVID 19.
Lazada at Zalora, suspendido muna ang delivery
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas, maraming ginawang hakbang at protocol ang gobyerno. Isa na dyan ang ‘Total Lockdown’ sa buong Luzon na inanunsyo noong March 16.
Hindi na maaaring makalabas o makapasok ng bansa; land, local air travel at local sea travel. Ito ay nagsimula noong March 15 habang ang buong Metro Manila ay nasa ilalim ng Community Quarantine. Ang lockdown na ito ay hanggang sa April 14. Mahigpit na ipinatupad ang Total Lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Hindi maaaring makalabas ng lungsod ang mga tao. Utos ng pangulo, sa kani-kanilang bahay na lang sila manatili hanggang matapos ang total lockdown.
Ipinatigil rin muna ang lahat ng land transportation sa buong Luzon. Katulad ng mga byahe ng jeep, bus, tricycle at iba pang uri ng public transportation. Sinisita rin ang mga nakikitang naglalakad sa labas at ang mga private cars na patuloy na bumabyahe.
Bilang pagsunod rin sa binigay na utos at mapigilan ang tuluyang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, ilang mga kilalang online shop ang kinansela muna ang kanilang mga deliver at logistics transaction. Ito ay para sa kapakanan rin ng kanilang mga mangagawa at mga customer.
Narito ang mga online shop na nagkansela ng mga deliveries:
1. Lazada
lazada delivery covid
Ayon sa Lazada lahat ng kanilang logistics operation katulad ng deliver ng mga items sa kanilang customer ay pansamantala muna nilang ititigil dahil sa COVID 19. Matatandaang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine nitong March 16 sa buong Luzon.
Ang Lazada app naman ay mananatiling aktibo ngunit ang pagdedeliver ay suspended. Kaya asahan na ang delay ng mga orders. Samantalang ang Lazmart na kanilang online grocery ay mananatiling bukas pa rin.
Image from Lazada Facebook
2. Shopee
Ilang delivery partner naman ng Shopee ang nagkansela muna ng kanilang mga delivery. Kaya naman nagbigay na ng abiso ang Shopee sa posibleng delay ng kanilang mga order online.
Mananatili pa rin namang bukas ang kanilang mga costumer service channel katulad ng chat, live at at hotline. Kasama na ang Shopee Feed at Shopee Live.
Image from Shopee Facebook
3. Zalora
Isa rin ang Zalora sa mga nagsuspinde ng kanilang mga logistics operation katulad ng delivery at return pickups. Ito ay nagsimula noong March 16.
Ayon sa kanila, mananatili pa ring bukas ang kanilang website ngunit babalik ang kanilang full operation pagkatapos ng quarantine. Pwede pa rin silang ma-contacts sa email, social media at live chat.
Image from Zalora
Narito naman ang mga delivery services na nagkansela ng kanilang delivery. Ilan rin dito ay partner ng ibang online shops na nagsuspinde pansamantala ng kanilang logistics operation.
1. J&T Express
“Rest assured that we will resume shipping as soon as the Enhance Community Quarantine is lifted.”
Kinansela muna ng J&T Express ang kanilang deliveries. Ito ay nagsimula noong March 18, 2020. Babalik rin naman ang kanilang operation pagkatapos ng ipinatupad na quarantine.
https://www.facebook.com/jntexpressphilippines/photos/a.565969307183555/872681073179042/?type=3&theater
2. Ninja Van Pilippines
Kanselado na rin ang mga delivery sa buong Luzon simula noong March 18. Samantalang ang mga lugar na hindi sakop ng Luzon at Enhance Community Quarantine ay hindi apektado sa kanilang suspension ng delivery.
Babalik rin naman ang kanilang operation pagkatapos ng ipinatupad na quarantine.
https://www.facebook.com/ninjavanph/photos/a.2560279984079393/2840982809342441/?type=3&theater
3. Lalamove
Kanselado na rin ang operation ng Lalamove sa kanilang mga customer.
Babalik rin naman ang kanilang operation pagkatapos ng ipinatupad na quarantine.
https://www.facebook.com/LalamovePH/photos/a.180119282392783/744255499312489/?type=3&theater
READ: LIST: Mga online grocery na mayroong same-day delivery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!