Libreng bakuna kontra polio ipinamimigay sa pangalawang pagkakataon ng ilang ospital sa bansa. Alamin kung anong ospital ang pinakamalapit sa inyong lugar. At anong oras at araw pinakamainam na bumisita upang makakuha na ng bakuna ang iyong anak laban sa nakakatakot na sakit na polio.
Libreng bakuna kontra polio
Nito lamang nakaraang araw ay kinumpirma ng DOH na may walong positibong kaso na ng polio sa bansa. Pinakamarami nga sa naitala ay mula sa Mindanao. Kaya naman dahil dito ay mas pinaigting ng DOH o Department of Health ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra polio. Partikular na sa NCR at Mindanao na kung saan may mga ilog na nagpositibong nagtataglay ng virus na nagdudulot ng sakit. Dahil sa ngayon, ang anti-polio vaccine parin ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa sakit. Lalo pa’t wala paring natutuklasang lunas para dito.
Kaya naman muling hinihikayat ng DOH ang mga magulang na makiisa sa 2nd round ng “Sabayang Patak Kontra Polio”. Ito ay isinasagawa na ngayon sa NCR at Mindanao na kung saan may mga heath workers at vaccination team ang nagiikot sa mga bahay-bahay. Habang may mga ospital at iba pang establisyemento rin ang muling nagbibigay ng libreng bakuna kontra polio. Ito ay bukas para sa mga batang limang taong gulang pababa, nabakunahan man laban sa sakit o hindi pa.
Narito ang ilang ospital sa bansa na maaring mapuntahan para sa libreng bakuna kontra polio. Pati na ang oras at araw na dapat magpunta upang magpabakuna. Tandaan lang na sa iyong pagpunta ay dalhin ang baby card o vaccination record ng iyong baby. Ito ay para magabayan ang magbabakuna sa kung anong dose na ang dapat ibigay sa kaniya.
Mga ospital na nagbibigay ng libreng bakuna kontra polio
Quezon City
1. Capitol Medical Center
Quezon Ave. corner Scout Magbanua St., Quezon City
Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagbibigay ng libreng bakuna kontra polio ang Capitol Medical Center. Ito ay nagsimula noong Nov.25 hanggang Dec.7. Mula sa mga nasabing petsa ay magpunta lang sa Capitol Medical Center bandang 10am-12pm at dumeretso sa Outpatient Department. Kung 12pm-4pm naman magpupunta ay dumeretso lang sa Emergency Room ng ospital para sa pagbabakuna.
2. FEU-NRMF Medical Center
Dahlia St. West Fairview, Quezon City
Patuloy din ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra polio sa FEU hospital sa Quezon City. Ito ay nagsimula noong Nov25-Dec.7 tuwing 8am-3pm araw-araw maliban lang sa araw ng Linggo. Magpunta lang sa dating Emergency Room ng ospital para dito.
3. De Los Santos Medical Center
201 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City
Ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra polio sa pangalawang pagkakataon sa Delos Santos Medical Center ay nagsimula noong Nov.25-29. Magpapatuloy ito ng Dec.2-6 mula 9am-3pm ng hapon. Maglalaan din ng dalawang oras sa Dec.7 mula 9am-11am para sa iba pang gustong humabol at magpabakuna.
Ang pagbabakuna ay isinasagawa sa Lower Ground Floor, Outpatient Department ng Main Hospital Building ng Delos Santos Medical Center.
4. UERM Medical Center
64 Aurora Blvd, Quezon City
Nakikiisa rin ang UERM Medical Center sa 2nd round ng “Sabayang Patak Kontra Polio“. Ito ay kanilang sinimulan noong Nov.5-Dec.7, tuwing 8am-4pm ng hapon. Magpunta lang sa UERM Parking Lot para sa libreng pagpapabakuna.
5. World Citi Medical Center
960 Aurora Blvd, Project 4, Quezon City
Ang World Citi Medical Center sa Quezon City ay nakikiisa rin sa 2nd round ng “Sabayang Patak Kontra Polio”. Ito ay sinimulan nila mula pa noong Nov.25 na nagpapatuloy hanggang Dec. 7.
Magpunta lang sa OPD Pavilion ng ospital mula Mon-Sun, tuwing 9am-3pm ng hapon.
6. St. Luke’s Medical Center
279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City
Suportado parin ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang 2nd round ng libreng pamimigay ng bakuna kontra polio. Ito ay kanilang isasagawa mula Nov.25-30 at Dec.1-7 tuwing 9am-4pm ng hapon sa Physical Rehabilitation Area ng ospital.
7. Fe Del Mundo Medical Center
11 Banawe St, Quezon City
Samantala, tulad sa St. Lukes Medical Center ay nagsimula rin ang muling pagbibigay ng libreng polio vaccine sa Fe Del Mundo Medical Center noong Nov.25. Magpapatuloy ito hanggang Nov.30 na mauulit sa Dec.2-7.
Isinasagawa ang pagbabakuna sa Fe del Mundo Hospital sa mga nasabing petsa mula 8am-12nn mula Lunes hanggang Biyernes. Sa araw ng Sabado naman ito ay isinasagawa mula 8am-4pm ng hapon sa Ground Floor Annex Building at Outpatient Department ng ospital.
8. Philippine Children’s Medical Center
Quezon Avenue, Quezon City
Para sa mga bata ay nakikiisa rin ang Philippine Children’s Medical Center sa pagbibigay ng libreng bakuna kontra polio. Ito ay kanilang isinasagawa mula pa noong Nov.25-Dec.7 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8am-5pm ng hapon.
Manila
9. Our Lady of Lourdes Hospital
Sanchez St. Sta.Mesa, Manila
Mula pa noong Nov.25 ay nagsimula muling magbigay ang Our Lady of Lourdes Hospital sa Maynila ng libreng polio vaccine. Ito ay kanilang gagawin hanggang Dec.7 sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes tuwing 9am-12nn at 1-4pm. Sa araw ng Sabado naman, ito ay kanilang gagawin mula 10am-4pm ng hapon. Magpunta lang sa Main Hospital Lobby at Infection Control Unit sa Ground Floor ng ospital.
10. Ospital ng Maynila
719 Quirino Avenue, corner Roxas Blvd, Malate, Manila
May 2nd round rin ng libreng bakuna kontra polio ang ipinamimigay ng Ospital ng Maynila. Ito ay mula pa noong Nov.25 hanggang Dec.7. Isinasagawa ang registration at pagpapabakuna sa Outpatient Department ng ospital.
11. Metropolitan Medical Center
1357 Masangkay St, Santa Cruz, Manila
Nagpapatuloy rin naman sa pamimigay ng libreng polio vaccine ang Metropolitan Medical Center sa Sta.Cruz, Maynila. Nagsimula din ito noong Nov.25 hanggang sa Dec.7 tuwing 8am-3:30pm ng hapon. Magpunta lang sa Emergency Room sa Lobby Area ng Main Building ng ospital.
12. Mary Johnston Hospital
221 J Nolasco, Tondo, Maynila
Inaanyayahan din ng Mary Johnston Hospital sa Tondo ang mga magulang na magpunta sa kanilang ospital at pabakunahan ng libre kontra polio ang kanilang anak. Mula Nov.25-29 at Dec2-9 ay magbibigay ng free anti-polio vaccine sa ospital. Ito ay isinasagawa sa Dispensary Area ng ospital mula 8am-4pm ng hapon sa mga nasabing petsa.
Muntinlupa City
13. Asian Hospital Medical Center
2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa
May round 2 rin ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra polio sa Asian Hospital sa Muntinlupa. Isinasagawa ito mula pa noong Nov.25 hanggang Dec.7 tuwing Lunes hanggang Sabado mula 10am-12nn at 1pm-3pm.Magtungo lamang sa Outpatient Health Services Pediatric Clinic sa Tower 1 ng ospital.
Marikina City
14. Marikina Valley Hospital
Sumulong Hwy, Marikina
Nakikiisa rin ang Marikina Valley Hospital sa 2nd round ng “Sabayang Patak Kontra Polio” ng DOH. Nagsimula sila noong Nov.25-29 at magpapatuloy sa Dec2-6 tuwing 9am-4pm ng hapon. Isinasagawa ang pagbabakuna sa 2nd floor MVMC Medical Arts Building ng ospital.
Las Piñas City
15. Perpetual Help Medical Center
Alabang–Zapote Road, Las Pinas
Mula pa noong Nov.25 hanggang Dec.7 ay magbibigay rin ng libreng bakuna kontra polio ang Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas. Ibinibigay ito sa Ground Floor, Medical Arts Building ng ospital tuwing 9am-12nn at 1pm-4pm ng hapon.
Taguig City
16. St. Lukes Global City
5th Ave, Taguig
Patuloy rin ang pagbibigay ng libreng anti-polio vaccine sa St. Lukes Global City. Nagsimula ito noong Nov.25-29 at mauulit sa Dec.2-7 tuwing 9am-5pm ng mga nasabing araw. Magpunta lang sa BDO Lounge, 2nd Floor Medical Arts Building ng ospital para sa libreng pagpapabakuna.
Pasig City
17. The Medical City, Ortigas
Ortigas Ave, Pasig
Nagbibigay rin ng libreng anti-polio vaccine ang The Medical City sa Ortigas mula pa noong Nov.25-29 at magpapatuloy sa Dec.2-6. Isinasagawa ito sa ospital tuwing 9am-4pm mula Lunes hanggang Biyernes sa Pedia Office sa 4th Floor ng ospital. Habang 9am-4pm naman sa araw ng Sabado, Nov.30 at Dec.7. At 9am-12nn sa araw ng Linggo sa Dec 1 at 8 sa Conference Room na matatagpuan sa 4th Floor ng ospital.
18. TriCity Medical Center
269 C. Raymundo Ave, Pasig City
Mayroon ring libreng bakuna kontra polio ang ipinamimigay sa TriCity Medical Center sa pangalawang pagkakataon. Nagsimula ito nito lamang Nov.25 na magpapatuloy hanggang Dec.7. Ang pagbabakuna ay isinasagawa tuwing 9am-12nn ng tanghali at 1pm-4pm ng hapon mula Lunes hanggang Sabado sa Conference Room ng ospital.
Malabon City
19. Ospital ng Malabon
F.Sevilla Blvd. Barangay Tañong Malabon City
Tulad na sa mga nabanggit na ospital ay nakibahagi ring muli ang Ospital ng Malabon sa 2nd round ng “Sabayang Patak Konta Polio” mula noong Nov. 25-Dec.7.
Mandaluyong City
20. Victor R. Potenciano o VRP Medical Center
163 Epifanio de los Santos Ave (EDSA), Mandaluyong
Suportado rin ng VRP Medical Center sa Mandaluyong ang 2nd round ng kampanya kontra polio. Sinimulan din nila ito noong Nov.25 na magtatapos hanggang Dec.7 tuwing 8am-4m mula Lunes hanggang Biyernes. Magpunta lang sa Emergency Room Annex ng ospital.
Makati City
21. Makati Medical Center
2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati
Magbibigay ring muli ang Makati Medical Center ng libreng bakuna kontra polio mula Nov.25-30 at Dec.2-7 tuwing Lunes hanggang Sabado. Magpunta lang sa 1st Floor CP Manahan Tower, Makati Medical Center sa pagitan ng 9am-4pm sa mga nasabing petsa.
Paalala ng DOH: Kailangang makumpleto ang 3 doses ng polio vaccine para makamit ang full immunity ng isang bata laban sa polio. Ngunit maliban dito ay kailangan ring mapanatili ang malinis na katawan at kapaligiran para tuluyang makaiwas sa polio.
Source: DOH
Basahin: Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!